William VII: Her Abductor

1611 Words
As the days passed, Shinna had waited for the stranger man to come back. Isang lingo, and another more days. Hanggang sa parang nawalan na siya ng pag-asang makikita pa itong muli. Ang pumalit na nagbabantay sa tuwinang kinapupwestuhan nito ay ni hindi tumitingala sa kinaroroonan niya. She's very much willing to start to lure whoever is available. Iba ang kabang nararamdaman sa mga pinaggagagawa ni Eva lately. Inihahanda siya nito sa nalalapit niyang paglabas. At ang sinasabi nitong makikilala na niya ang taong nagbibigay sa kanya ng mga regalo ay naghahatid sa kanya ng hindi mapakaling pakiramdam. For some reason, she is getting scared and uneasy. Hindi pa rin kasi maalis sa isipan niya ang salitang aanihin na siya. And she doesn't really like the term. She may be innocent when it comes to a lot of things. Lalo na sa mga bagay-bagay sa labas ng kwartong pinagkulungan sa kanya. Pero hindi siya tanga. May gustong patunayan si Eva sa mga ipinapanood nito sa kanya. Lately, she is watching numerous movies kung saan na-inlove ang bidang babae sa abductor nito. Some fell in love with older men. Lalo na sa mga documentaries na lately ay siyang ipinapanood nito sa kanya. Isang araw ay bigla itong hangos na dumating at hindi mag-kandaugagagang ayusan siya. Pinili ang pinakamagandang damit na sa tingin nito ay babagay sa kanya.Sa unang pagkakataon ay inayusan din nito ang kanyang buhok. Nanatili siyang nakatitig dito sa salamin habang sinusuklay ng babae ang mahaba niyang buhok. At saka inilagay ang isang swarovski krystal hairpin. Naroon ang pagnanais na sana ay totoo sa puso ang ginagawa nito. She still wanted to get closer to her. "You are so pretty, Shinna." Maya-maya'y hindi napigilang bulalas nito. Nginitian niya ang repleksyon nila sa salamin. She was pleased. Though hindi matiyak kung pagka-inggit ba ang nakikita sa mga mata nito. But how? Tulad ng laging komento rito, she is gorgeous.  "Thank you, Eva." Napansin niya ang biglaang pag-iwas ng mga mata nito sa kanya. At ikinalungkot iyon ng labis ni Shinna. Maya-maya lang ay sinabihan siya nitong magtungo sa clubbyhole. Pero bago siya pumasok ay pinigilan siya nito. Hinuli nito ang mga mata niya. Napansin ni Shinna ang sobrang tensyon nito hindi lang sa reaksyon ng mukha kundi maging ang panlalamig ng mga palad nitong nakahawak sa kanya. "Makinig ka sa akin Shinna." Pinadaanan ng dila ang labi nito upang basain. "Kahit anong mangyari ay huwag na huwag kang magwawala sa loob naiintindihan mo ba." Mahigpit nitong bilhin. She nodded confusingly kahit na nga ba hindi niya naintindihan ang ibig nitong sabihin. "Papasok ka diyan at may kikitain ka. Hindi siya masamang tao. Tandaan mong puro kapakanan mo lang ang gusto niyang isipin." "Pwede ko bang tanungin kung sino siya?" Napansin niya ang bahagyang pagkatigagal nito. At nahiling na sana ay hindi siya pagalitan. "Pwede mo siyang tanungin mamaya," sagot nito. There was a full tension registered on her beautiful face. Nagpatuloy ito. "Huwag kang matatakot sa kanya. Isa siyang mabuting tao. Hindi lang ikaw ang natulungan niya kundi pati ako at mga ibang tauhan niya. Hindi lang tayo kundi marami pang iba sa labas ang nakikinabang sa perang ipinamimigay niya." "Bakit hindi mo ko samahan kung ganun. Bakit ako lang ang kailangang humarap sa kanya?" Malungkot itong umiling. "It's time for you to face it alone. Malapit ka nang makalabas sa lugar na ito." Napakurap siya sa narinig na sinabi nito. She wanted to ask more pero pinagtabuyan siya nito.  Ilang sandali lang ay muli siyang pumasok sa kwartong sa tuwina ay pinagpapasukan sa kanya ng tagapag-bantay. Laking gulat nang imbes na sa nakasanayang salamin ang datnan ay isang malaking tila hologram ang naroon. At dahil nga inosente si Shinna sa mga ganoong mga bagay ay awtomatikong humakbang ang mga paa niya at nilapitan iyun. Na-amazed sa pag-ikot ng tila kaleidoscope na iba't ibang kulay. Parang pinaglalaruan nun ang mga mata niya. Unconsciously ay awtomatikong tumaas ang kamay niya at sinabukang hawakan yun. Nang bigla nalang nawala ang tinitignan. At nasindak siya nang makita ang isang lalaking nakatayo sa kabilang salamin. Titig na titig ito sa kanya. He's way way older than her. Mas tamang isipin na tatay niya ito. On his fifties maybe. Hindi matiyak ni Shinna. Pero isa lang ang nasisigurado niya. Hindi niya gusto ang kislap na naglalaro sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Na parang matagal na siya nitong tinititigan,  binabantayan. At tila naghihintay ng tamang oras para sakmalin siya. Napaatras siya nang humawak ang kamay ng lalaki sa salamin. Nabura ang kaninang ngiting nakapaskil sa labi at pumormal. Alam niyang hindi siya nito maabot pero bigla siyang ginapangan ng sobrang takot at pagkabahala. "Shinna." Umalingawngaw ang boses nito sa buong silid. She doesn't like it. Parang may gumapang na kilabot sa buong katawan niya dahil sa timbre ng boses nito. Hindi niya matiyak kung dahil ba ito ang unang lalaking nakausap sa loob ng mahabang panahon.Pero hindi niya gusto ang boses nito. Hindi niya ito gusto at all! Nararamdaman niya sa puso ang sobrang takot habang nakaharap dito. She even wanted to ran back to Eva. Pero hindi nga ba't ito ang matagal na niyang hinihintay. Ang makaharap ang taong nagkulong sa kanya sa lugar na iyon. Mariin siyang napalunok at pinilit ang sariling huwag makaramdam ng anumang takot. "S-Sino ka?" Buong tapang niyang tanong. The man gave her a friendly smile. "Hindi mo kailangang matakot." Naramdaman niya ang pagtaas ng balahibo niya sa batok na gumapang sa buong katawan niya. "Isa akong kaibigan." Pagpapatuloy nito. "Ikaw ba ang nakulong sa akin dito?"  Tumaas-baba ang dibdib sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso. Pero hindi niya ipinahalata sa kaharap. "Bakit mo ako kinulong dito? Ano ang naging kasalanan ko sayo?" Sunod-sunod niyang katanungan. "Iyon ba ang sinabi ni Eva sayo?" Tanong nito sa kalmadong tinig pero nasa mata ang pagkabalasik. Pwede siyang sumagot ng oo. Pero natakot siyang baka ikapapahamak ni Eva yun. At hindi niya gustong mangyari yun sa babae regardless of the woman's cold treatment towards her sometimes. Besides, hindi ang babae ang may kasalanan kung bakit naroon siya. Sa tuwina ay nararamdaman niyang hindi gusto ng babae ang pagpaparoon. Ang taong nasa harapan niya ang siyang may sala sa pagkakakulong niya ng matagal na panahon sa kinaroroonan. "Kabaligtaran yan ng sinabi niya sa akin. Pero hindi ako tanga para hindi ko maramdaman. Ikaw ang taong nagpapadala sa akin ng mga regalo hindi ba?" Tumalim ang mata sa pagkakatitig rito.  "Bakit mo ginagawa ang lahat ng to? Bakit mo pilit ipinapakitang mabuti kang tao samantalang ikinulong mo ako dito nang matagal na panahon." Nahalinhan ng lungkot ang mata ng kaharap sa binitiwan niyang salita. "Hindi kita ikinulong Shinna. Prinotektahan kita mula sa mga masasamang tao. Hindi ko gustong sabihin sayo ang mga ginawa ko para lamang panatilihing ligtas ka. Pero ikinalulungkot kong marinig ang mga ganyang paratang mo sa akin." Bumuway ang masakit na pagkakatitig niya rito. Totoo ba ang nakikita niyang lungkot sa mga mata nito dahil sa naging paratang niya? Nagpatuloy ito. "Sa kabila ng mga ginawa ko para sayo ay ganyan pa rin ang tingin mo sa akin. I have sheltered you, protected you. And even gave you material things that money can buy. Hindi rin ako nagkulang sa pagpapadala ng tutor para sayo. Para kahit papano, kahit hindi ka makapunta sa eskwelahan ay makasunod ka sa mga kaedad mo. Am I still that bad person to you, Shinna?" Mariin niyang naipinid ang sariling labi. Wala siyang maapuhap na salitang maibabato rito dahil may punto ito. Bukod sa pagkukulong doon sa kanya ay halos ibigay nito ang lahat. "At anong kapalit ng mga ginawa mo?" Napigil niya ang paghinga habang hinihintay ang sagot nito.  He made a blinding smile. "Wala akong hihilinging anumang kapalit." Nagulat siya pero nagpatuloy ito. "Malapit ng dumating ang tamang sandali para lumabas ka sa kinaroroonan mo. Sa tingin ko ay handa ka nang harapin ang hamon ng buhay." Mariin siyang napalunok. Hindi siya kumbinsido sa sinabi nito for some reason. She's starting to hate that mysterious twinkling of his eyes. "Hindi ako naniniwalang walang kapalit ang mga ginawa mo. Kahit ang pinakamabait na tao ay handang gumawa ng masama makuha lang ang gusto nito." "Saan mo natutunan yan?" Lumikot ang mata niya. "Si Eva ba ang nagsabi niyan?" "No!" Agad niyang tanggi. "N-Napanood ko lang sa isang palabas. You ordered her to make me watch movies and documentaries. Lahat yun ay may iisang tema." Kumislap ang mata nitong nakamasid sa kanya. "You are really smart Shinna. Nagawa mong pag-tatagniin ang mga palabas na ipinanood ni Eva sayo. Ngayong ipinakita mo ang pagiging matalino ay labis kong ikinatutuwa iyun. Sa lalong madaling panahon ay ilalabas kita diyan. At malalaman mo ang dahilan kung bakit ka nanatili diyan sa matagal na panahon." Pinasadahan nito ang kabuuan niya. "You impressed me. Hindi lang sa panlabas na anyo mo. But you are clever and very smart woman. I will make use of that bilang kapalit ng pagpapalaki ko sayo." Isang ngiti ang pinakawalan nito. "Sa ngayon ay ipagpatuloy mo ang mga pag-aaral na ginagawa mo. In a few weeks time ay lalabas ka diyan. Ipinapangako ko sa iyo. At magugustuhan mo ang buhay sa labas." Pagkasabi nun ay bigla na lang bumalik sa normal ang salamin. Nakita niya ang sariling repleksyon doon. Her entire face was all red. Ganoon din ang leeg. Pati na ang mga kamay ay mariing nakakuyom. She knew that the man was still on the other side kaya siya nanatiling nakatitig doon. Now she knew who her abductor is. The next thing she has to do is know his reason for putting her there. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD