William VIII: Surprise guest

1289 Words
Paglabas na paglabas ni Eva sa pintuan ay sumandal doon si Shinna. Sinubukang hawakan ang seradura pero tulad ng inaasahan ay naka-kandado iyun. "Ingat Miss Eva." Narinig niyang sabi ng isang tinig na natitiyak niyang lalaki. Simula nang makausap niya ang lalaking nagkulong sa kanya sa lugar na yun ay nakagawian na niya ang gawin ang ganoong bagay sa tuwing uuwi si Eva. Iniistima ni Shinna kung ilan ang mga naroon sa labas at pilit pinag-aaralan kung paano posibleng makalabas  roon. Ang dalawang pintuan lang na iyun ang tanging daan palabas sa naturang kwarto. Naroon ang labis na kagustuhang makalabas sa tila kulungang lugar na iyun. She is having a morbid thoughts. Lalo at lately, bawat natatanggap na regalo ay may nakasulat ng dedication. "Courtship ang tawag sa estado kung saan sinusuyo ng isang lalaking napupusuan nito ang babae. It could be through giving them attention or gifts." Explained ni Eva kahit hindi niya tinatanong. Kung ano ang plano ng mga ito sa kanya ay hindi siya nakakatiyak. Pero isa lang ang gusto niyang mangyari. Gusto niyang makalabas. Gusto niyang maranasan ang mga bagay na napapanood niya sa laptop.mga videos. Gusto niyang maging malaya. To feel that white sand on her feet at the place they called beach. Maranasang maglakad sa gitna ng maraming tao, o di kaya ay sumakay sa mga mabibilis na sasakyan at marami pang iba. Hindi niya akalaing darating ang araw na mai-excite siyang subukan ang buhay sa labas dahil lang sa mga napapanood. Nang gabing iyun ay sinadya niyang magpuyat. Inilabas niya ang canvas at inumpisahang iguhit ang mukha ng huling lalaking napanood. She loves arts. She used to paint a lot when she was a little younger. Pero hindi gusto ni Eva yun. Ang nais nito ay mag-focus siya sa kung ano man ang itinuturo nito. At ng mga tutor na dumadayo pa na taon-taong napapalitan at puro mga babae. Kaya naman ang kung anumang gamit niya sa pagpipinta ay kinolektang lahat Eva. She only have one booklet of clear papers and a pencil now na nagawa niyang maipuslit dahil nakatago yun sa ilalim ng kama. Maya-maya din lang ay busy na ang kamay niyang gumuguhit. Mga linya lamang noong una, hanggang sa nagkaroon ng maayos na outline at nabuo ang isang mukha. May ngiti sa labing tinitigan ang sariling obra. Pero ilang sandali lang ay biglang natigilan. Mula kung saan ay bigla nalang lumitaw sa isip ang mukha ng lalaking laging tinatanaw sa ibaba. Curious siya kung ano na ang nangyari dito. Kung babalik pa ba ito. That one short conversation they had, kahit papaano ay nagpapabagabag sa kanya. Ano kaya ang tono ng boses nito? curious na tanong ng isipan.  Nahiling niya na sana ay kasing-lamyos iyun ng lalaking napanood niya minsan sa isang english movie na ipinapanood sa kanya ni Eva. Dahil doon ay lalong gusto itong makita ng mas malapitan. Pero mukhang imposible na iyun. Pilit niyang inalis sa isipan agg tungkol dito pati na ang lungkot na naramdaman sa puso. Wala ng magiging silbi kung iisipin pa ang tungkol rito dahil mukhang hindi na ito magbabalik pa. Ipinagpatuloy niya ang pagbibigay pa ng detalye sa  ginagawa. Hindi niya namalayan ang pag-andar ng oras. Madaling-araw na nang mapagpasyahan niyang humiga. Nakasanayan niyang matulog ng madilim kaya hindi siya kailanman nangamba sa paligid pagkapatay ng lampshade hindi kalayuan sa ulunan. Ilang minuto palang mula sa pagkakapikit ay bigla siyang nakaramdam ng pagkaluskos. Fully-airconditioned ang buong kwarto kaya natitiyak niyang hindi tunog ng hangin ang narinig. Inaagaw na ng sobrang antok dahil malalim na ang gabi at pagkabahala sa sariling balintataw si Shinna kay inalis sa isipan ang anumang nagpapakabagabag.  Imposibleng may makapasok doon dahil mahigpit ang mga taga-bantay niya sa labas at nagtitiyak na hinding-hindi papasok ang mga ito. Yung pakiramdam na parang may nagmamasid sa kanya mula sa kadiliman ay ganuon ang naramdaman ni Shinna. Awtomatikong dumilat ang mga mata niya at sinanay sa madilim na kapaligiran. Pinakiramdaman ang paligid bago kumilos. Bigla siyang napabalikwas ng bangon nang makita ang isang bulto ng malaking tao na nakatayo sa may paanan ng kama. "S-Sino ka?" Tanong niya at napasiksik sa sulok ng king-sized bed na kinahihigaan, kipkip ang comforter hanggang sa baba ng leeg. Nakasuot siya ng ternong pajama at shirt bilang pantulog pero pakiramdaman niya ay parang wala siyang suot dahil sa nagisnan. Pinanlamigan siya ng buong katawan.  Napatitig siya rito sa nanlalaking mata. Total black out ang kurtina sa bintana at ang tanging tanglaw sa buong kwarto ay ang malalamlam na ilaw na nanggagaling sa extension para sa lampshade. Kaya naman halos bulto lang ang naaninag niya. Gusto niyang abutin ang lampshade at isindi iyun. Pero hindi niya magawang igalaw ang sariling katawan. Ang totoo ay wala siyang lakas isindi iyun dahil natatakot siyang mapagsino ito. Hindi matiyak kung sino ang pangahas. Pero hindi niya maipagkakamali ang bultong iyun ng isang lalaki. "Bakit ka natatakot?" Nanunuyong tanong ng lalaki. Lalong nagsumiksik si Shinna nang maupo ito sa may paanan ng kama. Hindi siya maaaring magkamali. Narinig na niya ang boses na naghatid ng kilabot sa kanyan nang tuluyang mapagtanto na ito rin ang lalaki sa kabilang salamin noong bakaraan. "I-Ikaw?" Halos hindi lumabas ang tinig sa sariling lalamunan. She was literally holding her own breath. Sa kabila ng lamig ng aircondition ay nagsimulang pagpawisan ang mga kamay niya. No, she was shaking in fear! "Huwag kang matakot. Hindi kita sasaktan!" Tumaas ang kamay nito at sinubukang umabot sa kanya. "H-Huwag k-kang l-la-lalapit!" Halos hindi lumabas  sa bibig ang bawat kataga. Sindak siya sa pagkakatitig rito. "Don't be afraid. You will be mine in one way or another anyways." Malakas siyang napasinghap. Sa sobrang takot ay napatayo siya at tinakbo ang banyo. Hindi alintana ang muntikan ng pagkakasubsob. Ipinagpasalamat na kahit papano ay kabisado ang sariling kwarto kung hindi ay baka naabot na siya ng lalaki. Pagdating sa loob ay kinandado niya agad ang pintuan. Hindi pa nakuntento ay hinawakan ang seradura at tiniyak na hindi makakapasok ang nasa kabilang pinto. Shinna didn't even bother to open the lights. Ikinatakot na baka kapag binitawan niya ang seradura ay bigla nalang yung bubukas. Unconsciously, tears started to flow from her eyes because of fear. Walang emosyon pero kusang namalibis ang likido sa kanyang pisngi na nagmumula sa magkabilang-mata. Hindi alam kung ano ang tawag sa nararamdaman. Basta ang alam lang niya ay kapareho iyun sa tuwing nanonood siya ng palabas kung saan malapit na iyung matapos. Kung saan ang bida ay parang hinahabol na ng kamatayan at nakikipag-unahan ito rito. Napahikbi siya nang maramdaman ang paggalaw ng seradura. Senyales na may nagtatangkang magbukas sa kabilang panig. "P-Please " Mahinang pakiusap niya. Hinawakan ng dalawang kamay ang hawak. Mahigpit. "Eva!" She called out for help kahit alam niyang wala naman doon ang babae. Lalo pa siyang nilalamon ng sobrang takot dahil sa kadiliman ng  kinaroroonan. Wala siyang ibang matawag kundi ang babae na siguradong nasa bahay na ngayon pero paulit-ulit niya iyung ginawa. She's helpless and terrified! At ito lang ang literal na pwedeng nakatulong sa kanya. Ilang sandali lang ay kusang huminto ang paggalaw ng hinahawakan. Sa kabila nun ay ni hindi kumalma ang dibdib niya sa sobrang pagkabog.Hindi siya pwede makaramdam ng panghihina kahit ang totoo ay mukhang doon din ang bagsak niya.  Kailan pa nag-umpisang pumasok ang lalaking yun sa loob mismo ng kwarto niya at pinapanood siyang matulog. Ang ganoong kaisipan ay nagdala ng sobra-sobrang takot sa kanya. Lalong umigting ang kagustuhang makalabas na sa lugar na iyon.Kahit na lumipas ang mahabang sandali ay hindi pa rin lumabas doon ang dalaga.Nakahawak parin ang kamay niya sa seradura ng pintuan. Nang makaramdam ng sobrang antok at panghihina ay unti-unti siyang napadausdos sa sahig at hindi namalayang nakatulog doon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD