Chapter 71 Sa mga lumipas na araw mas may ilalala pa pala ang pag-uugali ni Mama. "Mama, nakita niyo ba ‘yong pera ko sa drawer?" tanong ko sa kanya nang katukin ko siya sa kwarto. Kakagising lang niya, tirik na ang araw. Magulo ang kwarto niya nang masilip ko sa siwang. Nasa sahig ang mga unan. At may ilang damit na nakakalat. Medyo hindi na rin maganda ang amoy. Magmula nang maging sila ni Kapitan, ayaw na niya kong papasukin sa kwarto niya, kahit maglinis man lang, palaging nakakandado iyon kapag tatangkain kong pasukin, kinuha na niya sa akin ang susi kaya wala na talaga akong access. "Malay ko sa pera mo! At saka pinagbibintangan mo ba ko?" masungit na aniya. "Nagtatanong lang Ma!" Umirap lang siya at isinara na ang pintuan. Padabog pa. Napabuga ako ng hangin. Hindi man niya sa

