Chapter 78 Tumirik ang sinasakyan namin ni Darna. Napahampas ako sa noo nang maalala na hindi nga pala fully charged ang e-bike ko. Iginilid ko iyon sa daan. Napapitlag ako at naalerto si Darna nang makarinig ng kulog. Takot siya doon kaya alam kong alumpihit siya. Hinigpitan ko ang hawak sa kadena niya kasi baka mamaya manakbo. "Sana hindi umulan…" usal ko at napatingin sa kalangitan na wala man lang bituin kahit isa. Napatingin ako sa paligid, bakanteng lote iyon. Wala man lang kaming masisilungan na matino kung sakali. Pero pwede na kami sa e-bike, may bubong naman, kaya nga lang pag lumakas ang hangin baka mabasa rin kami. "Siguro dito na lang muna tayo magpalipas ng gabi. Hahanap ako bukas ng matutuluyan natin," kausap ko sa kanya at inakbayan siya. Napabuntong hininga ko. Inabo

