Chapter 49 "Hindi talaga pwede magtanan?" napangusong tanong ko kay Darren. Nakaupo pa rin kami sa bench sa L.A. at nakasandig ako sa kanya. "Kung magiging makasarili ako, sige itatanan kita. Kaso lang dalawa tayo. Dalawa tayong maghihirap. Kasama pa natin si Darna. Di bale na ko, dahil sanay na ko diyan. Pero ayokong danasin mong magdildil ng asin pag walang ulam. Ayokong maranasan mong papakin ng lamok dahil naputulan tayo ng kuryente. Ayokong maranasan mong mag-igib at magbuhat ng mabibigat na timba dahil nawalan na tayo ng linya ng tubig. Ayokong maranasan mong sumakit ang katawan o magsugat ang kamay mo sa paglalaba. Ayokong maranasan mong mangutang sa tindahan dahil wala na tayong pera. Ayokong tangayin ka sa hirap..." seryosong ani Darren habang hawak ang mukha ko at diretsong n

