Chapter 11: Can I Surrender?

1398 Words
Mabigat ang loob habang puno ng kirot ang dibdib na naglalakad si Rose patungo sa pinaka likurang bahagi ng barko. Kung saan nya unang nakausap si Jack, kung saan sya unang naligtas nito. Patuloy sa pagbagsak ang mga luha ni Rose habang nasa malawak na karagatan ang tingin, sa bawat paghinga nya ng malalim ay ang pagsakit rin ng dibdib at lalamunan nya sa sobrang pagpipigil. Ngunit sadyang ganoon kasakit ang nararamdaman nya, nagptuloy sya sa paghikbi. "Pinaniwala ko ang sarili ko na buhay ka pa..." umiiyak na bulong nya sa sarili. Humawak sya sa barikada ng barko. Paulit-ulit sa pagyuko at pagpikit upang ikalma ang sarili mula sa labis na pag-iyak, ngunit nauuwi lamang ulit sa paghagulgol nya dahil sa sakit at lungkot na nararamdaman. Inis ang nararamdaman nya sa sarili, kung bakit hindi nya matanggap na wala na si Jack, kung bakit patuloy parin syang umaasa na makikita ang binata. Huminga sya ng malalim, ngunit nagpatuloy parin sa pagtulo ang luha nya. "N-Nakakatawa mang isipin... Ngunit ngayon ko lang napagtanto n-na walang saysay ang buhay ko k-kung wala ka." halos maubosan sya ng hininga habang sinasabi iyon. Tanging ang malamig na hangin lamang at ang madilim na karagatan ang nakakarinig sa kanya, tanging mga bituin lamang ang nakakaalam ng sakit na nararamdaman n'ya. Paulit-ulit ang mahigpit na pagkapit nya sa barikada ng barko. Tsaka nya ito inakyat, hanggang sa makalabas sya rito. Tanging ang mga kamay nya na lamang na mahigpit ang kapit sa barikada ang dahilan kung bakit hindi parin sya nalalaglag sa dagat. Mas bumilis ang pag-agos ng mga luha nya. Mas tumindi ang sakit na nararamdaman nya. Ramdam nya na ang lamig ng dagat na pumupukol sa katawan nya. Nanatili syang nakakapit sa bakal, inaalala ang lahat ng ala-ala na iiwan nya. Hindi nya na alintana kung mali o tama ang gagawin, ang tangin gusto nya lang gawin at tapusin ang sakit na nararamdaman nya, ang tapusin ang pagdurusa na tiniis nya sa loob ng mahabang panahon. "Mahal na mahal kita." ibinulong iyon ni Rose sa hangin. Tsaka nya unti-unting binitawan ang bakal. Wala syang nararamdamang kahit na ano sa katawan nya, naging payapa ang paligid. Tanging ang sipol ng malakas na hangin lamang ang naririnig nya. Nangunot ang noo nya habang pilit inaalam kung ano na ang nangyari sa kanya. Wala syang naramdamang sakit sa katawan, hindi man lang nya naramdaman ang pagbagsak nya sa malamig na karagatan. Nakakapagtaka na nakakahinga parin sya ng matiwasay. Marahan nyang iminulat ang mga mata. Ngunit ikinagulat nya na nananatili parin syang nakatanaw sa dagat. Hindi sya bumagsak sa dagat kagaya ng dapat na mangyari. Tumulo ang luha sa mga mata nya nang doon nya maramdaman ang mahigpit na yakap ng kung sino sa bewang nya. Ibinaba nya ang tingin doon, saglit syang napakurap, tsaka naramdaman ang hininga ng kung sino na malapit sa leeg nya, tsaka unti-unting ipinatong ng taong iyon ang ulo nya sa balikat ni Rose. "Kung tatalon ka, tatalon rin ako." Mabilis na tumulo ang luha ni Rose habang marahang nililingon ang nagmamay-ari ng mga bisig ng nakayakap sa kanya at nang pamilar na boses na 'yon. Agad syang napayakap dito nang malaman nya kung sino iyon. "Jack.." umiiyak na usal nya habang nakayakap parin dito. Iniangat sya ni Jack mula doon. Nang mailigtas sya nito ay agad nyang niyakap. Kung kasalukoyan nang hinihila paibaba ng karagatan ang katawan nya at ito na ang huling panaginip nya ay ayos lang. Patuloy sa pag-iyak si Rose, nananabik, nasasaktan, nalilito. Agad na hinawakan ni Jack ang mga pisngi ni Rose. Palipat-lipat naman ang tingin ng dalaga sa kanya. "Jack... buhay ka... sabihin mong buhay ka.." umiiyak parin na pakiusap ni Rose kay Jack. Ngumiti si Jack tsaka sya mainam na tiningnan sa mga mata. Hindi nya lubos inakala na sa ganitong paraan ulit sila magkikita ni Rose. Tumulo rin ang luha sa mga mata nya, tinupad ni Rose ang pangako nito sa kanya na makakaligtas sya sa trahedya. Hinalikan niya ang dalaga sa labi, maging sa iba't-ibang parte ng mukha n'ya. Tsaka ito niyakap ng mahigpit, matagal nang alam ni Jack na buhay si Rose. Ang totoo ay pinasundan nya ito kina Fabricio at sa kapatid nyang si Jacob. "Buhay ako... nabuhay ako para sayo." nakangiting aniya habang nakatingin sa mga mata ni Rose. "Hinanap kita..." umiiyak parin na sambit ni Rose, muli nya itong niyakap. "Mahal na mahal kita, Rose. Mahal na mahal kita." hindi matigil na sabi ni Jack. Hindi maialis ni Jack ang bisig kay Rose habang inuupo ito at ipinapasuot ang suot nyang coat upang hindi ito lamigin. Hindi rin nya maialis ang tingin sa dalaga, walang nagbago rito, ganoon parin ang itsura at mukhang hindi na nga yata mababago. Hindi parin makapaniwala si Rose sa nakikita. Kung totoo nga ba talaga ito o isa na namang panaginip. Nais nyang makasiguro kaya muli nyang niyakap si Jack, yumakap ito pabalik. Naroon na naman ang mga luha sa mga mata ni Rose na nag-uunahan sa pag-bagsak. "Paano?" iyon agad ang naitanong ni Rose nang malamang totoo nga ang nangyayari. "Nagising ako sa hospital, mainit ang paligid, at nasa tabi ko Mr. Andrews noon, kasama si Fabrizio." saad ni Jack habang hawak ang kamay ni Rose, isinandal naman ni Rose ang ulo nya sa dibdib ni Jack, "Ang sabi nila ay namataan nila akong inilulutang ng isang bagay sa karagatan, agad nila akong binalot sa mainit na kumot tsaka ako dinala rito, si Mr. Andrews daw ang nagpumilit na buhayin ako..." nakangiting dadag ni Jack, namuo ang luha sa pareho nilang mga mata, "Inilagay nila ako sa isang kwarto na may saktong init upang mawala ang paninigas ng katawan ko, kung ano pa ang ibang ginawa ay hindi na nasabi sa akin ni Mr. Andrews." muling dagdag ni Jack. "Kung gaano kasakit ang naramdaman ko noong makita kitang lumulubog sa tubig ay ganoon naman ang saya ko nang malaman kong buhay ka." sambit ni Rose tsaka pinunasan ang luha sa mga mata n'ya. "Rose, Salamat..." hawak parin ni Jack sa kamay ang dalaga, "Salamat dahil tinupad mo ang pangako mong mabubuhay ka." namuo ang luha sa mga mata ni Jack, tsaka nya tiningnan ang kabuoan ni Rose. "Mukhang bunaliktad ang mundo." natatawa pang sambit ni Rose, "Ako naman ang nasa third class ngayon." natatawa nya pang dagdag. "P-Paano? bakit?" "Kung hindi pa ako nakipag-pustahan ay hindi rin ako makakasakay dito." Natawa si Jack sa sinabong iyon ni Rose. Hindi makapaniwala na pareho sila nang paraan noong sya rin ang walang ticket upang sumakay sa Titanic. Muli syang ngumiti tsaka dinampian ng halik sa labi si Rose. Tsaka nya ito nginitian. "Sobrang saya ko, alam mo ba 'yon? ito ang pakiramdam noong ako ang nanalo ng ticket noon." napapatango at nakangiting kwento ni Jack, nakangiti namang napailing si Rose. "Tinanong ko ang lahat ng tauhan, wala ang pangalan mo sa listahan ng mga pasahero." malungkot na kwento ni Rose. "Dahil hindi naman ako pasahero..." nakangiting tugon ni Jack, "At hindi na Dawson ang apilyidong gamit ko." nakangiti paring dagdag ni Jack. Natigilan si Rose sa narinig, napayuko ngunit ngumiti rin. Naisip nya na wala rin palang saysay ang paggamit nya sa apilyido ni Jack, dahil mukhang hindi na ito ang gamit nyang apilyido ngayon. Tinitigan nya lang si Jack, pilit na itinatatak sa isipan nya ang nangyayari ngayon. "Ano na ang buong pangalan mo kung ganon?" tanong nya rito, tumayo si Jack tsaka nameke ng ubo habang nagpipigil ng ngiti. "Captain Jack Calvert, Miss." yumuko pa ito sa harap nya. Tahimik na natawa si Rose, ganoon rin si Jack. Hindi parin nababago ang kapilyohan nito. Muling humawak si Jack sa kamay ni Rose tsaka muli itong tinitigan, ilang segundo pa ay hinalikan nya ang likod ng mga palad ni Rose. "Rose Dawson!" dumating ang tumatakbong taga-silbi, "Hinahanap ka na ni Ginang Andrews." sambit nito tsaka muling tumakbo paalis. "Rose Dawson?" naniningkit ang mata habang nakangising tanong ni Jack, may tono ng pang-aasar habang napapatango pa. "Oo, ang kaso ay Calvert na pala ang apilyidong gamit mo." serysong tugon ni Rose. "Wala namang masama doon, Mrs. Rose Dawson Calvert." muling hinalikan ni Jack ang likuran ng palad ni Rose. "Kailangan ko nang magsilbi." natatawang sabi ni Rose tsaka tumayo. "Ayosin mo, dahil isa rin ako sa mga pagsisilbihan mo." saad ni Jack, magkahawak ang kamay nila ni Rose habang naglalakad. __________ ©The Movie 'TITANIC'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD