Chapter 14: It's All Because Of Love

1456 Words
"Jack?" Nilingon ni Jack ang likuran nang marinig nya ang boses na 'yon ng kung sino. Nakita n'ya doon si Victoria, may kasama itong tagapag-silbi na dala ang dalawang tasa, mukhang naglalaman ito ng tsaa. "Kailangang mainitan ng iyong tiyan, nagdala ako ng tsaa." nakangiti nitong sabi. "Salamat." sambit ni Jack tsaka muling tumingin sa karagatan. Nasa wheelhouse sila. Paputok na ang araw, wala iyong kasing ganda. Sumimsim ng tsaa si Jack tsaka kinuha ang pahayagan upang magbasa. Napansin n'yang naupo si Victoria sa mahabang couch sa likuran n'ya. Nilingon n'ya ito tsaka nginitian bago naupo sa sariling upoan malapit sa bintana. "Bukas na ang nakatakda nating kasal, nakapag-handa ka na ba?" kalaunan ay nagtanong si Victoria. Hindi kaagad nakasagot si Jack, sa isip ay gusto n'yang sabihin sa dalaga ang pag-ayaw n'ya sa plano. Ngunit may sariling plano si Rose, at iyon ang mangyayari. Nilingon n'ya si Victoria bago inilapag ang tasa n'ya sa lamesa. "Nakapag-handa?" tanong n'ya, inuulit ang sinabi ni Victoria. "Jack..." tumayo si Victoria tsaka lumapit sa kan'ya, malumanay ang pagkakasabi n'ya no'n, "Kasal natin ang magaganap bukas at hindi isang normal na piging lang, kailangan mo iyong paghandaan." paliwanag nito tsaka hinaplos ang likod n'ya. "Ang ibig kong sabihin ay hindi mo na kailangang sabihin na maghanda ako, Victoria." mataman n'yang tiningnan ang dalaga, "Nakapaghanda man o hindi, sisiguradohin kong maikakasal ako bukas." aniya tsaka muling humigop ng tsaa. Napangiti si Victoria, agad n'yang hinila sa kwelyo si Jack tsaka ito hinila papasok sa kwarto ni Jack na nasa loob ng wheelhouse. Isinara ni Victoria ang pinto tsaka isinandal doon si Jack, dinampian n'ya ito ng halik sa labi. Gusto mang pumalag ni Jack ay hindi n'ya ginawa. Siniguro n'yang hindi mababastos ang dalaga sa ano mang galaw na gagawin n'ya. Hinayaan muna n'yang tingnan s'ya ni Victoria sa mga mata. "Angkinin mo ako, Jack." bulong nito sa kan'ya. Napalunok si Jack tsaka nag-iwas ng tingin. Marahan n'yang tinanggal ang mga kamay ni Victoria sa dibdib n'ya, nang magkaroon ng pagkakataon ay umalis s'ya sa pagkakasandal sa pinto. Tiningnan n'ya ang nagugulat na mga tingin ni Victoria, hindi makapaniwala sa inaasta ni Jack. "Maganda ka, Victoria..." panimula ni Jack, "Mayaman, magaling sa pag-awit at sa marami pang bagay... pero hindi maaari ang gusto mo, hindi tayo maaaring magsama." "Bakit hindi, Jack? walang tutol sa ating dalawa, kaya nga pinalitan ni Mamà ang apilyido mo, upang mawala na sa landas mo ang mahirap na lahi ng mga Dawson, babagohin ko ang buhay mo, Jack... ano pang pangamba mo?" sambit ni Victoria na muli na namang naka-dikit ang dalawang kamay sa dibdib ni Jack. Huminga ng malalim si Jack tsaka tumalikod. Iyon ang isa sa hindi n'ya gustong mangyari, ang mapalitan ang apilyido n'ya. Pumayag s'yang mangyari iyon dahil hanggang ngayon ay pinaghahanap parin sila ni Cal, kaya n'ya tiniyak na hindi na sya magiiwan ng marka upang hindi s'ya masundan ni Cal, pinalitan n'ya ang pangalan, bagay na pati si Rose ay inakalang wala na talaga s'ya. "Hindi kita mahal..." malumanay ang pagkakasambit ni Jack, "Huwag mong hayaan na mapunta ka sa lalaking hindi ka kayang mahalin, Victoria. Higit pa sa akin ang lalaking nararapat para sayo..." "Ngunit mahal kita, Jack." "Hindi ako ang una mong minahal, kundi si Jacob. Mahal ka ni Jacob." "Ano bang sinasabi mo? ipinapasa mo ba ako sa kapatid mo?" "Dahil s'ya naman talaga ang dapat na pakasalan mo, Victoria." Pareho nilang ipinako ang tingin sa isa't-isa. Batid ni Jack na dating magka-relasyon sina Victoria at Jacob, ngunit nagkahiwalay dahil tutol sa kanila si Ginang Victorina. Nagbago ang pakikitungo ni Jacob kay Jack simula noon, ngunit hindi parin nawala ang pagmamahal ng nakababatang kapatid sa kan'ya, naasahan n'ya parin ito sa pagbantay kay Rose noon sa maliit na Mercado sa America at maging dito sa barko. Hindi parin nagsalita si Victoria, pilit inaalam kung ano ang nasa loob ng isip ni Jack. Hindi s'ya makaramdam ng sakit, ngunit hindi rin makaramdam ng ano mang tuwa. Blanko ang nararamdaman n'ya, ngunit hindi n'ya maitatanggi ang pag-ugong ng pangalan ni Jacob sa isip n'ya, hindi n'ya lubos akalain na iikot sa dalawang magkapatid ang buhay n'ya, napaka-mapaglaro ng pag-ibig. "May iba kang mahal." seryoso ang kalmadong boses ni Victoria, "Sino?" "Hindi na mahalaga kung sino s'ya, ang mahalaga ay naitama agad natin ang dapat itama." seryoso rin na tugon ni Jack. "Pero ang sabi mo kanina... sisiguradohin mong ikakasal ka bukas..." nagtatanong ang tinig ni Victoria. "Ikakasal ako bukas, pero hindi sayo, patawarin mo 'ko." mahinang sabi ni Jack, tsaka bahagyang lumapit kay Victoria. "Kung ganoon ay hindi na kita papakealaman, ngunit may isa ka pang problema." Natigilan si Jack, hindi dahil sa tinutukoy na problema ni Rose. Natigilan s'ya sa mabilis na pag-payag nito. Mukhang naaamoy n'ya ang natitirang pagmamahal nito para sa nakababatang kapatid, nakikita n'ya sa mga mata ni Victoria ang sinseridad nang pumayag ito, mukhang nalilito nga lang ang dalaga, si Jacob ang mahal n'ya. Ngunit hindi parin naiwasan ni Jack ang magtaka sa sinabing problema ni Victoria. Bahagya pa n'yang naitagilid ang ulo, bumubwelo upang magsalita. "Isang problema?" tanong n'ya rito. "Si Mamá, ano ang sasabihin mo sa kan'ya?" tanong ni Victoria. "H-Hindi ko alam." agad na napa-iwas ng tingin si Jack. "Hindi mo ba naisip na mawawala ka sa posisyon mo kapag hindi tayo ikinasal?" tanong ni Victoria sa kan'ya, agad na napailing si Jack. "Hindi iyon mahalaga sa akin." bahagyang nakangiti na sagot ni Jack. "Mukhang mahal na mahal mo ang maswerteng babae na 'yan." hindi inasahan ni Jack ang pagngiti ni Victoria habang sinasabi iyon, "Maaari ba akong magtanong?" bahagyang humina ang boses ni Victoria. "Walang problema, ano iyon?" "M-Mahal ako ni Jacob... iyon ang sinabi mo kanina, tama?" tanong nito. "Kung itatanong mo ang katotohanan sa sinabi ko ay oo ang sagot, mahal ka ni Jacob, hindi nagbago ang nararamdaman n'ya sayo." agad na sagot ni Jack, napansin n'ya ang pagtango ni Victoria sabay iwas ng tingin. "Kung ganoon ay wala na akong magagawa sa desisyon mo, hindi kita pipilitin." sambit ni Victoria tsaka ngumiti, "Magandang umaga." ani Victoria tsaka lumabas ng kwarto. Hindi na mapigilan ni Jack ang pag-ngiti, masaya s'yang makalaya kay Victoria. Huminga s'ya ng malalim, hindi n'ya maikalma ang sarili mula sa maya't-mayang pagngiti. Inayos n'ya ang damit at suot na sumbrero tsaka lumabas ng kwarto, doon n'ya nakita si Mr. Andrews na nakatayo sa harap ng malaking bintana sa wheelhouse, nakatanaw ito sa malawak na karagatan. "Ginoong Andrews." bati ni Jack, "Ano ang dahilan at naparito kayo?" tanong n'ya. "Narito si Captain Philip, s'ya muna ang bahalang mag mane-obra nitong barko..." ani Mr. Andrews tsaka inilahad ang kamay sa lalaking may katandaan na, "Mr. Philip this is Jack Calvert..." turo n'ya kay Jack, "Jack, this is Mr. Philip Carsburg." turo n'ya naman sa lalaki, "Nais kong magkaroon ka ng oras para sa sarili mo, Jack.." sambit ni Mr. Andrews tsaka hinarap si Captain Philip, "Ikaw na muna ang bahala." Nakaramdam ng gaan sa pakiramdam si Jack, sa isip ay magagawa n'ya na ulit ang magpunta sa kahit saang bahagi ng barko nang hindi iniisip ang pagbalik sa wheelhouse. Nakipagkamay s'ya kay Mr. Philip tsaka tumango, ngumiti rin s'ya kay Mr. Andrews tsaka sumunod nang lumabas ito. "Alam kong wala kang balak pakasalan ang anak ko." natigilan s'ya sa sinabi ni Mr. Andrews, nilingon s'ya nito, "At masaya ako sa desisyon mong iyon." kalaunan ay ngumiti si Mr. Andrews, saglit pa muna n'yang tinitigan ito bago s'ya ngumiti, "Ayaw kong matali si Victoria sa sapilitang relasyon." aniya tsaka muling naglakad patungo sa dulo ng barko, agad namang sumunod si Jack. "Maaari bang ituloy ang kasal bukas?" mahinang tanong ni Jack. "Ang ibig mo bang itanong ay... maaari mo bang palitan ang babaeng papakasalan mo bukas?" nakangiti si Mr. Andrews nang sabihin iyon, "Maaari, Jack, itinuring na kitang anak sa loob ng dalawang taon... malaya kang gawin kung ano man ang naisin mo." sambit nito tsaka bahagyang lumapit kay Jack. "Hindi ako makapaniwala, ang akala ko ay magiging mahirap ito para sa akin." napapailing na sambit ni Jack, talagang hindi makapaniwala. "Talagang mahirap dahil lingid ito sa kaalaman ni Victorina..." natawa si Mr. Andrews, ganoon din si Jack, "Ngunit naging malakas ang loob mo na ipaglaban si Rose, alam mo kung anong dahilan?" tanong nito tsaka hinawakan sa balikat si Jack, "A-Ano?" "Dahil sobra mo s'yang mahal... at iyan ang pagmamahal na hindi matutumbasan ng kahit anong bagay sa mundo." Tinapik ni Mr. Andrews ang balikat ni Jack bago s'ya naglakad paalis. Naiwang nakatulala si Jack, pilit ipinapasok sa isip ang mga narinig. Kalaunan ay gumuhit ang ngiti ng tagumpay sa mga labi n'ya, agad na nagilid ang luha sa mga mata n'ya. ___________ ©The Movie 'TITANIC.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD