Chapter 12: Who's better?

1305 Words
"Jack, narito ka na pala." humalik sa pisngi ni Jack ang babaeng anak ni Mr. Andrews. Doon ay agad na nagsalubong ang mga kilay ni Rose. Nangingiti pa si Jack habang sinusulyapan ang hindi na maipintang mukha ni Rose. Pinigilan nya ang sarili tsaka nag-iwas ng tingin sa kanila. Doon dunating si Mr. Andrews kasama ang dalawa pang lalaki na mukhang kapwa ship-builder nya. Nagsalin nalang si Rose ng tsaa sa mga baso nito. "Maaari mo ba akong ikuha ng panibagong tasa? hindi ko gusto ang mapusyaw na kulay ng tasa na 'to." baling ng babaeng anak ni Mr. Andrews kay Rose. "Victoria? makuntento ka sa kung ano ang nasa iyong lamesa." suway ni Mr. Andrews sa anak. Iniwas ni Rose ang mukha nang maglipat sa kanya ng tingin si Mr. Andrews. Mas kinabahan pa sya nang mapansin nyang nasa kanya parin ang paningin nito. "K-Kukuha lamang ako ng panibagong tasa..." minabuti nyang magpaalam. "Rose?" ngunit mukhang namukhaan na sya ni Mr. Andrews, wala na syang nagawa kundi ang harapin ito, "Ikaw nga... ano ang ginagawa mo dito? hindi mo dapat ginagawa iyan." sinserong sambit nito. Hindi na sumagot si Rose, hindi narin nya malaman ang sasabihin. Nag-iwas nalang sya ng tingin ngunit aksidenteng nailipat ang tingin nya kay Jack na nakatingin narin sa kanya. "Ayos lang Mr. Andrews." tugon ni Rose. "Pasahero ka ng third class, tama?" nakangiting tanong ni Mr. Andrews sa kanya. "Ano? hindi dapat sya nandito, Papá. Hindi maaaring magpunta rito ang mga pasahero sa third class." reklamo ng anak nito. "Ayos lang, maupo ka Rose, saluhan mo kami." anyaya ni Mr. Andrews sa kanya. Nais nya sanang tumanggi ngunit mas ngumiti pa si Mr. Andrews. Hindi na sya nagsalita at naupo na lamang, ngunit kasabay ng pag-upo nya ay ang pag-upo rin ni Jacob sa tabi nya. Nilingon nya ito, seryoso syang tiningnan ni Jacob, kalaunan ay ngumiti ito at kumindat. Nilingon naman ni Rose si Jack dahil sa ginawang iyon ni Jacob, ngunit gusto rin nyang matawa nang masama na ang tingin ni Jack kay Jacob. "Pasensya na kung nahuli ako, may inasikaso pa ako saglit." sambit ni Jacob tsaka ngumiti sa lahat. Kasalukoyan nilang kaharap si Jack at ang nagngangalang Victoria na anak ni Mr. Andrews, magkatabi sila. Si Rose naman at si Jacob ang magkatabi kaya hindi maiwasan ni Rose ang makaramdam ng ilang. "Kumain na tayo." anyaya ni Mr. Andrews. "Nais mo bang turoan kita kung alin sa mga nasa harapan mo ang unang dadamputin?" nangiinsultong tanong ng Ginang kay Rose. Ngumiti lang si Rose tsaka dinampot ang kutsara na angkop sa pagkain na inilagay sa plato nya. Tsaka nya kinuha ang tinidor sa kabilang gilid at tumuhog ng roasted turkey sa harap nya, pagkatapos no'n ay pinwersa nyang tanggalin ang pagkakatusok ng roasted turkey sa tinidor, tsaka inilapag ang kutsara at kinuha ang table knife, hiniwa nya sa maliit na parte ang karne na iyon tsaka isinubo. "Ha ha ha, si Rose ay anak ni Ruth Dewitt Bukater, si Ruth ang asawa nang may-ari ng isang malaking kompanya sa lungsod nila." saad ni Mr. Andrews. "Kung ganoon ay bakit nasa third class sya?" nangiinsulto paring tanong ng Ginang. "Hindi na mahala 'yon... Ang pamilya Bukater ang pinakamayamang lulan ng barkong titanic noon maliban sa akin ha ha ha." kwento pa ni Mr. Andrews. Hindi na pinansin ni Rose ang sinabing iyon ng Ginoo. Nagpatuloy sya sa pagdampot ng pagkain. Nagulat sya nang haplusin ni Victoria sa balikat si Jack tsaka itinuon ang ulo nito sa balikat ni Jack. Nag-init ang ulo nya sa nakita. Ngunit mas nagulat sya nang kuhain ni Jacob ang wine tsaka lagyan niyon ang baso sa harap n'ya, nakangiti pa sya sa kay Rose habang inilalapag ang wine sa harap n'ya. "Isa yan sa pinakamahal na wine sa bansang Amerika, ibinuro 'yan sa loob ng isang taon bago ilagay sa lalagyan kaya talagang malasa." napatango si Rose sa sinabi ni Jacob, kinuha nya ang baso at ininom ang wine doon, napangiti sya nang matikman ang tamis no'n. "Masarap." nakangiti nyang sabi. "Talagang masarap." nakangiti ring sabi ni Jacob tsaka ininom ang wine na nasa baso nya. Hindi namamalayan ni Rose na paulit-ulit sila ni Jacob sa pagtungga ng wine habang nagtatawanan. Kaya nakaramdam sya ng kaba nang maisipan nyang lingonin si Jack, napalunok sya nang makita ang nandidilim na tingin nito sa kanila. Napayuko nalang sya tsaka nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos sila sa pagkain ay tumayo na ang Ginang at ang anak nitong babae. "Babalik na ako sa aking kwarto." sambit ng Ginang sa asawa, "Jack, ikaw na ang bahalang maghatid kay Victoria sa kanyang silid." utos nya kay Jack tsaka umalis. Hindi na naghintay si Jack at agad na tumayo, ikinalso naman ni Victoria ang bisig sa balikat ni Jack. Nag-iwas nalang ng tingin si Rose tsaka nilingon si Mr. Andrews nang nameke ito ng ubo. "Nakatakdang ikasal si Jack sa aking anak na si Victoria sa susunod na araw bago dumaong ang barko." Para syang nanlamig sa kinauupoan dahil sa narinig. Agad na nangunot ang noo n'ya. Sa puso at isip ay nagpoprotesta na sya. "Hindi maaari Mr. Andrews." tutol ni Rose sa sinabi nito. "Gan'yan rin ang iniisip ko, hindi maaari dahil alam kong hindi mahal ni Jack ang anak ko, at asawa ko lamang ang may gusto nito, iniisip ng aking asawang si Victorina na ang pagpapakasal ni Jack kay Victoria ang magiging kapalit nang pagkuha ko sa kanya bilang kapitan, kung hindi ay tatanggalan nya ng karapatan ang binatang iyon sa barkong ito." saad ni Mr. Andrews tsaka ininom ang wine sa baso n'ya. "Hindi iyan maaari." mas madiin ang pagkakasabi na 'yon ni Rose. "Talagang hindi maaari." sambit ni Jacob, nilingon s'ya ni Rose at Mr. Andrews, "Mahal ko si Victoria, kaya hindi maaari." dagdag pa n'ya. Napangiti si Mr. Andrews, si Rose naman ay nagtataka sa nangyayari. Kung mahal ni Jacob si Victoria ay bakit hindi nalang ito ipakasal kay Jacob? Muli nalang uminom si Rose ng wine, tsaka muling nagsalin sa baso n'ya ngunit may kamay na pumigil sa bisig n'ys. "Tama na 'yan." narinig n'ya ang boses ni Jack, "Tara." hinila sya nito patayo. Agad nilang tinahak ang daan patungo sa wheelhouse. Kunot ang noo ni Rose habang nakatingin kay Jack na ngayon ay kunot-noo ring nakatingin sa kan'ya. "Ikakasal ka na pala?" bigla ay namuo ang luha sa mga mata ni Rose, "Mukhang bumaliktad nga talaga ang mundo." dagdag n'ya. "Hindi ko hahayaang mangyari iyon Rose." aniya tsaka hinawakan ang mga pisngi ni Rose, "Naging kapitan ako dito hindi upang pakasalan si Victoria, nandito ako dahil umaasa akong dito kita makikita." aniya tsaka tinitigan sa mata si Rose, "Mahal kita, alam mo 'yan. Sa loob ng dalawang taon hindi ako nagkaroon ng pagkakataong mahanap ka, dahil hindi ko alam kung paano at saan kita hahanapin." naluha rin sa Jack. "Kailangan mong pakasalan si Victoria." malumanay na sambit ni Rose, parang nagpapaubaya, umusbong ang kaba sa dibdib ni Jack. "Hindiㅡ hindi ko sya kailangang pakasalan." pangungumbinsi nya rito, "Wala akong balak pakasalan s'ya, Rose... makinig ka sakin, ikaw ang mahal ko, naiintindihan mo ba?" dinampian ni Jack ng halik sa labi si Rose matapos sabihin iyon. "Alam ko... naiintindihan ko..." mahinang sabi ni Rose, "Alam mong magbabago ang buhay mo sa oras na hindi mo pakasalan si Victoria... Jack, ayaw kong mangyari 'yon." "Rose, ano ba." niyakap sya ni Jack, "Makinig ka sakin, ikaw ang papakasalan ko... ikaw lang, ikaw lang Rose." nangungumbinsing ang tinig ni Jack. Agad syang napangiti nang tumango si Rose at yumakap sa kanya. Talagang bumaliktad nga ang mundo nila, ngunit hindi no'n maaapektuhan ang pagmamahalan nila sa isa't-isa. Simula nang gabing iyon ay itinaga ni Jack sa bituin ang pangako n'ya, wala syang ibang papakasalan kundi si Rose, si Rose lang. _________ ©The Movie 'TITANIC.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD