Chapter 44 "Dada!" naibulalas ko nang makita si Darren sa gate. Medyo umaambon-ambon pa kaya dali-daling binuksan ko iyon. Nakalight brown hoody jacket siya at nakamaong with white sneakers pero super pogi niya pa rin. "Hi." bati niya at hinalikan ako sa noo. Yayakapin ko sana siya nang may mapansin akong hawak niya. Iyong puppy! "Ay nandito na pet ko. Ang cute! Pwede ko siyang kargahin?" excited na tanong ko. "Oo. Mabait naman 'to saka naliguan ko na rin," nakangiting aniya at maingat na ipinasa sa akin ang tuta. "Hello...what's your name?" tanong ko sa puppy na tumingala sa akin. Maburok ang tuta kaya super cute talaga. Kulay puti at napansin kong parang may birthmark siya sa tagiliran na kulay itim. Heart shape pa iyon. Natuwa ako lalo na nang sumandal ang tuta sa'kin at dinil

