Chapter 59 "Sabrina!" tawag ng Mama ko kaya napatigil kami ni Darren sa pagsayaw. Hindi na ko nakahuma nang pasimple niya kong hatakin palayo kay Darren. "Ma why ba?" "What are you doing? Nandito ang Tita Beatrice mo nakakahiya, si Jared dapat ang kasayaw mo dahil siya ang escort mo for tonight! Tapos diyan ka nakikipagharutan? Ano na lang sasabihin ng pamilya ni Jared?" "Alam niyang may boyfriend ako right? Bakit ba ipinipilit niyo ko sa lalaking 'yan?" Hindi niya ko pinansin at tuloy-tuloy lang ang paghatak sa'kin palapit sa unahan kung saan nakalagay ang 3 layered cake ko na nakapatong sa isang mesa. Kumuha siya ng mic pagdating namin doon at iniabot sa akin. May MC kasi silang kinuha. "All right Good evening youngsters! Sorry to cut you off but sandali lang ito. Our beautiful c

