Chapter 45 "Masarap?" tanong ko kay Darren habang kumakain ng lasagna na ginawa ko. Iyon ang merienda na inihanda ko for him. Tapos kinakain ko naman iyong dala niyang pandesal with peanut butter. Nangingiti ako dahil halos mamuwalan siya. So cute! Nilunok muna niya ang kinakain bago nagsalita. "Sobra Sab! Walang panama doon sa mga fast food..." honest na sagot niya. Awww... Napatingin ako kay Darna. Nakatulog na siya sa carpeted na sahig. Sabi ni Darren parang bata rin daw ang tuta. Kung saan-saan aabutin ng antok. "Thank God nagustuhan mo! Dalhan mo rin si Tatay Damian pati si Kiko." "Salamat. Hindi ko alam na ganito ka kagaling magluto?" tanong niya matapos sumimsim ng apple juice. "Not really. Dalawa lang ang alam kong iluto. Lasagna. Kasi favorite siya ni Mama. And steak kas

