Chapter 80 "Darren, nandiyan ka na pala," bati ko nang pumasok siya pintuan, ibinaba ko ang libro na ginagamit ko for my school works. Ilang araw na ang nakalipas magmula nang tumira ako sa kanya. So far I’m doing good. Wala akong stress kundi lessons. "Palit lang ako ng damit," aniyang nakangiti at pumanhik sa itaas matapos bumati sa dalawang aso na nagbabardagulan sa sala. Ganoon kami pagdadating ang isa, hindi kami basta-basta lalapit sa isa’t-isa. Uso pa rin kasi ang virus. Napatunghay ako mula sa pagsusulat nang may naglagay sa harap ko ng box ng cassava cake. Nakapagpalit na ng pambahay si Darren. Ang gwapo niya kahit ano’ng isuot. "Hindi mo ba gusto ‘to?" tanong ni Darren nang makitang nakatitig lang ako do’n saka siya naupo sa katabing silya paharap sa akin. "G-Gusto siyemp

