Unti-unti kong minulat ang aking mata. Naramdaman ko kaagad ang kirot sa aking ulo nang subukan kong gumalaw. "H'wag ka na munang gumalaw, Yet." And I saw Marcos beside me. Dahan-dahan kong inilibot ang tingin sa paligid. My eyes are still blurry. White is all over the place. By any chance, am I in the hospital?
"B-bakit ako nandito?" Matamlay kong tanong and tried to move my fingers. Nagalaw ko iyon.
"I guess wala kang maalala," he said at tumayo. Kumuha sya ng mansanas at bread knife.
"Okay na ba pakiramdam mo ngayon?" Tanong nya pa. "Why? Ano ba ang nangyari? Wala akong maalala..." At hinawakan ko ang ulo ko. May konting kirot pa din dito sa t'wing gagalaw ako. Pinilit kong umupo pero hindi ko talaga makaya kung kaya't lumapit si Marcos sa akin upang alalayan ako sa pag-upo.
"Nawalan ka ng malay sa CR ng unit mo. Ano bang ginagawa mo do'n?" At sinimulan nya ng balatan ang mansanas.
Napatingala ako upang alalahanin ang mga nangyari...
Naaalala kong nagmamadali akong tumakbo pababa galing sa rooftop at mabilis na dumapo sa CR at... Everything's blur in my mind.
"Iilang oras na akong nandito?" Tanong ko kay Marcos. "2 days and 2 nights." Napa-"What?!" Ako sa sinabi nya.
"Alam 'to ni Papa? At bakit ikaw ang nandito? Ba't mo nalaman na nahimatay ako sa unit?" Sunod-sunod kong tanong. Napatingin naman sya sa akin at ibinigay ang plate kung nasaan ang mga na slice nyang mansanas.
"Inako ko ang responsibilidad sa'yo, nasa business trip si Tito ngayon. Wala syang kaalam-alam sa nangyari sa'yo and I decided na ikaw na mismo ang magsabi sa mga nangyari sa kanya since wala akong ka ide-idea kung ano ba talaga ang nangyari at bakit ka nahimatay." Mahaba nyang sagot habang pinapanood akong kumain ng mansanas. Ramdam na ramdam ko ang sobrang pagka-gutom, dalawang araw din akong walang malay.
"Salamat naman at hindi mo sinabi. Papatirahin nya ako kasama sya 'pag nalaman nyang nagkaganito ako." I said.
"Wait nga lang, paano ka napunta sa unit ko?" Tanong ko sa kanya.
"Nakauwi na ako no'n sa bahay, and then may tumawag sa akin gamit ang cellphone mo. He said na nasa ospital ka raw at nawalan ng malay sa CR ng condo mo, I assumed na isa iyon sa mga staff ng building mo kaya kaagad akong pumunta dito. Ikaw lang 'yong nadatnan ko at wala iyong lalaking tumawag sa akin. I find it weird." Eksplenasyon nya habang nakakunot ang kanyang noo sa akin.
Tumango-tango naman ako sa kanya. "Nasan si Ralph?" Tanong ko at sinubukang hagilipan ang cellphone ko sa paligid pero wala akong makita.
"That guy is crazy. Binisita ka lang nya kahapon at hindi na bumalik. Unusually him."
"Bakit?"
"May pinagkakaabalahan ata, mukhang busy, e. You should call him later 'pag ma discharge ka na. Wait, do you want to eat something?" And he stood up.
"Gusto kong kumain ng kanin! Grabe! Walang ka laman-laman ang t'yan ko!" Malakas kong wika habang nakahawak sa aking t'yan. Tumawa naman sya, "I expected that from you. Sige, bibili muna ako sa labas and your phone," at ini-abot nya ang aking cellphone galing sa bulsa nya. Tinanggap ko naman agad at ni-open, full charge. Mukhang ni-charge nya.
"Mag-ingat ka," wika ko bago sya makalabas ng silid. Ngumiti naman sya sa akin.
Kaagad kong tinawagan si Ralph. Nakalimang ring bago nya nasagot ang tawag.
"Suarez, busy ak--" "Si Thea na 'to,"
"GOSH! Are you okay now? Still in the hospital?" He said na bakas sa boses nya ang pagkagulat at pagmamadali. "No, no. Maya-maya ay lalabas na rin ako. Nasan ka? Pupuntahan kita mamaya."
"Nasa Viex ako. Tell Marcos to drive you. Are you really okay now, Mae?" Wika nya, bakas sa boses nya ang pag-aalala. Hays. I missed his voice.
"Okay na ako. Pagkatapos kong kumain at uminom ng gamot ay lalabas na rin ako. Bogoshipta..." Malambing kong sabi na halos yakapin ko na ang aking cellphone. Miss na miss ko na talaga sya.
"Bogoshipta?" He asked. Napatawa naman ako. "It means I miss you."
"Okay na okay ka na talaga. Nagagawa mo nang pakiligin ako, e." And I heard him chuckled. I still find it weird whenever he tries to speak in Filipino.
"You sound so gay every time you say that kilig word." Natatawa kong wika.
"Really? That word never failed to make you smile so I need to use it always even though I know I really sound horrible." He said between his laughs. Mas napatawa naman ako.
"You're too honest!" Ani ko habang natatawa.
"Should I lie to you, then?"
"It's your choice."
"Tss. Alam mo lang na hindi ko kaya, e, kaya confident ka d'yan." He said and I can imagine him shrugging.
"Akala ko ba busy ka d'yan?" Tanong ko. Ang sabi nya kasi kanina nang tumawag ako ay busy sya.
"Of course, no. I just don't like talking to Suarez." He's way too honest! Napatawa naman ako.
"Speaking of the bullshit, where is he?" He asked. Napailing nalang talaga ako. Ang laki talaga ng tensyon nila ni Marcos.
"Bumili ng pagkain," at biglang bumukas ang pinto ng silid. It's Marcos. "Oh, nandito na pala sya." Wika ko sa telepono.
"Give him the phone, I have to talk to him." Sabi ni Ralph, kaagad ko naman'g iniabot ang cellphone ko kay Marcos. Sumingkit naman ang mata nya dahil sa pagtataka. "Kakausapin ka raw ni Ralph."
Nang marinig ang pangalan ni Ralph ay padabog nya iyong kinuha sa akin. "Hello, gago." Bati nya kay Ralph. Napailing nalang talaga ako. Halos marinig ko na ang sigaw ni Ralph sa kanya galing sa telepono. Ang laki-laki na nila pero mga isip bata pa rin!
"Okay." At pinatay ni Marcos ang tawag. Nagulat naman ako. "Ba't mo--" "Ihahatid kita mamaya sa kanya, don't worry." Seryoso nyang sambit. Hindi ko alam pero natahimik ako.
Walang umimik samin habang kumakain. Gutom na gutom din naman ako kaya hindi na ako nakapanahon pang kausapin sya.
Pagkatapos naming kumain ay tumawag sya ng nurse upang i-arrange ang pag di-discharge ko. Hindi ko alam kung anong ginawa ko kay Lord upang maging gan'to ka swerte sa mga taong nasa paligid ko. Halos hindi ko nagalaw ang savings ko dahil sa kanila.
Mabuti naman ay kotse ang dala ni Marcos ngayon. Hindi pa kasi gano'n kalakas ang katawan ko upang umangkas sa motor. But I'd love to ride on it again. Sobrang na enjoy ko iyon the last time.
"Salamat sa pagbabantay sakin, Marcs, ah. Salamat talaga." Wika ko nang iparada nya ang kanyang sasakyan sa harap ng Viex.
"No probs. Basta ikaw." At matipid syang ngumisi sa akin. "Sige, labas ka na. Hinihintay ka na ng gago mong boyfriend, oh." At tinuro nya si Ralph na nakamasid sa sasakyan ni Marcos.
"He's not my boyfriend." Wika ko at ini-alis ang seat belt. "Well... Not yet." Napalingon ako sa sinabi ni Marcos. Diretso ang tingin nya sa harap.
"See you around, Ayet." Wika nya bago ko tuloyang isinirado ang pinto ng kanyang sasakyan.
Kaagad na humarurut ang kanyang sasakyan. Bigla na lamang bumigat ang loob ko.
Napangiti na lamang ako nang nilingon ko si Ralph. Nakasandal sya sa entrance with apron's on. Ang guwapong waiter. Lumapit ako sa kanya and smiled widely infront of him.
"Cook ka ba ngayon, Mr. Gwapo?" I asked while smiling at him. Namula naman agad sya. "I thought you've learned your lesson the last night na h'wag akong pakiligin in public. We're still outside." He said at pinasingkit ang mata sa akin.
"Tara sa kusina nyo! Hindi pa ako napupunta do'n!" At hinatak ko sya papasok. Sunod-sunod naman'g bumati sa akin ang mga crews nang pumasok kami.
"Grabe! Ang lapad pala ng kusina dito?" I exclaimed while looking at the entirety of the kitchen.
"North's branch is better," kumento nya sa tabi ko. Lumapit ako sa mga chefs na binati rin ako at pinanood silang magluto. Grabe! Ang galing-galing nila!
Pinilit ko si Ralph na magluto rin upang mapanood ko paano sya gumawa ng pagkain at bakit napakasarap. Grabe! Napa-"Wow!" nalang talaga ako sa galing nya. Humahagis lang sya ng kung ano-ano sa frying pan at hinahagis-hagis pa iyon sa ere habang niluluto. Napapa-sigaw naman ako sa t'wing may lumalabas na apoy sa ibabaw ng pan. Bakit ang galing nyang magluto? Hindi naman culinary ang course nya, Businesa Ad student kaya sya.
Pagkatapos nyang lutuin ang kung anong tawag man dito, mukhang spanish food ata ay pinatikim nya sa akin. "Ang sherep!" Sigaw ko at pumalakpak sa kanya. Tumawa naman sya sa akin.
Pagkatapos namin sa kusina ay dumayo naman kami sa counter. Tinuruan nya ako kung paano tumanggap ng order ng customers. Nahihiya na nga ako sa mga customers na nag-o-order at natatagalan dahil nag tuturuan session pa kami ni Ralph.
"Ang sweet nyo po, sir." Wika ng isang babaeng customer na nasa 30s ata habang nakangiti sa amin. Nasa pagitan kasi ako ng mga braso ni Ralph habang tinuturuan nya ako sa pipindotin sa monitor. I awkwardly smiled at the lady.
Alas sais na ng hapon nang napagdesisyonan kong umuwi at mag-ayos. Sinamahan naman ako ni Ralph at hinintay. May pupuntahan pa raw kami, pumayag naman kaagad ako.
Hindi ko alam pero nang makasama ko si Ralph ay biglang tumaas ang enerhiya ko, nawala ang katamlayan sa aking katawan at parang nilamon ng good vibes ang aking kabuohan. Grabe'ng energizer si Ralph para sa akin.
"My gosh! First time ko 'to, Ralphy!" At tumakbo kaagad ako sa shooting sight at hinawakan ang mga bala't baril. "Easy. I'll teach you how to shoot. But first, observe them." Turo nya sa mga babaeng nasa tabi ko na nakahawak ng baril. Ang cool nilang tingnan!
Pumwesto ang babaeng naka-leather jacket at ni-extend ang kanyang kamay. Nakasuot sya ng safety glasses at headphones.
Unang putok ay tumama kaagad sa tabi ng target, pangalawa ay tumama ito ng mas malapit at sa pangatlo naman ay natamaan nya ang target! Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko sa pagpalakpak.
Pagkatapos ang limang putok at ibinaba nya na ang baril. Sunod namang pumwesto ang isang babae pa sa tabi namin. Sunod-sunod nyang ipinaputok ang baril at sa pang-apat ay natamaan nya ang target. Grabe! Ang gagaling nila!
Nagulat ako nang isuot ni Ralph sa akin ang headphones at glasses. Gumapang ang kaba sa akin.
Mabilis nyang inareglo ang pira-pirasong baril sa harap namin at ibinigay sa akin. Ang bilis nyang nagawa iyon!
Hinawakan ko ang baril and I extended my hand. I aimed for the target. Ramdam ang panginginig ng aking kamay. Sya na mismo ang kumasa sa baril na hawak ko at sinenyasan akong iputok ko na.
Napaawang ang bibig ko na hindi man lang tumama kahit sa first line lang ang bala ko. Pumutok ulit ako pero ang layo pa rin! Another one, wala pa rin! And sa ikalimang putok ay padabog ko na talagang ibinaba ang headphones. Hindi ko alam na ang hirap palang tamaan ang target! Kung titingnan kanina ang dalawang babae ay parang ang dali-dali lang gawin.
Ibinalik ni Ralph ang headphones sa tenga ko at hinawakan ang aking kamay. "Focus," rinig kong sabi nya sa akin. "Look at the target with willingness to aim it. Feel the weapon."
And... Tumama sya sa gitna. Grabe! Napaawang talaga ang bibig ko. Ang galing galing nya! Partida, naka-alalay lang sya sa akin.
Ibinaba nya ang headphones ko at ngumiti sa akin. "You need to learn this. You need this for your safety." He seriously said and he disarranged the gun.
Tinuruan nya akong ayosin ang baril at kung paano ilagay ang bala doon. Itinuon ko ang buong atensyon sa pagtuturo nya hanggang sa makuha ko ito. Hindi maalis ang ngiti sa bibig ko nang matapos kong mailagay ang bala sa baril.
He then teached me how to shoot right. Kung ano ang tamang posisyon ng katawan at kamay. Napasigaw ako ng muntik ng tumama ang bala sa gitna. Nakarinig ako ng palakpakan sa paligid.
"You're such a fast learner." Nakangising sambit ni Ralph nang maibaba ko ang headphones. "Ang galing mong teacher!" At niyakap ko sya. Nakita ko ang mga ngiti at palakpakan ng mga taong nanunuod sa amin.