Chapter 40 "Woah! ‘Wag ka naman masiyadong feelingero diyan. Ano ba tingin mo sa sarili mo? Matalino ka lang. Pero kung ikukumpara ka sa'kin, walang-wala ka. I'm popular than you. Mas gwapo rin kaysa ako sa'yo. Nasa akin na lahat kaya 'wag kang umasta na parang mas nakakaangat ka kaysa sa'kin!" tulak ni Jared kay Darren nang pansamantalang matigilan sa pagkakasaway ni Darren sa kanila. Bahagya lang napaatras si Darren. He's serious face formed an insulting smile kaya lalong napasimangot si Jared. Ngayon ko lang nakita ang side ni Darren na palaban. "O sige, sabihin na nating totoo nga ang mga sinasabi mo. Mas sikat ka. Mas gwapo. Mayaman. Pero hindi ako sigurado kung nasa'yo na nga ang lahat. Kasi kung nasa'yo nga, bakit ayaw sa'yo ni Sabrina? Malamang may kulang..." taas noong sagot ni

