MY FIRST LOVE
Google search " how to kill your brother?"
Asar na tipa niya sa cellphone niya. Kauumpisa palang ng klase ay nalate na siya dahil sa kagagawan nito.
Google search " how to kill your brother without any conscience " search nya uli pero mga batas lang ang lumalabas...
Wala pa man pero kinokonsensya na siya ni google.
" ano ba yang ginagawa mo?" Kasalukuyan siyang nasa cafeteria kasama si King and by the way King is a girl hindi lang niya alam kung anong nakain ng magulang nito at pinangalanan itong king.
Pinakita niya ang cellphone niya rito.
" alam mo Naica kahit na anong gawin mo hindi ka makakalayo sa kuya mo, ang gwapo kaya ng kuya mo ang swerte mo nga at nakikita mo sya araw-araw "
" Hindi swerte yon kamalasan and speaking off "
Maya maya lang ay tumatawag na ang kinaiinisan niya.
" the Devil is calling " mahinang bulong niya pero imbis na sagutin ay pinatay niya ang tawag.
" hindi ka naman titigilan nyan hanggat hindi ka sumasagot "
" wala babg lugar sa cromwell na hindi nya alam?"
Seryosong tanong niya rito.
" Baka ang ibig mong sabihin ay wala bang lugar sa cromwell na hindi ka kilala mabilis ang chismiss Naica and look ang gwapong kuya mo "
Nginuso nito ang pinto ng cafeteria at ayun nga ang hudas barabas niyang kuya kasama ang mga alipores nito.
" King I need to go " mabilis siyang nagligpit pero hindi pa man siya nakakatayo ay may humawak na sa balikat niya at amoy palang nito kilala na niya kung sino ito.
" Where have you been?" Kumuha ito ng upuan at tumabi sa tabi niya. Mabilis naman siyang umusog palayo pero kaagad siya nitong hinila pabalik.
" I have a class Calix " akma na uli siyang tatayo ng hinawakan siya nito sa kamay.
" Ano nanaman ba?" Asar na tanong niya rito.
Pagkatapos ay may nilabas itong baunan sa harapan niya.
" eat " mabulong na sambit nito sa kanya napairap nalang siya at bumalik sa pagkakaupo.
" malalate nanaman ako " mahinang reklamo niya rito.
" We don't have a class today Naica " mahinang sambit nito sa kanya.
Kunot noong napalingon siya rito.
" we? How?" Takang tanong niya rito.
Alam niyang ibang level ang utak ni Calix and she know na never itong mapupunta sa section niya.
" our parents want me to look for you so I ask them to change my section "
" WHAT!" akala pa naman niya aya makakatakas na siya sa lalaking ito. They are in their 3rd year in highschool at buong year ng buhay niya ay wala itong ginawa kung hindi pirwisyuhin siya.
Nakabuntot ito kahit saan.
Lahat ng lakad niya dapat alam nito, kung sinong kasama niya dapat kilala nito.
Naalala pa niya ng ones na napagkamalan niyang lalaki si King, they have huge fight na umabot na sa tinapon nito ang cellphone niya palabas ng bintana.
He's to possesive for a brother kaya tanggap na niyang tatanda siyang mag-isa.
Binuksan na niya ang baunan at nagumpisa ng kumain.
Masarap naman ang lasa pwede ng pagtyagaan.
" and by the way Naica I have a game today you need to watch, magdala ka na rin ng placards "
Malungkot na tumango siya.
Tumayo naman ito at umalis na.
" Kung minamalas ka nga naman "
Mahinang bulong niya.
" Hindi kamalasan yon Naica kung hindi swerte dahil "
Iniripan nya ito at inilagay sa harapan nito ang pagkain na kinakain niya.
" Gusto mo ng swerte King ayan kainin mo " inis na sambit niya rito.
Masaya naman nitong kinuha ang pagkain at mabilis na sumubo pero hindi niya mapigilang mapangiti ng magbago ang itsura nito.
Calix is a geniuse pero hindi ito gifted sa kusina at iyon naman ang bagay na pinagmamalaki niya.
" masarap ba? Ano nga uli iyon King swerte ako?" Mapang-asar na sambit niya rito.
Sumimangot naman ito at kumuha ng tissue para iluwa ang nasa bibig nito.
" technically Naica your not related so may tendency na magkagusto siya sayo " biglang sambit nito pagkatapos nitong maialis ang pagkain na nasa bibig nito.
Inis na tinignan niya si King.
" alam mo King nakakadiri yang nasa isip mo, we have our parents at doon palang magkapatid na kami, we grow up together like a real sibling, so theirs definately not a chance "
Nagkibit balikat ito at malokong tumingin sa kanya.
" not a chance nga ba talaga?" Nakangising sambit nito sa kanya.
" kilabutan ka nga, let's go kaylangan ko pang bumili ng pangplacards "
" alright " tumayo naman ito at sumunod sa kanya.
" but Naica"
" no but's king "
" alright "
Sabay silang bumalik sa room to get some stuff for the placards.
Kaylangan niyang sundin ang gusto ni Calix dahil siguradong hindi nanaman siya nito titigilan and she want some piece of mind.