"Paano mo nga pala nalaman na narito ako?" tanong ni Jack habang hawak ang kamay ni Rose.
Ngumiti naman si Rose tsaka huminto sa paglalakad upang harapin ang binata. "Akala ko ay ikaw ang nagmamay-ari ng sasakyan na nakita ko noong nakaraang araw kaya sinundan ko, si Jacob pala ang sakay no'n."
"Oo s'ya nga..." natatawang sabi ni Jack tsaka hinawakan ang isa pang kamay ni Rose, "Hindi ba nakakamangha? sa barkong Titanic tayo muling nagkita." talagang namamangha sabi ni Jack.
"At mukhang dito rin tayo matatapos..." lumungkot ang tinig ni Rose, "K-Kung kailangan mo talagang maikasal kay Victoria ay tatanggapin ko."
"Hindi, Rose." ngumiti si Jack, "Papakasalan ko lang sya sa oras na umahon ulit ang Titanic mula sa ilalim ng dagat."
"Imposible 'yan."
"Kaya imposible rin na pakasalan ko s'ya."
Napangiti si Rose tsaka napatango.
"Pero hindi ka na magiging kapitan ng Titanic 2 kapag hindi ka nakipag isang dibdib sa kan'ya, Jack."
"Hindi pagiging kapitan ng Titanic ang pangarap ko, Rose. Ang pangarap ko ay simpleng buhay lang, simpleng bahay, simpleng trabaho, masayang pamilya, malulusog na anak, kasama ka." hinawakan n'ya ang dalawang pisngi ni Rose, "At kung tutuosin ay ito lang naman talaga ang una at huling beses na magiging kapitan ako ng Titanic 2."
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"Dahil sa oras na magtagumpay ang Titanic 2 sa una nitong paglalayag, papalitan na ang pangalan nito."
Nakaramdam ng lungkot si Rose, hindi nya batid kung bakit. Siguro ay dahil naging parte ng istorya nilang dalawa ang barkong gaya ng Titanic, at ngayong may paninagong bersyon nito ay hindi rin pala ito magtatagal.
"Ano naman ang magiging pangalan nito kung gano'n?" tanong ni Rose kay Jack bago s'ya nagpatuloy sa paglalakad.
"Hindi ko alam, si Mr. Andrews lang ang makakasagot n'yan." nagkibit-balikat si Jack.
"Bakit ayaw mong maikasal kay Victoria?" natawa si Jack nang itanong iyon ni Rose.
"Eto na naman tayo, Mahal ko. Ayaw kong maikasal sa kan'ya dahil ikaw ang gusto kong pakasalan."
"Maganda si Victoria, Jack."
"Mas maganda ka nga lang."
"Mayaman s'ya, maaaring umangat ang buhay mo kapag ikinasal ka sa kan'ya."
Tahimik na ngumiti si Jack tsaka humarap kay Rose. Palipat-lipat ang tingin n'ya sa dalawa nitong asul na mga mata.
"Naalala mo noong ikaw ang ikakasal sa taong hindi mo mahal? hindi ka rin pumayag dahil alam mong kahit mag-umapaw ang pera sa kamay mo, hindi ka magiging masaya sa taong itinali sayo." nakangiting saad ni Jack, nakangiti naman si Rose habang marahang napapatango.
"At naging masaya ako noong dumating ka." hinawakan ni Rose ang dalawang pisngi ni Jack, "Wala ka mang isang milyong dolyar sa bulsa, pero napasaya mo ako... iyon ang mahalaga."
"Hindi magkakasya ang isang milyong dolyar sa bulsa ko, Mrs. Dawson."
"Huwag kang pilyo, Mr. Calvert."
"Mas masarap sa pandinig ang nauna kong apilyido, bagay sa pangalan mo."
Napangiti nalang si Rose tsaka napailing, tsaka n'ya niyakap si Jack. Tanaw na nila ang lahat ng bituin sa kalangitan, bagay na ikinatutuwa nilang pareho. Marahang tiningnan ni Rose si Jack, tsaka napangiti nang masilayan ang mukha nito.
"Gumuguhit ka parin ba?" tanong ni Rose.
"Huli akong gumuhit noong isang araw, ipinagbili ko sa isang matandang babae sa Amerika." tugon ni Jack habang yakap parin sa bewang si Rose.
"Iyon ang painting kung saan nasa dulo tayo ng barko... tama?"
"Iyon nga, paano mo nalaman?"
"Pinsan ni Mama ang matandang babae na tinutukoy mong bumili sa huling iginuhit mo." natutuwang balita ni Rose kay Jack, ngunit hindi nabago ang reaksyon ni Jack.
Nanatili syang matamis ang ngiti habang nakay Rose ang mga mata. Tsaka n'ya ito dinampian ng halik sa labi.
"Mahal na mahal kita." marahang sambit ni Jack.
"Ganoon rin ako sayo." marahan rin ang pagkakasabi ni Rose.
"Mr. Jack?"
Napakalas sila sa pagkakayakap nang marinig nila ang boses ng kung sino, nang maaninag nila iyon ay isa ito sa mga tagapag-silbi. Nakangiti itong yumuko sa kanila upang gumalang, namamangha pa itong nagpalipat-lipat ng tingin kay Rose at Jack. Tila hindi ito makapaniwala sa nakikita.
"M-Miss Rose? Mr. Jack? hindi ito maaari..." napatakip ito sa bibig habang makikita parin sa mga mata nito ang pagka-gulat, "Mukhang tadhana mismo ang nagtakda sa inyong dalawa, hindi ko inaasahang makikita ko kayong magkasamang muli sa ikalawang pagkakataon." natutuwang saad nito habang nasa bibig parin ang dalawang kamay.
"Paano mo kami nakilala?" natatawang tanong ni Rose.
"Isa ako sa mga nandoon noong minsan kayong nagpunta sa ibabang bahagi ng barko..." nangingiti nitong kwento, tiningnan naman s'ya nila Jack and Rose, pilit inaalala kung alin sa mga ginawa nila noon ang tinutukoy ng mga tagpag-silbi, "Nagsasayawan tayo noon, ako ang kapares ni Fabrizio at kayo ang magkapares." dagdag ng babae.
"Ahㅡ ang tagpong iyon, masaya akong makita ka ulit." nakangiting sabi ni Jack, napatingin s'ya kay Rose, sabay silang natawa.
"Ako rin." nakangiti nitong sagot.
"Bakit mo nga pala ako hinahanap?"
"Ah hinahanap po kase kayo ni Miss Victoria, may nais daw po s'yang sabihin sa inyo." balita nito.
Nilingon naman ni Jack si Rose. Ngumiti lang si Rose sa kan'ya tsaka natawa. Ganoon rin ang nagong reaksyon ni Jack, tsaka n'ya muling nilingon ang tagapag-silbi.
"Sige, susunod ako." sambit ni Jack.
"Uhm Mr. Jack?" tawag ng tagapag-silbi sa kan'ya, "Ayaw ko kayong maikasal sa babaeng 'yon, mas magiging makasaysayan ang paglalayag sa puso ng karagatan kapag kayong dalawa ang ikinasal." masayang sambit nito bago tumalikod at naglakad palayo.
Muling natawa si Rose sa narinig, ngunit nakaramdam s'ya ng tuwa sa sinabi nito. Mas magiging makahulogan nga para sa kan'ya kung mag-iisang dibdib sila ni Jack sa mismong puso ng karagatan. Ngunit pilitin n'ya mang maging masaya sa isiping iyon ay hindi parin n'ya maialis ang pangamba, malaki parin ang posibilidad na maikasal si Jack kay Victoria, at iyon ang ikinakatakot n'ya.
"Bukas o sa makalawa ay mararating na natin ang eksaktong lugar kung saan lumubog ang titanic." bigla ay nagsalita si Jack.
"Captain Jack Calvert?" tawag ni Rose sa binata, nakangiti naman itong lumingon sa kan'ya, natutuwa sa narinig, "Maaari mo bang ihinto ang barko sa oras na marating natin ang puso ng karagatan? siguro ay maaari mo akong pagbigyan dahil ikaw ang kapitan." nagpipigil ng tawa na tanong ni Rose, alam n'yang imposibleng mangyari ang hinihiling.
"Masusunod." seryoso at nakangiting tugon ni Jack.
Napakurap si Rose sa narinig, labis ang tuwa na naramdaman n'ya sa isinagot na iyon ni Jack. Sa oras na iyon ay nakataktak na sa kan'yang isipan, walang imposible. Nakangiti s'yang dinampian ng halik sa labi ni Jack bago ito umayos ng tindig.
"Kailangan ko nang puntahan ang kaagaw mo sakin." natatawang sambit ni Jack.
"Ano?" maging si Rose ay natawa, "Kahit hindi kita agawin ay alam kong sa akin ang bagsak mo, Jack." kampante at natatawang bawi ni Rose.
"Matalino ka." kumindat si Jack.
Nakangiti s'yang nilapitan ni Rose tsaka hinila ang kwelyo nito upang magpantay ang mga mata nila.
"At sa araw ng kasal mo..." hinalikan n'ya sa labi si Jack, "Itatakbo kita." nakangiti n'yang binitawan si Jack tsaka naglakad paalis.
Hindi mawala ang ngiti nilang dalawa habang kasalukoyan nang naglalakad sa magkaibang direksyon. May lungkot sa puso ni Rose, ngunit mas lamang ang saya. Habang hindi naman maipaliwanah ang tuwa na nararamdaman ni Jack, ipinangako n'ya sa sarili, bababa s'ya sa barkong ito nang hindi na s'ya binata pa.
____________
©The Movie 'TITANIC'.