Chapter 64 Pinanlamigan ako nang marinig ang pangalan niya. Darren. Darren Villamor. Totoo ba ‘to? Makakasama ko siya ulit bilang instructor namin? Darren. My ex. My everything back then. Pero parang bulang naglaho at iniwan ako 8 years ago. Tapos biglang nasa harap ko na ulit ngayon? Hindi ko alam kung ano’ng eksaktong mararamdaman ko. Litong-lito ako. At mas nauna ang aksiyon ng katawan ko kaysa mag-isip. Napatayo ako sa kinauupuan ko. Balak kong magwalk out! Dire-diretso na sana akong lalabas ng classroom… "Miss…saan ka pupunta?" I frozed. It was his voice. Nasa gilid ko na siya, nakatayo. Iniiwasan kong magkaharap ang mga mukha namin kaya bahagya akong napayuko. Ayokong makita niya ko. Masasabi kong very useful talaga itong mask, lalo na itong long hair kong nakalimutan kong ipus

