William IX: Panic attack

1591 Words
Kinabukasan ay kinailangan pang kalampagin ang banyo at marinig ni Shinna ang tinig ni Eva bago iyun buksan ng dalaga. "He is here! I'm so scared Eva! I don't want to be here!" Agad na histerya pagkakita sa babae at nag-umpisang yumugyog ang balikat kasabay ng pamamalibis ng luha sa mga mata. Walang nagawa ang babae kundi yakapin ng mahigpit ang alaga upang kalmahin. "Tahan na. It could be a nightmare." "No! I definitely saw him!" Giit niya. "Yung lalaking nasa kabilang salamin. He is watching me sleep, r-right there." Itinuro ang paanan ng kama. Si Eva ay bahagyang tumigas ang katawan. Hindi imposible ang sinasabi ng alaga pero wala itong alam sa ganoong ginagawa ni Don. Although ang biglaan nitong pagpapakita kay Shinna noong nakaraan ay ikinabigla rin niya ng labis, pero ang pasukin na nito ang kwarto ay masyadong pang alanganin. Dahil sa pangyayari nang gabing iyun ay parang na-trauma Shinna. Hindi ito makausap ng maayos at parang laging nakikiramdaman sa paligid. Pagdating naman ng gabi ay hindi nito pinapatay ang lamp shade. At kahit na sobrang inaantok na ay hindi ito natutulog basta-basta. Madalas ay naabutan na lang ito ni Eva na nakaupong natutulong sa may sulok ng kwarto at nakabalot sa buong katawan ang kumot. Agad yung inireport kay Don. "Hindi ba ay trabaho mo ang ipaalam sa kanya ang tungkol sa presensya ko?" Sa halip ay paninita ng Don rito.  Hindi agad nakasagot ang babae at napatitig sa may edad ng lalaking tinatawag ng lahat na Don. Ngumisi naman ang isang lalaking nakatayo sa gilid nito na kanina pa siya tinatapunan ng malalagkit na tingin. Tumuwid siya ng tayo. "Hindi ninyo ini-expect na basta na lang matatanggap ni Shinna ang pagbabago sa buhay niya. Hanggang ngayon ay nagko-cope up parin siya sa mga ipinapanood kong palabas sa kanya  Ang dami-dami niyang mga katanungang hindi ko basta na lang masasagot." "Then you are doing a poor job, darling. Hindi ko siya mabisita ngayon dahil sa mga inaayos ko. But I want to continue seeing her. Gusto kong maging aware siya sa presensya ko." Kadarating lang nito galing sa Maynila dahil may inatindihan itong ribbon cutting ng isang kasosyo nito sa trabaho na labis ipinagpasalamat ni Eva. Kung hindi ay baka makita nito ang kasalukuyang estado ng alaga ay tiyak na parurusahan siya. "Alalahanin mo ang mga utang ninyong mag-asawa. Hindi porket na-eenjoy ka sa isa sa mga alaga ko ay ipagsasawalabg-bahala mo nalang si Engr. Roman." Namutla si Eva sa narinig. Paano nalaman ng Don ang tungkol doon. Ikinatakot ng babae na baka banggitin nito sa asawa ang tungkol sa pakikipagkita kay Rick. Kabisado niya ang asawa, kapag nalaman nitong ang dahilan ng hinihinging pakikipaghiwalay rito ay baka hindi nito ibigay ang kahilingan niya. Mahal niya si Rico, lalo na noong bagong kasal sila. Hindi siya magtitiis sa ganoong trabaho kahit na sabihing malaki ang tinatanggap niyang bonus kung hindi dahil sa naging utang na loob nilang mag-asawa sa kaharap. Pero sa pagdaan ng mga panahon ay natutunan niya na hindi lang puro dapat pagmamahal ang pinapairal lalo at malaki ang ipinagbago ng lalaking pinakasalan. Hanggang sa magkaroon siya ng sikretong relasyon kay Rick na isa sa tatlong magkakapatid na pinaka-iingatang tauhan ni Don Alvarez. "Bigyan niyo pa ako ng mahabang panahon Don. Matatanggap din ni Shinna ang kalagayan niya. Sa ngayon ay maipapayo kong huwag na muna kayong magpapakita sa kanya." "Inuutusan mo ba ako Eva?" Pinangilagan ang babae. Sa sampung taong paninilbihan rito ay kabisado na ang ganuong pananalita nito. Kilala ito bilang pilantropo. Santo ang tingin ng maraming tao dito. Pero ang hindi alam ng lahat ay ubod ng sama ito. Naitago ng pagkakaroon ng maraming pera ang ganoong mala-demonyong  nitong katauhan. Alam ng lahat kung paano nito parusahan ang isang tauhan. At hindi yun magiging maganda sa kanya kung sakali mang magalit ito. "Titiyakin kong maintindihan ni Shinna ang kalagayan niya." Pagpapatuloy niya. "Sa ngayon ay talagang nagulat siya sa natunghayan niya. Intindihin niyo ang kalagayan ng bata. Hindi siya kailanman nagkaroon ng engkwentro sa isang lalaki. Kaya normal lamang sa kanya ang matakot. Kahit sinong pumasok doon ay magiging kapareho ng reaksyon niya ngayon. Bigyan niyo pa ako ng mas mahabang panahon Don." Pakiusap niya pero ang totoo ay nanggagalaiti na sa pagiging dominante nito. Ang hinihiling ng matanda ay isang imposibleng bagay. Paano matatanggap ng isang mag-dadalawampung taong dalaga na binabakuran ito ng isang lalaking doble ang tanda rito. "Make it fast Eva. Sinabi ko sayong dapat ay handa na siya sa ikadalawangpung taong gulang niya." "My bad Don. Akala ko ay sa larangan lang ng kakayahan niya ako dapat mag-focus. Huwag kayong mag-alala. Unti-unti kong ipinapakita sa kanya ang mangyayari sa hinaharap." Huwag lang kayong mangialam at gagawa ng sariling hakbang, gustong sabihin ni Eva pero sa halip ay nagpaalam nalang dahil wala itong lakas ng loob na hantarang sitahin ito. Lalo na sa harap ng iba pang tauhan nito. Pagkaalis sa opisina ng matanda ay bumalik sa kwarto ng alaga si Eva. Naabutang nakaupo si Shinna sa may couch at nakatitig sa kawalan. "Hindi ba sinabihan na kitang maligo Shinna." Hindi man nais tratuhin ng ganoon ang dalaga ay walang ibang mapagbuntunan ng inis nito ang babae. "What is your plan with me?" Ikinagulat ni Eva ang ganoong tanong ni Shinna. "Balak ba akong kunin ng lalaking iyun?" Pagpapatuloy ng dalaga. Ngunit sa halip na sagutin iyon ay dumiretso si Eva sa banyo at inihanda ang pampaligo. "You and your questions Shinna. Nakakapikon na!" Tinig ng babae mula sa loob. Si Shinna ay parang nakakaramdam ng sobrang pagkakaupos. She's expecting something to happen on her twentieth birthday. Pero hindi niya akalaing ganoon ang mararamdaman niya at ni hindi pa dumadating ang mas malalang pagkakataon. Hindi pa nakakatiyak pero parang alam na niya ang planong gawin ni Eva at ng lalaking iyon. And she doesn't just dislike the idea. She is terrified of it and disgusted at the same time. Kailangan niyang umisip ng paraan kung paano makakaalis sa lugar na iyon. Pero paano? Kanino siya hihingi ng tulong? Ilang araw pa ang mabilis ba lumipas, hanggang sa maging lingo. Nanatiling ganuon si Shinna kahit anong galit ni Eva. Isang gabi ay muli siyang tumanaw sa labas ng bintana. At labis na ikinagulat nang muling makita ang lalaki tinatanaw. Agad naramdaman ang paglukso ng puso nang makitang nakatitig ito sa kinaroroon. Ilang linggo din niya itong hindi nakita pagkatapos niyang madismaya dahil sa hindi pagkakakita rito ng ilang gabi hanggang sa tuluyang itinigil iyun. Kaya naman hindi niya inaasahan ang muli nilang pagkikita nito ngayon. At may ibang ekspresyon siyang nababasa sa mukha nito sa kabila ng malamlam na ilaw na tumatanglaw rito. "Help me please!" Bulong niya, ang isang kamay ay humawak sa salamin. Bago pa namalayan ng dalaga ay naglandas ang likido sa pisngi. Umiyak siya. Ni hindi kumurap ang lalaki habang nakatingala sa kanya. Hanggang sa kumalma si Shinna ay hindi umalis sa kinaroroonan. Ganun rin ang lalaki.Nakuntento na lang sa pagtanaw sa isa't isa. Nang makaramdam ng antok ay saka lang tuluyang nahiga sa kama. Madalas pa rin siyang magising sa gitna ng gabi. Laking pasasalamat na hindi na naulit pa ang isang eksenang iyon kung hindi ay baka tuluyan na siyang nasiraan ng bait.  Isang araw ay galit na naman si Eva na sumita sa kanta. "Ano ang ginagawa mo sa gabi at ganyan kalalim ang paligid ng mga mata mo!"  Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ito. "Imposibleng nagpipinta ka nanaman dahil kinuha ko na lahat ng gamit mo." You missed one! Pero hindi niya sasabihin iyun . "I-I can't sleep." Tipid niyang sagot. "Hanggang ngayon parin ba yan!" "Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, will you not? Ano ang gagawin ko kung hindi ako makatulog? I am feeling unsafe in my own room." "Gusto ko yung fact na nakakaramdam ka ng takot. Ibig sabihin ay nagiging normal kana. Pero hindi ko gustong nakikita yang pangingitim sa ilalim ng mga mata mo." Hindi na sinabi ni Eva na kapag nakita ni Don yun ay ito ang malilintikan. "Dadalhan kita ng sleeping pills. Pero hindi ko gustong masanay ka doon." Nang mapansin nito marahil ang katanungan nakarehistro sa mukha ay boluntaryong ineksplika kung ano ang tinutukoy. "Pansamantala mo lang gagamitin yun para makatulog ka sa gabi. Hindi maganda ang epekto nun sa katawan kapag laging ginagamit. Kaya bibigyan kita ng ilang piraso lang. Pilitin mong mag-relax. Hindi kana papasukin ng sinuman dito kaya huwag ka ng masyadong mag-isip. Nang sumunod na araw ay may bitbit na ilang pirasong sleeping pills si Eva. Shinna was hesitant to take it at first. "Anong mangyayari sa akin kapag ininom ko to?" Tinitigan niya ang malaking tabletang nasa palad. She had never taken any medication before kaya naman talagang kinakabahan ito. "Walang mangyayaring masama sayo kaya inumin mo na habang nandito ako. And please stop acting like a kid." Habilin nito habang inaayos ang kumot. "Don't switch off the light, please." At tuluyang ininom ang gamot. Sa una ay wala siyang ibang maramdaman. "You can go home, Eva. Baka hinahanap kana ng husband mo." "I'm sure you'll be able to sleep. Huwag kang mag-alala magiging okay din ang lahat." Inayos nito ang kumot niya at pinahiga na siya. Pinanood ito nang damputin ang bag at nagtuloy sa pinto. Kumatok ito ng tatlong beses tulad ng nakagawian. Pagkatapos ay ni hindi binuksan ang seradura at bumukas iyun mag-isa. Kasabay ng pagsara ng pinto ay siyang kusang pagsara rin ng mga mata ni Shinna at hinayaan ang sariling agawin ng antok. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD