PROLOGUE
YEAR 2005
“YOU may now kiss the bride,” ani ng pari na nagbasbas sa bagong kasal.
Itinaas ni Frusto Diaz ang belo na nakaharang sa mukha ni Aleli at dinampian ng halik ang labi nito. Pumalakpak ang mga bisita ng kasalan na maririnig sa apat na sulok ng isang lumang simbahang katoliko.
Nagkatitigan ang bagong kasal. Kitang-kita ni Frusto ang lungkot sa mga mata ni Aleli at gano’n din ang panghihinayang na nababasa ni Aleli sa mga mata ni Frusto.
Parehas man nilang gustuhin ang tumakbo at takasan ang isa’t-isa ay wala na silang magagawa pa. Their marriage was properly arranged to secure both sides of the families’ business relation. Iba man ang mga taong pinangarap nilang makaharap sa altar, ay ang isa’t-isa naman ang sa kanila ay itinadhana.
YEAR 2010
NAKANGITING pinapanood ni Aleli ang limang taong gulang niyang anak na lalaki na nagsu-swimming lesson habang inaalalayan ito ng swimming instructor nito at ang dalawang yaya nito ay nakatayo lamang sa tabi ng parehabang swimming pool at maligayang pinapanood din ang bibong bata. Si Aleli naman ay komportableng naka-upo sa isa sa mga lounge chair ng pool area.
Itinaas ni Archlight ang kamay nito para kunin ang atensiyon niya. “Mom, come here! Watch me.” He shouted from his place.
Mas lalong lumapad ang ngiti niya at mabilis na lumapit sa kinaroroonan ng anak.
Agad na nagpakitang gilas sa paglangoy ang bata sa kanyang ina. Tuwang-tuwa at proud na proud siya sa anak.
“Wow! You’re so good na, baby.” Praising his son would be the rightest thing to do to acknowledge his efforts para mas lalo itong maging motivated sa magandang gawain.
Umahon na ito at tapos na ang isang oras na swimming lesson nito. Arclight pouted his lips as she watched him being dried using a towel by his personal nanny.
“What’s with that face? Hmm…” She bent to his level and caressed his cheek.
“Why Daddy never came to watch me swim?” Mangiyak-ngiyak ang mga mata ng bata.
May kung anong kirot sa puso niya. She suddenly felt guilty. If only she married a man who truly loved her ay sana hindi ganito. After all those years, Frusto had never learned to love her. But it was unreasonable. Frusto was after all, her son’s father. Pero nadadamay ang bata dahil sa ayaw siyang makasama ni Frusto. Hindi ba’t napaka-unfair ng asawa niya sa anak nila?
She forced to smile para hindi malungkot si Arclight. “Baby, Daddy’s just really busy. I’ll try to call him, okay?”
Lumiwanag ang mukha ng bata at ngumiti ito. “Call him now, Mom,” he said.
She rose to her feet at hinugot ang handphone mula sa back pocket ng soot niyang branded jeans. She dialed his number and after three rings, she got connected on Frusto’s line.
“What do you need?” Malamig ang tono ng pananalita ni Frusto. Hindi ba’t ganito naman lagi ang naririnig niyang tono nito but every time she listened to that tone, parang pinipiga ang puso niya sa sakit.
Bumaling siya kay Arclight who’s looking up at her in an innocent face. “Baby, just wait. I’ll give you the phone later.”
Tumango lang ang bata sa kanya at pagkatapos niyang senyasan ang mga personal nanny ng bata na asikasuhin ito ay naglakad siya palayo sa kanila.
“You're taking too much of my time. What do you need?” Frusto raised his voice.
“What taking too much of your time are you talking about when you’ve never given me any? Listen, you jerk! I’m fine if I don’t take any of your time, but our son needs your fatherly support.” Hindi na rin niya naiwasang magtaas ng boses. She didn’t care since wala namang taong malapit sa kanya mula sa kinatatayuan niya.
Narinig niya ang malakas na pagbagsak ng kung anong bagay on the other line. Mas lalo siyang nagalit sa pagdadabog ng asawa niya.
“Ikaw pa ang may ganang magalit? Frusto, I just wanted to tell you that your son needs you. That’s all.” She gritted her teeth.
“Every time we talk, we just fight. I’ve never dreamed to be in this kind of marriage. Why didn’t you just divorce me?” He almost whispered his last sentence.
She wasn’t able to stop her tears from falling. Tears ran down her cheeks.
“If Arclight wasn’t born, I would’ve divorced you, you heartless jerk! Die!” She ended the call right away.
Nang lumingon siya ay nanlaki ang mga mata niya nang makita ang anak na nasa likod niya and probably heard her cursed. Ang mga nanny nito ay tumatakbo papunta sa kanila.
“Arclight! Pasensya ka na, ma’am, bigla po kasi siyang tumakbo. Excited na po kasi siyang makausap ang daddy niya.” Napayuko si Len dahil sa takot sa mga nanlilisik niyang mata pagkatapos nitong magpaliwanag.
At Arclight’s very young age, he might not have understood everything but he knew the meaning of the words. His face saddened.
“You guys are fighting,” he said, sniffling.
“No no, Baby. It isn’t like that.” She shook her head, trying to convince his son.
Arclight opened his arms widely and said, “Let me hug you, mom.”
She was very touched with his son’s gesture. Lumuhod siya para yakapin ang anak.
“You were crying. Don’t lie, Mommy. Lying is not good.” Arclight caressed her silky hair.
She sobbed.
Aleli’s only strength sa mga pagkakataong ipinaparamdam sa kanya ni Frusto na wala siyang halaga ay ang kanilang anak. Her son’s existence comforts her. Sa ilang beses niyang naisip na sumuko ay palaging nangingibabaw ang pagmamahal niya para sa anak. She wouldn’t want her son to grow in a broken family.
“You go rest now, baby boy,” ani Aleli nang makarating na sila ng mansiyon.
Mabilis silang dinaluhan ng tatlo sa kanilang mga kasambahay. Aleli handed her branded shoulder bag to one of the maids, pagkatapos ay naupo siya sa malambot na sofa sa sala. She crossed her feet and leaned on the sofa.
“Mom, I’m not tired. Maglalaro po kami ni Shany,” ani Arclight.
“Okay. Behave kayo, ha. Mommy will take a nap here.”
“Okay.” Tumakbo si Arclight palabas ng mansiyon at agad naman na sumunod ang dalawang personal nannies nito.
“NAY, GUTOM ako,” ani ng limang taong si Shanfiel habang hinihimas ang tumutunog nitong tiyan dahil sa gutom.
Huminto sa paghalo ng niluluto si Eva at nilingon ang anak. “Anong gustong kainin ng maganda kong anak?”
“Luto mo po, Nanay.” Ngumiti ng malawak si Shanfiel at lumapit kay Eva.
“Sige, anak. Upo ka muna. Tapusin ko lang ito.”
Tumango-tango lang siya sa ina. Pagkuwa’y limang sunod-sunod na malalakas na katok ang kumuha ng atensiyon nilang mag-ina.
“Kalaro mo, anak.” Alam na agad ni Eva kung sino ang kumakatok.
Kapag ganyang katok ay si Arclight agad ang pumapasok sa isip nila.
Lumiwanag ang mukha niya at mabilis na tumakbo papunta ng pinto.
“Shany!”
Napahinto at napalingon siya sa ina.
“Akala ko ba nagugutom ka?” Eva frowned.
Nagkibit balikat lang siya at nagpatuloy. Nang buksan niya ang pinto ay naroon si Arclight na nakabusangot ang mukha.
“Bakit ang tagal mong buksan?” He pouted.
“Galit ka na naman.” She crossed her arms and pouted too.
“Mga batang ito talaga. Maglaro na nga kayo,” ani ng nanny ni Arclight.
Inakbayan siya ni Arclight at iginiya palabas. “Tara na nga.”
Pumunta sila sa garden ng mansiyon kung saan sila madalas maglaro. Sa garden ay maraming magagandang mga halaman, mayroon ding maliit na fishpond, at mga bench na komportableng upuan. May nag-iisa ring duyan doon. Mabilis siyang naupo sa duyan.
“Shany, ako diyan. Alis!” inis na ani Arclight.
“Ako nauna. Bleh!” Pang-aasar niya.
“Bahala ka. Hindi na kita friend!” Tinalikuran siya nito habang nakanguso.
Umiyak siya dahil akala niya ay totoong hindi na siya friend nito. Nang marinig nito ang paghikbi niya ay mabilis naman itong bumaling sa kanya at nilapitan siya.
“Joke joke lang ‘yon, Shany. ‘Wag ka na iyak, ha.” Hinimas nito ang likod niya.
Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin kay Arclight at biglang tumawa. “Nagbibiro lang ako, Arky, eh.”
Humagikhik na rin si Arclight. Pati ang mga nanny nito ay natutuwa sa kanilang dalawa.
“Ang cute talaga nilang dalawa. Sana magkatuluyan sila balang araw,” ani Len kay Natty, ang mga personal na tagapag-alaga ni Arclight.
“Arky, dali. Upo ka sa tabi ko,” ani Shanfiel at binigyan ng space si Arky sa duyan.
Lumapad ang ngiti ni Arky at mabilis na naupo sa tabi niya.
“Yaya, Len, iduyan mo po kami. Sige na.” Ipinagdaop ni Arclight ang mga palad nito. “Please, yaya,” dagdag pa nito.
Mabilis naman silang idinuyan ni Len. Tumatawa silang dalawa sa tuwa nang bigla na lang siyang itinulak ni Arky na naging bunga ng pagkahulog niya sa duyan. Umiyak siya dahil sa sakit. Unang bumagsak ang kanyang puwet sa lupa. Habang si Arclight naman ay tawa ng tawa.
Agad naman siyang dinaluhan nina Len at Natty upang tulungan. May mga sugat siya sa palad at tuhod, pati na rin sa siko.
“Salbahing bata! Isusumbong kita sa Mommy mo.” Magkasalubong ang mga kilay ni Natty.
Ngunit tumakbo lang papalayo si Arclight. Si Arclight ay mabait na bata at malambing. Sa kanyang batang edad ay nahilig siyang asarin ang nag-iisang matalik na kaibigang si Shanfiel. Dahil gano’n din naman si Shanfiel dito. Minsan ay nahuli pa silang nagsasabunutan ng buhok sa loob ng kuwarto ni Arclight. Gano’n pa man ay kapag hindi nakikita ni Arclight si Shanfiel ay nalulungkot ito at ayaw maglaro ng mag-isa. Minsan pa silang tinawag ng sarili nilang mga magulang na kambal tuko.
4 years after (YEAR 2014)
Padabog na sinara at ni-lock ni Aleli ang pinto ng kuwarto nilang mag-asawa pagpasok niya. Si Frusto naman ay nasa harapan ng salamin at inaayos ang bow tie nito.
“Ano na namang problema mo?” anito nang hindi siya nililingon.
“How dare you take away my son from me?” Nagngingitngit siya sa galit.
She saw him smirked through his reflection in that human-sized mirror.
“It’s such a shame to marry a man like you! You are self-centered, selfish, all the worse in you. Ever since I had married you, never ng naging maliwanag ang buhay ko. Siguro ay marami ang napatay ko sa past life ko kaya ganito ngayon ang buhay ko.” She talked behind him, looking at his reflection in the mirror.
Nilingon siya ng asawa. Frusto’s face looked sad and weary. How many times he had flashed such look lately. She was still not used to it.
“Know what, Wifey? Even if a husband is the worst husband, if he has a wife, so different from you, he could be a good husband too.” Pagkuwa’y tinalikuran na siya nito at lumabas ng kuwarto.
She was confused of what he said. Kaya hinabol niya ito.
“What did you mean by that?” aniya nang makalapit na siya rito.
Nilingon siya nito. “What I meant was I’m gonna send Arclight to New York whatever you say or do.”
She pointed at him ng may panggigigil. “Arclight’s my son too. How dare you decide for his life alone?”
“Kailan pa naging together tayo sa mga desisyon, Aly?” Nanlilisik sa galit ang mga mata ni Frusto.
“Because all these years, you’ve never treated me as a wife. I’m just a stranger to you!” Hindi pa pumapatak ang luha sa mga mata niya ay tinalikuran na niya ang asawa.
Hindi niya gustong nakikita siyang umiiyak ng asawa. She felt so inferior to him, no matter how brave she acted in front of him. Sa tuwing nasisigawan siya ni Frusto ay parang pinipiga ang kanyang puso.
“ARKY naman, eh. Ang tanda-tanda mo na, palaaway ka pa rin sa akin.” The 9-year-old Shanfiel folded her arms and sat on a bench in the garden.
Ngumisi si Arky. “Totoo naman. You are clumsy.”
She rolled her eyes. “Hindi ako mahuhulog noon sa duyan kung hindi mo ‘ko tinulak. Umuwi ka na sa inyo. Ayaw ko ng makipaglaro sa ‘yo!” She turned her head to the side and looked far away.
Mas lalo lang lumapad ang ngisi ni Arky at nilapitan siya.
She felt his grasp on her wrist. Napaangat siya ng tingin dito. “Ano, Arky?”
“Halika.” He pulled her at wala siyang nagawa kung hindi magpatianod na lang.
Sa likod ng mansiyon ay may isang mataas na puno na may mayayabong na dahon na magandang silungan sa mainit na panahon dahil mahangin doon.
Sa ilalim ng puno ay may isang puting kahon na may katamtaman lamang ang laki. Kuryuso siya sa laman ng kahon na iyon kaya mabilis siyang lumapit doon at dadamputin na sana iyon nang pinigilan siya ni Arclight.
“Ano ka ba? Hindi mo ngayon bubuksan ‘yan.” Napakamot si Arclight ng ulo dahil sa bahagyang pagka-yamot.
“Pero sa akin ‘to?” Sobrang lapad ng ngiti niya.
Arky shook his head. “Hindi. Para sa atin.”
“Anong laman nito?” She looked very excited to know.
“Basta,” anito.
Hindi niya napansin ang hukay sa ilalim ng puno.
“We will bury this box here and we will open this together someday. Believe me, even I don’t know what’s inside the box.”
Nagpatulong silang ibaon ang kahong iyon kay Jude, ang driver ni Arclight, na siya ring naghukay roon.
Pagkatapos ay kinukulit pa rin niya si Arclight kung ano ang laman ng kahon.
Ginulo ni Arclight ang mahaba at malambot niyang buhok. “Ang kulit mo naman, Shany!”
“Joke lang. Hihintayin ko na lang na mabuksan natin ‘yon someday.” She flashed a grin.
“’Wag na ‘wag mong huhukayin ‘yon kapag wala na ako dito, ha. Bawal mag-cheat.” He lifted his chin, looked straight into her eyes.
Biglang lumungkot ang ekspresyon niya sa narinig. “Bakit, Arky? Aalis ka ba? Kailan ka babalik? Mamayang gabi? O bukas? Babalik ka agad?”
Sinubukan ni Arclight na ngumiti sa kabila ng lungkot na nararamdaman nito. “Magpapakabait ka dito, ha. Tsaka palagi kang mag-iingat, ang clumsy clumsy mo kasi.” He slightly patted her head.
“Saan ka pupunta? Uuwi ka agad? Uwi ka agad, ha.” Maluha-luha na ang mga mata niya.
Hindi na napigilan ni Arclight ang sarili at niyakap siya nito ng napaka-higpit. “Ikaw lang best friend ko, Shany. ‘Wag kang magpapa-away sa iba, ha. Ako lang pwede mang-away sa ‘yo,” anito at niyakap siya ng mahigpit.
KINAUMAGAN nang magising si Shanfiel ay umaagos ang luha sa kanyang mga mata. Parang panaginip lang lahat. Mabilis siyang bumangon sa kama at hinanap ang kanyang ina.
“Nanay?”
Natagpuan niya ang kanyang ina sa hardin at nagdidilig ng mga halaman.
“Nay!” Tumakbo siya palapit dito at niyakap ito ng mahigpit.
“Totoo po ba ‘yong panaginip ko, Nanay?” Humihikbi siya.
Naramdaman niya ang dahan-dahang paghaplos ng kanyang ina sa likod niya.
Iyak siya ng iyak buong araw nang malaman niya na pumunta sa napakalayong lugar si Arclight. Arclight’s father sent him to New York. Doon na raw ito mag-aaral at posibleng hindi na bumalik pa ng bansa.
Gusto niya itong tawagan ngunit pinagbawalan ito na gumamit ng telepono roon. Nakakagamit lamang ito ng telepono kapag tumatawag ang mga kapamilya nito. Kaya pumunta siya kay Mrs. Aleli upang matawagan si Arclight. Ngunit palagi na lang busy si Mrs. Aleli.
“Shanfiel, anak, balik ka na lang bukas, ha. May meeting kasi ang Tita. Gagawa tayo ng paraan para makausap mo best friend mo. I promise.” Aleli gently patted her on the head that morning she went at the mansion.
Nasa living room sila ngayon ng mansiyon.
“Let my son live a peaceful life there.” Frusto meddled while he was rolling the long sleeves of his polo.
Nilingon ni Aleli ang asawa. “Oh, yeah right. Because our son had never experienced being peaceful while living with us because you are always a trouble. Umagang-umaga.” Aleli rolled her eyes.
“Sino ba naman magiging peaceful diyan sa bunganga mo.” Frusto smirked.
Natakot si Shanfiel sa nasaksihan niyang pag-aaway ng mag-asawa kaya mabilis siyang lumayo roon. She was scared to go back there again at ayaw niya rin na ang kagustuhan niyang makapag-communicate kay Arclight ang magiging dahilan na naman ng pag-aaway ng mga magulang ni Arclight. Kaya simula noon ay tinanggap na lamang niya na hindi na niya makakausap ulit si Arclight sa mahabang panahon.
Araw-araw sa tuwing lumalabas siya at pumupunta sa hardin ay nakikita niya si Arclight sa kanyang memories and she missed him so much.
“Bad friend ka, Arky. Iniwan mo ‘ko. Wala na akong kasama rito. Uwi ka na.” She couldn’t stop her tears from falling.
When she stopped crying, she went under that tree, kung saan nila binaon ang kahon na neither of them knew what was inside.
“Hukayin ko kaya ‘to, Arky?” aniya in an angry face. Right now, she could break her promise because she was sulky that Arclight left her.
“Shanfiel.” Len called her.
Mabilis niya itong nilingon. “Ate Len?”
Isang matamis na ngiti na may halong simpatya ang binigay sa kanya ni Len.
Len walked towards her and squatted to her level. “Alam mo, Shanfiel, ang sabi sa akin ni Arky bago siya umalis. Babantayan daw kita at ang nakabaon sa ilalim ng punong ito.”
“Madaya siya, Ate Len. Wala na akong kaibigan.” She pouted.
“Alam ko ang nararamdaman mo. Si Ate Natty mo iniwan din ako, eh. Kailangan niyang sumama kay Arky. Pero hindi naman ibig sabihin no’n wala na tayong kaibigan. Kasi kahit malayo man sila sa atin, ‘yong mga puso natin magkalapit pa rin. Babalik naman sila, eh.” Pilit na pinapagaan nito ang loob niya at ipinapaintindi sa kanya ang mga bagay na hindi pa niya lubos na nauunawaan.
Bumuntong hininga siya. “Pero matagal pa,” malungkot na aniya.
“Mabilis naman ang panahon, Shan, eh. Baka hindi mo lang namamalayan paggising mo isang umaga, si Arky nasa harap mo na ulit.” Len lightly tapped her head.
Shanfiel expected that she and Arky would see each other getting taller. She wasn’t expecting for them to part ways and got no assurance of when they would meet again. Naniniwala siyang balang-araw ay magkikita silang muli pero ang ikinalulungkot niya ay ang ngayon, na hindi niya kasama ang nag-iisang kaibigan.