William V: Savage

1690 Words
Kinagabihan, pagkatapos siyang muling ibabad ni Eva sa gatas ay pinagsuot siya nito ng roba at pinalabas ng banyo. Hindi tulad ng usual na rutina na diretsong magbibihis ay pinaupo siya sa couch. Sandaling lumabas ng kwarto, pagbalik ay may bitbit na itong isang malaking kahon. "May sorpresa ako sayo."  Naupo ito sa tabi niya.  Hindi siya umimik pero sinipat ang pahabang kahon na may malaking ribbon sa ibabaw na nakabalot rito. "Ano yan?" Curious niyang tanong.  Wala namang mahalagang okasyon. Sa tuwina'y may inaabot  itong mangilan-ngilang regalo na sa bandang huli ay sinasabi nitong hindi galing dito. Madalas ay ang tinatawag na pasko, bagong taon, valentine's day, o kaya'y ang araw ng kapanganakan.  "May isang taong gustong magpabigay nito sayo. Gusto mo bang ikaw ang magbukas? Mabuti pa ay ikaw na nga." Ipinatong nito sa kandungan niya ang hawak. "Buksan mo na." Tumalima siya. Hindi nais maalis ang excitement na nakikita sa mukha nito. Very unusal ang mood nito ngayon samantalang tandang-tanda niyang basta nalang inaabot ang mga ganuong regalo at wala itong pakialam kung buksan man niya o hindi. Kaya madalas ay itinatago nalang dahil wala siyang interes sa taong nagbigay nun. For sure naman kasi ay ang taong nagkulong sa kanya doon ang nagbigay nun. Pag-angat ng takip ng kahon ay bumungad sa kanya ang iba't ibang klase ng tela ng damit. Isa-isa niyang iniladlad yun. Mayroong isang set ng itim na silk na pantulog. Ganoon ding kulay ng short at spaghetti strap at isang parang bistida pero maipis.  "Alam mo ba kung magkano yan?" Curious ang mata ni Shinna na bumaling rito. "Mamahaling brand yan at hindi lahat ng tao ay kayang bumili maski kapiranggot ng tela ng mga yan.” Nasa tinig nito ang pagmamalaki.  Wala sa loob na pinasadahan ng kamay ang malambot na tela at tinignan ang tag.  Versace. Hindi pa niya iyon naririnig kahit kailan. Kadalasang sinusuot ay mga pink pajamas na may tatak na victoria’s secret na dinadala lang basta ni Eva kapag napanisin nitong nakakalakihan na ang kasalukuyang gamit. “Pero wala naman itong pagkakaiba sa mga sinusuot ko hindi ba?" Opinyon niya.  Literal na namilog ang mata ng babae. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko! Mamahalin ito." At sinabi nito sa kanya ang mismong presyon ng isang set. Hindi siya particular sa pera dahil hindi naman niya kabisado yun. Bukod sa mga ipinapakita sa kanya ng history teacher at mga pagkakaiba ng currency ng bawat bansa ay hindi alam ang mismong halaga ng bawat sentimo lalo na sa peso. Anong halaga ng bawat naturang currency kung hindi niya alam ang literal na value nun sa market. Kahit pa sabihin nitong halos umabot sa isang daang libo ang katumbas ng presyo ng isang hawak niya ay hindi siya mai-impress. "Sino ang nagbigay nito? Wala namang espesyal na okasyon ngayon.”  "Hindi mo ba nagustuhan?"  Nagkibit-balikat siya.  Sumimangot ito. “Huwag mong ugaliing hindi ka marunong mag-appreciate ng mga regalong natatanggap mo. Hindi lahat ng tao ay reregaluhan ng mga ganitong bagay." Pangangaral nito.  “Hindi naman sa ganoon Eva. Pero tulad ng sinabi ko ay katulad din ito ng mga ibinibigay mo sa akin. Kung sasabihin mo na galing sayo to ay baka natuwa pa ako." Pilit niyang hinuli ang mata nito.  Sa tuwing may bitbit itong para sa kanya ay madalas niyang tanungin kung galing iyun mismo rito.  Gusto niyang makatanggap ng regalo na galing mismo sa babae. Yung bukal sa kalooban nito.  "Huwag kang umasang bibigyan kita ng kahit ano. Ang sinasahod ko sa pagtuturo at pag aalaga sayo ay sapat lang para sa ikabubuhay naming mag-asawa."  "Bakit wala bang trabaho ang asawa mo?" Lalong sumama ang timpla ng mukha nito. "Hindi mo kailangang isipin kung may trabaho ba ang asawa ko o wala!” Parang may asido ang tinig nito sa sinabi. “Pakinggan mo kung ano ang mga habilin ko. Magpasalamat ka nalang at nararanasan mo ang mga ganito. Mula sa araw na ito ay sunod-sunod na ang mga ganyang matatangap mo." Tumayo ito sa kinauupuan at naglakad papunta sa kinalalagyan ng bag sa may tokador. Nasundan ng mata ang balakang nitong umiindayog kapag naglalakad. Hindi niya alam kung anong term ang tawag doon. Pero gusto niya ang katawan ng babae. Parang siguradong-sigurado ito sa sarili. Pagbalik nito sa kinauupuan ay may hawak na itong isang papel. Inabot iyon sa kanya. Pinasadahan ni Shinna ng mabilis na tingin ang nakasulat doon.  "Mga mamahalin brand yan sa buong mundo. Gusto kong kabisaduhin mo ang mga palangan na yan. I-pamilyar mo ang sarili mo. At ayokong marinig ang kahit na anong katanungan kung bakit. Basta gawin mo ang sinasabi ko.  Para rin sayo yun." Mahabang litanya nito.  Isa masunuring tango ang pinakawalan.  Mabilis na pinasadahan ng mata ang mga nakasulat. Karl Lagerfield. Louis Vuitton. Gucci... "Sino ang mga taong ito?"  "Ang mga nakasulat diyan ay  mga mamahaling brand ang kung ano-anong items. Ang ilang mga pangalan diyan ay ang mga taong nag-established ng mga kompanyang nagpo-produced ng mga produkto na yan.  "Versace?" excited niyang bulalas nang makita ang pamilyar na pangalan na nakalagay sa tinanggap na damit. "This is versace!”  "Hindi ba't sinabi kong mamahalin ang brand ng tinanggap mong regalo. Hindi mo ako gustong paniwalaan?”  Nabura ang pagkaka-ngiti sa labi. "H-Hindi naman sa ganun Eva...” "O siya magbihis kana at ako'y gagayak na. Inuulit ko, huwag kang magpupuyat. Bukas, pagdating ko ay gusto kong nakahanda ka na. Huwag mo na akong hintayin para sabihan kang maligo at magbihis. Hindi habang-buhay ay nasa tabi mo ako para sabihan kang gawin ang mga bagay na yan." Muli, isang masunuring tango ang ibinigay niya. Tumayo na ito. "Ayusin mo ang mga yan. Ikaw ang bahalang gumawa. Gusto mo bang iwan ko ang kahon na ito?" "Ano ang gagawin ko diyan?" Pilosopong tanong niya. "Ikaw, kung anong gusto mo gawin ay bahala ka. "Sinabi ko na sayong regalo ito mula sa isang napahahalagang tao. Ang iba ay itinatago ang mga ganitong bagay for remembrance.” "Wala na akong space sa kwarto ko para itago pa yan Eva. Kung gusto mo ay bitbitin mo nalang palabas." Pinanlakihan ito ng mata na parang may sinabi siyang isang kahindik-hindik na bagay. “Shinna...” “Kung ayaw mong bitbitin ay iwan mo nalang diyan. Sige na, baka hinihintay kana ng asawa mo.” Pagtataboy niya rito at sinabayan ng tayo ang sinabi at kunwa'y tinungo ang kama.  Ilang sandali pa, pagkapatay ng ilaw ay muli itong tinatanaw sa ibaba na kasama ang sa tuwinang katagpong lalaki. Magkalapat muli ang labi ng mga ito. Pero taliwas sa nakita sa mga palabas ay mas mabilis ang mga kilos ng magkapareha. They were kissing so hard na pakiwari ni Shinna ay siya ang mauubusan ng paghinga sa medyo matagal na pagkakadikit ng labi ng mga ito.  Muli, parang isang eksena sa vanilla sky ang nakikita niya. Si Eva ang nagtanggal ng suot ng lalaki. Sa kabila ng pagiging mataray nito ay wala talaga siyang say pagdating sa pagiging masipag nito. At labis niyang ikinabilib ang pagkilos ng babae. Ang kinaroroonan ng dalawa ay isang tila maze sa bandang gilid ng kinaroroonan. Kung sa baba yun ay paniguradong walang makakakita sa mga ito dahil covered ng mataas na tila square na halaman ang isang malapad na bench kung saan nakaupo ang lalaki. Nakalapag ang dalawang mga paa nito sa damuhan at magkahiwalay ang mga binti kung saan doon nakapuwesto si Eva.  Nakaluhod ito. Mula sa kinaroroonan ay tanaw niyang ibinaba nito ang kapiranggot nalang na pang-ibabang kasuotan ng lalaki. She almost couldn’t see it dahil malamlam ang ilaw sa kinaroroonan ng dalawa na nanggaling sa di kalayuang lamp post. Pero hindi nakaligtas sa mata na may hinawakan si Eva na dahilan ng pagbabago ng reaksyon ng lalaking tumingala at napapapikit habang tumataas baba ang mukha ng babae sa pagkakasubsob sa kandungan nito.  Ilang sandaling ganuon lang ang naging eksena ng dalawa. Ipinokus niya ang atensyon sa reaksyon ng lalaki. It wasn’t that clear pero pareho ng mukha ng bidang lalaki sa vanilla sky habang nakapating ito sa babae.  Maya-maya pa ay nakita ang pang-angqat ni Eva at tinaggal nito ang pang-ibabang kasuotan. Pagkatapos ay parang batang kumandong ito sa lalaki at panay ang angat-baba nito.  Hindi maintindihan ni Shinna kung bakit napalunok siya habang nanonood sa mga ito. What the two were doing looked so interesting. And she wondered kung talaga ngang nag-eenjoy si Eva habang nakahawak ito ng mahigpit sa leeg ng lalaki at lumiliyad ang katawa sa tila pagsayaw na ginagawa nito sa ibabaw ng kapareha.Napapatingala pa ito minsan at parang mauupusan ng paghinga. Madalas ay nakapikit at magkahiwalay ang mga labi.  Nagpatuloy ang pag-angat baba ng katawan nito. They were doing the same thing all over na parang walang kasawaan. Sa bandang huli ay siya din lang ang nanawa at umalis sa bintanang kinaroroonan. Pagkatapos ay lumipat sa isang panig ng kwarto. Muli, ay natagpuan niya ang sariling sinisipat ang nakasanayang tanawing lalaki.  At tulad rin ng kapangahasan ginawa noong nakaraan ay ipinakita niya ang sarili rito. She was wearing a white nightgown. Tumatama ang tanglaw ng bilog na buwan sa kinaroroonan. Muling nakita ang kaparehong reaksyong nakuha mula rito. Itinaas niya ang palad at inilapat sa salamin. Her eyes yearning for help. “Tulungan mo ako!” Anas niya. Kitang-kita niya ang pagsasalubong ng kilay nito. “Pwede mo ba akong tulungan?” Ang ginagawa niya ay isang malaking pagbabaka-sakali lang. Kaya naman ikinamangha niya nang makita ang dahan-dahang paggalaw rin ng bibig nito.  “Anong sinasabi mo? Naiintindihan mo ba ako?” Nagpatuloy ang paggalaw ng bibig nito. Parehong ang atensyon nila ng lalaki ay nasa isat-isa kaya naman hindi agad napansin ang paglapit rito ng isa pang lalaking kamukha nito.  Sandali itong napatitig kay Shinna bago yun ma-realized ng dalaga. Agad isinara ang kurtina ng kwarto at nagmamadaling tinakbo ang kama. Nagtalukbong ng kumot na parang sa pamamagitan nun ay mabubura sa isip ng isa pang lalaki ang imahe niya.  Napahawak ang kamay sa tapat ng dibdib. Ikinatuwa ang maikling interaction nilang dalawa ng estranghero pero next time ay kailangan niyang mag-ingat. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD