Chapter 50 Cancelled na balak kong makipagtanan kay Darren. Tama naman kasi siya. Mapapariwara lang kami pareho. Ang babata pa namin para pumasok sa isang complicated na sitwasiyon na hindi namin pinaghandaan. "O pa'no uwi na ko?" paalam ni Darren nang maihatid ako sa gate ng bahay namin. Tumango ako at kinuha na ang de gulong kong maleta. "Ayaw mo ba munang pumasok?" yakag ko. "Gabi na Sab. Saka baka lalo kang kagalitan ng Mama mo kapag nakita niya kong kasama mo. Sige na pasok ka na, tawagan mo na lang ako kung may kailangan ka, ah?" nakangiting aniya at hinawakan pa ang pisngi ko. "Kiss muna..." I jokingly said sabay pout na ikinangiti naman niya. "Saka na, Sab. Lawad na lawad naman tayo dito baka may makakita sa'tin." "What's lawad?" natatawang tanong ko. Batangueño talaga 'to.

