Chapter 81 "Russel chat-chat na lang para updated tayo sa project na ‘to," sabi ko kay Russel habang palabas ng classroom dahil kami ang magkagrupo sa isang school work namin. Tatlo kami pero absent pa iyong isa. "Okay sige, uhmmm…maglalunch ka na ba? Sabay na tayo? Para mapag-usapan na rin ‘yong tungkol sa project." "Ah okay sige," pagpayag ko kaya sabay na kaming nagpuntang canteen. Habang kumakain kami ay bigla siyang nagtanong. "Sabrina…may boyfriend ka na ba?" Napangiti ako at inubos muna ang nginunguya. "Uhhmmm…di ko sure?" confused na sagot ko. Kasi kahit naman nalinawan na ko sa nangyari kay Darren hindi pa naman napag-uusapan kung ano ng gagawin namin sa naputol naming relationship dati. Maybe he’s not in a rush? We’re not in a rush? ‘Hay jusko Sabrina, majustify mo lan

