Chapter 55 "Kain kang marami, ah?" malambing kong sabi sa ever shy kong boyfriend saka ko siya nilagyan ng adobo. Lunch namin at kaming dalawa lang ang magkasabay since kami talaga ang magkaklase at hindi na naman tugma ang sched namin nina Jessa. May baon siyang kanin at pritong itlog ang dala niyang ulam. "Salamat Sab, kain ka na rin," itinapat pa niya sa'kin ang kutsara niyang may laman kaya kinain ko iyon. "Sab..." tawag ni Darren habang papunta kami sa CR habang bitbit ang kanya-kanya naming toothbrush. Routine na namin iyon after lunch. "Hmmm?" "Ilang araw ka ng nagdadala ng lunch. Bigat sa bulsa. Hindi ka ba nasisita sa inyo? Ayokong mang isipin pero hindi mo naman siguro ginagawa 'yan para masigurong..." "Kumakain ka ng maayos? Okay fine. Sharp mo talaga. I'm really doing it

