William IV: Taught

2080 Words
Shinna stared at the scene that is currently playing on the laptop. Kasalukuyang nakasalang ang isang video doon kung saan naka-focus ang mukha ng isang babae at isang lalaki habang magkalapat ang labi ng mga ito. "That is what you called kissing." Paliwanag ni Eva. Isang masunuring tango ang pinakawalan niya at halos hindi alisin ang pagkakatutok ng mata sa monitor. Kinakabisado ang ginagawa ng mga pinapanood tulad ng utos ni Eva. Ang banayad na pagkikiskisan ng bibig ng babae at lalaki.  Ang sabi nito ay wala siyang klase nang araw na yun at sa halip ay isinalang nito ang isang video at sinabing manonood sila ng palabas. She called it a romantic movie. Bukod sa video ng mga e-learnings at libro na tungkol sa business ay wala siyang alam tungkol sa sinasabi ng babae na romance.  Kissing, ulit niya sa utak. Yun pala ang tawag sa ginagawa ni Eva at ang lalaking lagi niyang nasisilip mula sa kwarto. Kissing. She kept the term in her mind.  "Why am I watching this?" Curious na tanong sa katabi. Sandaling iniwan ng mata ang monitor at nilinga ito. Halatang nagulat ang babae pero agad ring nakabawi.  "You should know all the things now, Shinna. You're turning twenty soon. Dapat ay malaman mo na ang lahat ng bagay sa mundo." "And it includes this?" Muling ibinalik ang mata sa screen ng laptop. Bukod sa paghahalikan ng dalawang tao sa video ay nag-uumpisa na ring maglikot ang kamay ng bawat isa. Ang sa babae ay nasa leeg ng lalaki. At ganun rin ang lalaki rito.  No! Mas malala pa dahil hindi iyun pumirmi sa isang parte ng katawan ng kapareha. Halos hindi kumurap ang mga mata niya sa pinapanood.  "Will I be able to do the same thing?" Wala sa sariling biglang tanong. Hindi na napansin ang isang emosyong dumaan sa mukha ni Eva.  "You might! In the right time." Blanko ang mukhang nilingang muli ito. She pictured the woman in front doing the same thing with the stranger man! "Do you usually do it with anyone?" Nanlaki ang mata nito. "No!" Mariing tanggi nito. "You only do it with the man you love. Your partner, husband in particular. Pwede rin sa boyfriend." Natatarantang paliwanag nito. "Do you love your husband?" Muling tanong rito na muling ikinagulat ng kaharap. "Bakit mo ako tinatanong ng ganyan Shinna?" Nilangkapan ng galit ang tinig pero kapansin-pansin ang pag-ilap ng mga mata nito. "Of course I do, he is my husband." Love! She already explained it to her before. Nang unang tanungin niya ang babae kung bakit ito nagpakasal, kung ano ba ang kasal. Few of the thousand questions she has for her. Ang ilan sa marami pang katanungang laging nauuwi na lang sa mas marami pang katanungan. "Do you fall in love with two men at the same time?" Pinamulahan ito ng mukha. "Hindi ko alam kung saan mo nakukuha ang mga ganyang katanungan. But you only fall in love with only one man!"  She nodded. Gusto niyang itanong kung mahal din ba nito ang lalaking sa tuwina ay nahuhuli niyang lihim na katagpo nito. Kung sino ang mas mahal nito, ang asawa ba o ang lalaking iyun na kahawig ng lagi niyang lihim na tinatanaw. Pero hindi niya gustong magbago ang pakikitungo nito sa kanya. "How does it feel to fall in love Eva? Is everyone allowed to feel that? Am I allowed to fall in love too?" Habang sinasabi ang mga kataga ay nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na damdamin. Sa isip ay biglang pumasok ang lalaking lihim na tinatanaw sa ibaba tuwing gabi.  Nakita niyang nilapitan nito ang laptop at pinause ang video. "Andami mong tanong!" Pagtataray nito. "Bakit hindi mo na lang panoorin at ilagay sa isipan mo kung ano man ang mga impormasyon pwede mong ilagay diyan." Malungkot siyang nagbaba ng mukha. "Are you getting tired of my questions?" Mariing naipinid ang labi. She doesn't want her to turn moody all of a sudden. Pero anong magagawa niya kung marami siyang katanungan. It is all new to her. Sa unang pagkakataon ay nilalagyan siya ng mga impormasyong hindi tungkol sa mga business at algorithms. At interesado siyang alamin ang tungkol doon. Gusto niya ring maranasan yun. It looked exciting. Tulad ng nakikita niyang reaksyon ng babaeng nasa palabas.  "You don't have to feel bad everytime na magagalit ako sayo." Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng babae nang marealized marahil ang naging treatment nito sa kanya. "Sampung taon na kitang binabantayan. Tinuturuan. Pero pakiramdam ko ay walang katapusan ang pagtuturo ko sayo." "Mahirap ba akong turuan Eva?" She asked innocently. Nag-angat ng mukha at tumingin sa babae. Samantala si Eva ay nag-iwas ng mukha. May mga ganuong pagkakataon na naaawa ito kay Shinna. Matalino ang bata. Sa ibang sitwasyon ay mahihirapan ang sinuman lalo at home study ang ginagawa rito. Pero napakadali kay Shina na aralin ang lahat. Kung sana ay maagang ipinamulat ni Don Alvarez dito ang mga ganoong bagay, di hindi sana sila naghahabol ngayon. Hindi dapat mahihirapan ng ganuon ang alaga. Hindi tulad ng sitwasyon ngayon na parang nabigla ito. Pakiramdam tuloy ni Eva ay  parang balik sila ni Shinna sa zero. Hindi maintindihan ng babae ang dahilan ng matanda gayung kung ang balak nito ay gawing babae ang kaharap ay pwede naman nitong ituro ang mga ganuong ka-simpleng bagay kapag ibinahay na ito. "You are a fast learner honestly speaking. Pero minsan ay nakakainis ang mga tanong mo. Walang preno." Prangkang saad ni Eva sa dalaga. "Hindi ba dapat ako magtanong?" Patuloy na pagtatanong ni Shinna. Unaware na lalong kinaiinis ng babaeng kasama ay ang pagiging inosente. "Gusto kong sabihin oo." Lumikot ang eyeballs nito. "You're just innocently annoying, Shinna!" Pinagdiinan ng babae ang huling sinabi. Shinna took a deep sigh. Napansin  ang pagtaas baba ng dibdib ng katabi. It looked like she wanted to say something more pero hindi maituloy-tuloy. "It's okay." She smiled. Kahit na walang makuhang tugon mula rito. Regardless of her reason for staying, sa inosenteng isip, kahit papaano ay ipinagpasalamat nalang ang pagpaparoon nito. Eva most of the time is impatient. Pero magka-gayunman ay nararamdaman pa rin niyang may care ito sa kanya kahit kaunti man lang. Ang mga sympathetic look na ipinupukol nito sa kanya at ang pag-aasikaso nito sa mga kailangan niya.  Inalis niya ang mata rito at ibinalik sa screen ng laptop. Hindi niya ito sinabihan na ipagpatuloy na ang palabas. Nanatili lang siyang nakatitig sa screen at hinintay kung ano ang gagawin ng katabi. Narinig niya ang paghugot nito ng malalim na paghinga pero hindi siya nagtangkang lumingon. "I am feeding you with so much information. Pero hindi mo kailangang pilitin ang sarili mong alamin ang lahat ng sabay-sabay. This is just an introduction to the reality outside. Paglabas mo sa kwartong ito ay makikita mo talaga kung ano ba talaga ang nangyayari." That's when she looked at her. Matagal. Matiim. Ang mga mata niya ay nagtatanong rito. "L-Lalabas naba ako?" Humigpit ang pagkakasalikop ng mga kamay niyang nasa ibabaw ng kandungan. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Sa unang pagkakataon ay binanggit ni Eva ang tungkol sa labas. Binalot siya ng pinagsamang takot, excitement at kung ano-ano pang damdaming pwedeng maramdaman ng isang taong nakulong ng mahabang panahon sa isang lugar. Hindi niya namalayan ang pagtaas ng isang kamay at napahawak sa tapat ng dibdib. That unfamiliar erratic beating of her heart comes rushing to her. "Hindi mo ako sinasagot Eva." Dumukwang siya palapit rito. Her expecting eyes on her. "L-Lalabas naba ako!" Doon lang parang na-realized ng babae ang binitawan nitong salita. "Wala akong sinasabing ganyan." Sabay iwas ng mata. Ang sa akin lang ay kung sakaling makalabas ka dito, at least ay meron kang muwang." Pinagmasdan niya ang buong reaksyon ng babae. Ang kamay nitong parang biglang na-tensyon. Pati na ang bahagyang paglabas ng ugat nito sa leeg. Ang mga ganung kaliit na detalye ay kabisadong-kabisado na niya dito. "Tanggalin mo ang atensyon mo sa akin Shinna!" Bahagya itong yumuko at muling pinaandar ang video. Sandali siyang nanatiling nakamasid rito hanggang sa siya din lang ang bumalik sa kinauupuan. Hindi na siya nangulit at muling binalik ang mga atensyon sa pinapanood.  Halos maubos ang buong maghapon sa ginagawa nila. Movie after movie. At pagkatapos ay tatanungin siya pagkatapos ng isang palabas.Tulad ngayon. "What do you think of the movie?" Untag nito sa kanya. Nilinga niya ito at bahagyang ipinilig ang ulo. Tumaas ang isang kamay at humawak sa tapat ng dibdib. "It hurts. Parang gustong lumabas ng puso ko mula sa dibdib ko." She gave her that confusing look. Hindi na binanggit na parang may kung ano sa loob ng tiyan lalo na sa parte kung saan hinabol ng lalaki ang babae at may sinabi ito dito. Something like gusto itong makasama habang-buhay. Parang matutunaw ang puso niya sa eksenang iyun. Isang ngiti ang pinakawalan nito. "That's good to hear. Ibig sabihin ay hindi naapektuhan ng pagkakakulong mo dito ang puso mo." "Ang puso ko?" Inosenteng tanong niya. Somehow pleased na hindi nagagalit ito sa kanya.  "Yes, your heart. Normal yang nararamdam mo." Nasa mukha nito ang satisfactiom.  "I-Is it necessary?" Maya-maya'y tanong niya. "Hindi ko to dati ginagawa hindi ba? Ang sabi mo ay kailangan kong magaral at matutunan ang lahat sa lalong madaling panahon. But it doesn't include these things." Doon sumimangot ang babae. "Here is the annoying part of you?" Pagtataray nito. Somehow, nakakaramdam siya ng literal na paninikip ng dibdib sa tuwing tatarayan siya nito. Yung pakiramdam na parang hindi enough ang level ng understanding niya. Na sobrang nadi-disapppoint ito sa kakayahan. "I shouldn't ask." Sinabi ang salita na parang nire-remind ang sarili. "May klase pa ba ako?" "Manonood kapa ng isang palabas. And this time, kailangan mong mag-concentrate." Paalala nito bago magkikibit ang daliri sa laptop. Ilang sandali pa ay sumalang ang isa pang palabas. Vanilla sky, ayun sa title. "What's the vanilla sky?" Hindi niya napigilang tanong. Paanong nagsama ang isang lugar na tinatawag nilang langit at isang uri ng ingredients for baking. Imbes na sagutin ang tinanong niya ay hindi umimik si Eva at prenteng naupo sa dulo ng sofang kinauupuan nila. So poised and regal, tulad ng madalas ay sinasabi nitong gawin niya. Hanggang sa mag-umpisa ang palabas. Hindi niya napigilang ipinilig ang ulo nang bumungad ang mukha ng isang  lalaki. A dreamy look in his eyes na lalong lumulutang kapag ngumingiti ito.  Hindi napapansin ni Shinna ang pagkakapigil ng paghinga sa tuwing mapo-pokus ang mukha nito sa screen pati na ang pagtahip ng dibdib.Hindi rin napansin ang katabi na matiim siyang pinagmamasdan. Inilalagay sa isipan ang bawat reaksyong lumabas sa mukha ng dalaga. Sinubukan niyang manahimik habang nanonood. Kakaiba sa mga  romantic movies na ipinakita sa kanya ni Eva kanina ang pinapanood niya ngayon. Sari-saring emosyon ang nararamdaman habang nakapokus ang utak sa takbo ng kwento. Pero may isang particular na eksena na hindi niya napigilan ang sarili. "Anong ginagawa nila?" Nasa kama ang isang babaeng nakaimbabaw sa isang lalaking. Parehong walang mga kasuotan bukod sa kumot na nakatakip hanggang sa bewang ng babae. "Anong nararamdaman mo?" Tanong nito imbes na sagutin ang tanong niya. Inalis niya ang mata sa screen ng pinapanood at nilinga ito. "May dapat ba akong maramdaman?" Gusto niyang malaman ang tungkol doon dahil ganun din mismo ang nakita niyang ginagawa ni Eva sa tuwing nasisilip niya ito kasama ang lagi nitong katagpong alaki.  At talaga namang naku-curious siya. "You should at least feel something." May bahid ng pagkamanghang bulalas nito na napaangat pa sa kinauupuan. Shocked registered on her regal face. Ibinalik niya ang mata sa pinapanood. Naroong napapa-pikit ang mata ng dalawang nasa screen na parang nahihirapan. At ang parehong tila pag-ungol ng mga ito habang gumagalaw ang mga ito sa ilalim ng kumot.They both looked enjoying but in pain at the same time. "Abnormal ba ako dahil wala akong nararamdaman." Bulong niya. "W-Wala ka talagang nararamdaman kahit na ano?" Ulit nito. Isang pag-iling ang pinakawalan niya. Naku-curious siya sa kung ano ang ginagawa ng dalawang tao sa loob ng screen. Pero dapat ba ay may maramdaman siya? Muli ay nakaramdam ng insekyuridad si Shinna. Nalungkot at nagyuko ng ulo. Pinaglaruan ang pagkakasalikop ng mga palad sa ibabaw ng kandungan senyales ng pag-atake ng anxiety.  Sa kabila ng tinuruan na siya ng sampung taon ay marami parin siyang hindi alam. At gusto niyang matutunan yun lahat. Pero paano niya gagawin iyun gayung sa tuwing magtatanong siya ay hindi yun gusto ni Eva. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD