Chapter 56 Sa L.A. (lampungan area but love area tawag niya) niya ko dinala. May mangilan-ngilan ring tao na nakatambay doon. "Dito ka na lang muna, bibili lang ako," aniya at pinaupo ako sa mga marmol na bench doon. Inilapag namin ang gamit sa mesa na yari sa maliliit na bato. Gumawi siya sa plaza kung saan nakapwesto ang iba't-ibang stall ng street foods. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya palayo. I'm really deeply in love with this guy... I don't care about his status in life. It is him that I love. Pak. Sht. Cheesy me. Napatayo ako nang makitang papalapit na siya. Tinulungan ko siyang ilapag ang mga binili niya. Siomai na nasa silver plate na pahaba ang korte. Nasa sampung piraso yata iyon. Fishballs sa dalawang plastic cup na may kasamang sweet and spicy sauce. At dalawan

