Chapter 15: Where To, Mr?

858 Words
"Rose? hindi ka ba manananghalian?" tanong ni Lucent kay Rose habang nakaupo sa higaan. "Hindi ako nagugutom, nais mo na bang mananghalian?" tanong ni Rose dito, tumango si Lucent, "Kung ganoon ay sumabay ka na kina Fabrizio." ngumiti si Rose tsaka inayos ang suot na damit, "May kailangan pa akong puntahan, mauna na ako sayo." paalam n'ya kay Lucent tsaka lumabas ng pinto. Marahan s'yang naglakad, sindaya n'yang magtagal sa paglalakad upang punoin nang iba't-ibang isipin ang utak n'ya. Nais n'yang nagkaroon ng maraming oras upang makapag-isip. Hindi parin mawala sa isip n'ya ang nakatakdang kasal ni Jack at Victoria, kung paano nga ba nila ito matatakasan. Isa rin sa bumabagabag kay Rose ay ang maaaring mangyari habang sakay ng barko, sa isip ay mas pipiliin n'ya nalang na maikasal si Jack at Victoria kesa maulit ang trahedyang nangyari noo. Mas kakayanin n'yang makitang masaya sa iba si Jack kesa makita ulit itong lumubog sa tubig kasama ng ibang pasahero. Nanatiling ukopado ang isip n'ya, pilit nagdedesisyon kung paano itatakas si Jack mula sa kamay ng mag-ina ni Mr. Andrews. Bigla n'yang naalala ang mga panahong hindi sila matigil sa katatakbo ni Jack upang takasan ang bantay ni Rose, iyon ang kalbaryo na ikinatuwa n'ya sa tanang buhay n'ya. Simula nang araw na iyon ay itinatak n'ya sa isip na si Jack ang nais n'yang makasama sa habang buhay, dahil si Jack ang tipo ng lalaki na hindi ka hahayaang masaktan. Natigil sa paglalakad si Rose nang mapansing wala nang ingay sa pasilyo na nilalakaran n'ya, nasobrahan s'ya sa pag-iisip at hindi na alam kung ano ang napuntahan ng mga paa n'ya. Mukhang ito ang bahagi nang barko na okupado nang mga tagapag-silbi, at abala ang mga ito sa pagsisilbi sa itaas na bahagi ng barko kaya nasisiguro s'yang walang tao rito. Hindi na s'ya nagpatuloy sa paglalakad at agad na tumalikod, ngunit ang malakas na paghila sa kan'ya ng kung sino papasok sa isang kwarto ay nagpa-usbong ng kaba sa dibdib n'ya. Yakap parin s'ya sa bewang nang kung sino habang isinasara nito ang pinto. Napalunok si Rose nang i-lock niyon ang pinto. Hindi s'ya nagpumiglas dahil nasa isip n'ya na baka may dala itong patalim na maaari n'yang ikamatay. "Kinakabahan ka?" Agad s'yang napaharap dito nang marinig n'ya ang boses nito, doon n'ya nakita ang mukha ni Jack na kalahating dangkal ang layo mula sa mukha n'ya. Napangiti s'ya tsaka marahang tumango upang maging tugon sa sinabi nito, talagang kinabahan s'ya sa ginawang pag-hila nito sa kan'ya. "Akin na ang kamay mo." inilahad ni Jack ang kamay, hinihintay na abutin iyon ni Rose. Nakangiti namang inabot ni Rose ang kamay ni Jack tsaka hinintay ang susunod nitong gagawin. Nagulat s'ya nang makita ang singsing na hawak ni Jack, isinusuot n'ya iyon sa palasingsingan ni Rose. Nakangiti naman iyong pinanood ng dalaga. "Napakaganda." nai-usal ni Rose habang nakatingin sa singsing, "Napakaganda, Jack." ngumiti si Rose habang inilalahad ang kamay patalikod upang tingnan ang singsing sa malayuan. "Nagustohan mo?" nakangitinf tanong ni Jack. "Nagustohan ko ang alin? ikaw o ang singsing?" nang-aasar na tanong ni Rose, matunog namang napangiti si Jack. "Pareho." "Sobra..." Pareho silang napangiti sa isa't-isa. Dinampian ni Jack ng halik sa labi si Rose, agad naman s'yang niyakap nito. Ilang segundong nagtagal ang pagyayakapan nila bago kumalas sa pagkakayakap si Rose, tsaka muling inilahad ang kamay sa ere, nakatingin parin sa singsing. Niyakap ni Jack si Rose sa likuran nito, marahang napasayaw si Rose sa ganoong posisyon. Tahimik namang natawa si Jack tsaka ipinatonf ang ulo n'ya sa balikat ni Rose. Nagpaikot-ikot sila sa silid tsaka muling hinarap ang isa't-isa. "Jack..." pabulong ang pagkakatawag ni Rose sa pangalan ng binata, nakangiti naman s'ya nitonf tiningnan, "Mahal kita..." "Paulit-ulit ko nang naririnig iyan mula sayo, Mahal ko. Pero hindi ko parin magawang magsawa." seryoso habang nakangiting tugon ni Jack, "Mahal na mahal kita, Rose." "Ganoon rin ako." nakangiting usal ni Rose. "May nais akong mapuntahan..." naglamlam ang mga mata ni Jack nang sabihin iyon. "Saan tayo, Mr?" "Sa mga bituin..." Hindi pa man nakakasagot si Rose ay agad na s'yang ginawaran ng halik ni Jack sa labi. Naroon ang pananabik sa loob ng mahabang panahon na nagkahiwalay sila. Humigpit ang yakap ni Jack sa bewang ni Rose, ganoon rin si Rose habang yakap rin sa likuran at batok si Jack. Sabay silang bumuo ng musika sa loob ng tahimik na silid. Muli nilang narating ang mga bituin. Sa kabila nang mga pagsubok ay nanatili silang matatag, hindi alintana kung gaano kalaki ang harang sa daang tinatahak nila ng sabay. Inihiga ni Jack si Rose sa malambot na higaan doon. Bago pa man ituloy ay ginagawa ay kumalas sila mula sa pagkakahalik sa isa't-isa, pinakatitigan nila ang isa't-isa, tsaka napangiti. Parehong silang hindi makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito, ang lahat ng bagay na inakala nilang sa panaginip nalang mangyayari. Muli nilang itinuloy ang pananabik sa isa't-isa. Mahigpit na napakapit si Rose sa unan habang nangyayari ang bagay na kanina lang ay laman ng imahinasyon n'ya. Hindi nila maipaliwanag ang pakiramdam, ito sila at muling itinutuloy ang storya nila mula sa nakraan. ______________ ©The Movie 'TITANIC'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD