Chapter 38 Sumunod na nagmano ang barkada sa Tatay ni Darren. Nakangiti din siya sa aming lahat. "Kiko!" bati ko rin at pinisil ang pisngi niya. Little Darren version talaga siya. "Ate! May sorpresa ka raw kay Kuya?" "Actually kaming barkada. Kakain lang naman. And naisip ko dapat kasama kayo para mas masaya si Kuya mo diba?" nakangiting sagot ko. "Salamat Sabrina," galak na sabi ni Damian. "Wala po 'yon. Ano po pala 'yang dala niyo?" usisa ko nang mapansin ang maliit na bilaong may balot ng foil sa ibabaw. "Pansit. Nakadiskarte ako, eh. Para kako pag-uwi ng anak ko, may mapagsaluhan naman kami. Pero dinala ko na nang sunduin kami ng driver mo para may ambag naman ako." "Ah. Dagdag tsibog!" bulalas ni Michael. "Pasok na po tayo," yakag ko. Kumuha kami ng isang mahabang mesa. Seaf

