Chapter 58 "Ang ganda naman ng birthday girl ko! Bagay ka talaga sa'kin!" biglang eksena si Jared na kadarating lang kaya napairap ako. Kasunod niya ang dalawang ex-friend ko. "Nice party Sab! Happy Birthday!" plastic na bati ni Bettina. "Me pa ba?" taas noong sagot ko. "O Happy Birthday pa rin! Pinilit lang talaga kami ng Mama mo na umattend eh!" nakataas pa ang kilay na ani Chloe. "Eh di pwede ka ng umexit kung di mo feel talaga. Enough with the speech, just go!" nagmuwestra pa ang daliri ko. "Girls! Stop that. Just enjoy the party okay?" saway ni Jared sa dalawa. "Si Darren nga pala hindi niyo kasabay?" naitanong ko kina Jessa. "Nagtext sa'kin kanina, papunta na raw, eh," ani Rico. "Ayan na pala, eh!" nguso ni Jessa sa bandang likuran ko kaya napalingon ako. I was stunned for

