Chapter 39 Sabrina's POV Nakangiting hinagip ni Darren ang kamay ko at naglakad kami palayo nang makaalis sina Kiko. Kumapit kaagad ako at parang hibang na napangiti rin. My heart is pounding... Lagi na lang ganoon kapag magkasama kami. Means I'm so into him na... "Nagulat ako do'n, ah. Salamat talaga Sab." "Kaw pa sobrang lakas mo sa'kin." "Oh..." "What I'm going to do with this? Di ba ito 'yong gift ng Ninang mo?" maang na tanong ko nung iniabot niya sa akin ang maliit na white envelope. "Para makabawas doon sa ginastos mo." Napasimangot ako at ibinalik iyon sa kanya. "That's my treat. Birthday mo kaya. Isa pa hindi lang naman ako ang gumastos doon di ba? Sina Rico din." "Pero-" "Ay! Isa pa. Ikikiss talaga kita kapag ipinilit mo 'yan," warning ko. Namula siya. Kitang-kita

