Ikatlong gabi na ni Rose sa loob ng barko, ngunit hindi parin nya alam kung paano hahanapin si Jack. Okupado ang isip nya habang nakatingin sa bintana ng kwarto nila, pilit umiisip ng paraan. Wala si Lucent sa kwarto, siguro ay nagpunta iyon sa pinaka-ibaba ng barko upang makisaya sa mga estranghero. Lumabas sya ng kwarto tsaka tiningnan ang paligid.
"Kinakailangan kong magpunta sa itaas dahil kailangan nila ng taga silbi doon."
"Ganoon ba, oh sige at magpapahinga na muna ako."
"Sige, mauna na ako."
"Mag-ingat ka, balita ko ay masungit daw ang asawa ng ship-builder."
Nilingon nya ang dalawang babae na nag-uusap sa di kalayuan. Pawang nakasuot ng uniporme ng mga tagapag-silbi ng barko ang mga ito, iniwas nya ang tingin nang magpunta ang isa sa direksyon nya. Nang makalagpas ang isang tagapag-silbi sa kanya ay nilingon nya ang isa na patungo sa isang kwarto. Tahimik nya iyong sinundan. Pumasok ito sa kwarto kung saan napupuno ng mga lamesa, muebles at gamit sa pagkain. Pumasok din doon si Rose.
"Sino ka?" tanong sa kanya nang tagapag-silbi nang makita sya nito.
"A-Ah pinadala ako rito ni Mr. Andrews upang sabihin na ako muna ang hahalili sayo upang magsilbi sa itaas." kampanteng sagot nya, pinilit magtunog normal.
"Hayss salamat naman kung ganoon, magpapahinga kase ako."
"Kung maaari ay hubarin mo na lamang ang uniporme mo upang maisuot ko."
Napatitig sa kanya ang tagapag-silbi, para bang hindi sang-ayon sa sinabi ni Rose. Napatitig lang rin sa kanya si Rose, hindi alam kung paano sasagot sa nagtatanong na tingin ng babae. Anong iniisip nya?
"Sigurado kang isusuot mo ang damit na naisuot ko na?" tanong ng tagapag-silbi, "Sa ganda at tindig mo ay para kang anak ng isang Reyna." natitigilan paring sabi nito.
"Ang totoo ay pasahero lamang ako sa third class." sagot ni Rose.
"Ngunit kilala mo si Mr. Andrews? paano?" nagtatanong parin ang tingin ng tagapag-silbi habang iniaabot kay Rose ang uniporme nya.
"Kung ikukwento ko ay baka abutin tayo ng hating gabi, magbibihis na ako."
"S-Sige."
Tulala parin ang tagapag-silbi kay Rose. Hindi makapaniwala na ang ganoong itsura at kinis ng balat ay nabibilang sa mga third class.
Samantalang si Rose naman ay aligagang nagbibihis. Paulit-ulit ang paghinga nya ng malalim. Nang matapos magbihis ay lumabas sya, wala na doon ang tagapag-silbi na nakausap nya kanina. Nakaramdam sya ng kaba, hindi nya alam kung anong gagawin at saang banda sa itaas pupunta upang makapagtrabaho.
Nakayuko nyang tinahak ang daan patungo sa itaas ng barko. Hindi nya pa nakikita ang bagong disenyo ng barko at ang pinaka-itaas na palapag para sa mga pasahero ng first class. Sa isip ay sinasabi nyang kagaya parin iyon ng dati. Dala nya ang kaba habang pumapasok sa pinto na binabantayan ng dalawang tauhan ng barko, nagulat sya sa nakita. Napakaraming mayayaman ang kasalukuyang kumakain sa loob. Inilibot nya ang tingin sa buong lugar, gusto nyang maluha nang makitang ganoon parin ang disenyo, ang kaibahan lang ay mas malaki ang espasyo at mas maraming magkakasya sa loob.
Agad syang yumuko nang makita si Mr. Andrews na papalapit sa direksyon nya bagaman alam nyang hindi sya ang pakay nito. Agad syang unatras at bumwelo upang dumaan sa ibang direksyon, nagtagumpay sya. Tiningnan nya ang mga tagapag-silbi, inaasikaso ng mga ito ang kanya-kanyang amo. Agad na inilingon ni Rose ang tingin sa paligid, napansin nya ang babae na kanina pa salubong ang kilay at tila may hinahanap, nakaupo ito sa pinakamahal na lamesa ng barko.
Nilakasan nya ang loob at agad na lumapit sa mga ito. Nang makalapit ay nailipat na sa kanya ang masamang tingin ng Ginang.
"Ikaw ba ang magsisilbi sa amin?" taas kilay na tanong nang Ginang.
"Ako nga."
"Saan ka ba nanggaling? santisima! dalhin mo rito ang lahat ng putahe!" sigaw ng babae na mukhang kaedad nya lang, mukhang anak rin ito ng Ginang.
"Masusunod."
Napangiwi si Rose nang tumalikod, hindi nya naalalang inutosan nila noon ng kanyang pamilya ang mga taga-silbi na dalhin sa kanila ang lahat ng putahe. Kung maaari lamang sana ay baka naihampas nya na ang tray sa mag-inang iyon. Pumasok si Rose sa lugar kung saan nakalagay ang lahat ng putahe na dadalhin sa bawat lamesa. Nagulat pa ang lahat ng nandoon nang makita sya.
"Paano nakapasok ang tagapag-silbi rito?" tanong ng isa, mukhang sya ang pinakamataas sa mga tagapagluto rito.
"Pinapunta ako dito ng matapobreng mag-ina na 'yon..." tumango si Rose sa direksyon nang mag-ina, tiningnan naman iyon ng ilan sa mga tagapag-luto, "Dalhin nyo daw ang lahat ng putahe sa lamesa nila, kung maaari sana ay sabay-sabay nyong ipalamon sa kanila." seryosong sabi ni Rose tsaka sumandal sa pinto, tsaka tiningnan ang mga tagapag-luto.
"Hahahaha maraming naiinis sa mag-ina na iyan, ngunit hindi pupwedeng patulan dahil iyang Ginang ay asawa ni Mr. Andrews, at iyang magandang babae ang anak nila." saad ng isa habang hinahalo ang kung ano sa malalim na plato.
Napatango nalang si Rose, hindi nasabi ni Mr. Andrews dati na mayroon pala syang asawa at anak. Kung titingnan ay walang-wala naman ang kasuotan ng anak ng Ginang na iyon sa mga damit na isinusuot ni Rose noon. Hindi nalang sya nagsalita, sumunod sya sa mga tagapag-silbi nang dalhin na ng mga ito ang mga putahe. Nang mailapag ay umalis na ang mga ito tsaka naiwan si Rose sa gilid ng mag-ina.
Nagsimulang kumain ang mga ito, si Rose naman ay inililinga ang paningin sa paligid. Umaasang makakakita ng sagot. Nagpatuloy lang sya sa paglingon sa plaigid, nalilipat lang ang tingin nya sa mag-ina sa tuwing uutosan sya ng mga itong maglagay ng wine sa baso nila. Nang matapos kumain ang mag-ina ay tsaka dumating ang ilan pang mayayamang tao, umupo ang mga ito sa harap ng mag-inang Andrews. Sinikap nyang itago ang mukha, kilala nya ang isa sa mga nandoon, isa iyon sa mga kasosya ng Ama nya sa negosyo.
"Excuse me? maaari ba kaming makahingi ng isa pang bote ng wine?" tanong ng isa sa mga iyon.
Tumango si Rose nnag hindi sila tinitingnan. Tsaka naglakad patungo sa cabinet ng iba't-ibang klase ng mga alak. Nakita nya ang isa sa mga tagapag-silbi doon.
"Pakidala ng wine na ito sa lamesa ng asawa at anak ni Mr. Andrews." utos nya dito tsaka ibinigay ang bote ng wine, "Pagkatapos ay tawagin mo nalang ako sa oras na hanapin nila ako." aniya pa.
"Sige, ano ba ang pangalan mo?"
"Rose Dawson."
Umalis na si Rose sa lugar na iyon, wala syang nakitang ano mang sagot sa mga tanong nya. Nakita nya ang papalapit na tauhan ng barko, may dala rin itong log book at kapapasok lamang sa ikalawang entrada ng first class suit.
"Paumanhin, may itatanong lamang sana ako." sambit nya rito.
"Ano iyon, Miss?" magalang na tanong ng tauhan.
"Maaari ko bang malaman kung ang listahan ng mga pasahero na iyan ay mga pasahero ng first at second class?" umaasang tanong ni Rose.
"Ito nga, Miss."
"Maaari ko rin bang malaman kung mayroong pasahero ng first at second class ang nagngangalang Jack Dawson?"
Naroon na naman ang kaba sa loob ni Rose. Umaasang sana ay mayroon, na sana ay hindi sya mabigo dahil ito na lamang ang tanging pag-asa nya. Nakapikit nyang hinintay ang tauhan na ngayon ay paulit-ulit ang paglilipat ng pahina sa log book. Matagal na oras ang ginugol nito sa paghahanap bago sya tiningnan nito.
"Miss Rose... Wala pong Jack Dawson na pasahero ang first at second class."
__________
©The Movie 'TITANIC'