TAMIE Tulala ako habang nakatingin sa pintuan. Alas kwatro na ng hapon ay wala pa si Kuya Rhann. Dati rati naman alas dose ay narito na iyon. Makikibalita sana ako kay Ate Tanie dahil ilang araw na kaming hindi dinadalaw o tinatawagan simula ng huli siyang pumunta rito. “Ate, wala pa po si Kuya Rhann?” tanong ni Tristan ng lumabas ito galing sa kusina. Katulad ko ay kanina pa niya hinihintay si Kuya Rhann. Hindi na nga ito natulog ng tanghali dahil sa paghihintay nito. Sobrang close na ng kapatid ko kay Kuya Rhann kaya kapag matagal niyang hindi nakikita ay hinahanap na niya kaagad. “Wala pa, Tris, e. Baka may pinuntahan lang.” Mukhang kailangan ko na kunin ang number niya para kahit paano ay may communication ako sa kanya. Umupo sa tabi ko si Tris, inakbayan ko ito at ginulo ang bu

