Kabanata 26

1987 Words
"So, inlove ka rin pala sa Oggie and the cockroaches?" Natatawang wika kay Marcos na tawang-tawa sa pinapanood naming cartoons. "I am not! But I like watching cartoons, we used to have a tug of war in our house ni Renzo ng remote, he wants shows from boomerang while I'm into cartoon network so we both always end up being scolded by Shane." Sabi ni Marcos and then laughed again dahil sa paghablot ng pagkain ng mga cockroaches kay Oggie. I didn't know na may ganitong lalaki rin pala, na ang babaw ng kaligayan tulad ko. Akala ko'y ako lang 'tong abnormal na 16 years old na enjoy na enjoy pa rin sa cartoons. "Grabe! Ang duga ng mga cockroaches!" Hiyaw ko habang natatawa, tawang-tawa rin si Marcos sa tabi ko. Ang saya palang manuod ng cartoon 'pag may kasama kang cartoonholic din, minsan ay napapahampas na ako sa kanya sa sobrang tawa. Marami pa kaming pinanood na cartoons na hindi na namin namalayan na alas dyes na pala ng gabi. "So, we'll gonna stay here for the night?" I asked him while looking at my wrist watch. "It depends on you or we can have fun on the road." Nakangisi nyang sambit, napangisi rin naman ako. "So, let's go! Let's make use of this night!" And I cheerfully stand at ini-abot ang backpack ko. Pinasadahan ko ng tingin ang aking suot, komportable naman ako sa suot ko, ito 'yong suot ko kanina nang mag audition ako sa Moves. Napagdesisyonan kong alisan ang pagkakapusod ng buhok ko at taliin na lamang ito. Unti-unting pinatay ni Marcos ang lahat ng ilaw at isinigurado ang bawat sulok at seguridad. Nauna na akong lumabas ng bahay at habang isinisirado ni Marcos ang lahat ay itiningala ko ang kalangitan at pinagmasdan ang kagandahan ng bituin at b'wan. The beauty of the night is breathtaking. "I texted Tito that you're with me. Pasalamat nalang talaga ako dahil ang laki ng tiwala ni Tito sa akin." He said and stood beside me. Napansin kong tumingala rin sya sa langit at huminga ng malalim. "Ganyan naman talaga si Papa, e, ang bilis magbigay ng tiwala. But once masira mo ang trust nya... Naku! Magkamatayan man ay hindi nya 'yan makakalimutan." "I don't have plans on failing his expectations to me." He said. Napasulyap naman ako sa kanya, he is wearing a pink shirt again. "Tara na," Anyaya ko at nauna nang lumapit sa motor, sumunod din naman agad sya. "Hoo!" Sigaw ko habang nakataas ang dalawang kamay. Hindi ko alam kung bakit hindi ko na appreciate ang ganda ng motor experience kanina, e, ang sarap-sarap sa pakiramdam ang sumakay dito. 'Yung tipong pakiramdam na malaya ka, 'yong kahit anong sigaw mo pa ay walang makakarinig at hindi mo kailangang mag-alala. I didn't know this is what it feels like to ride on a bike at night. Sobrang sarap pala sa pakiramdam. "Sumigaw ka pa, ilabas mo na lahat!" Wika nya habang natatawa. Mas itinaas ko ang aking kamay sa ere at humugot ng napakalalim na hininga bago sumigaw. "AYET YOU'RE SO STRONG! BE HAPPY ALWAYS! ALAM KONG KAYA MO! AYET! GO! GO! GO!" I shouted. Narinig ko syang tumawa. "I am proud of you too, Ayet!" Sigaw nya rin. "Ikaw naman, Marcs!" He laughed and "Of course..." "I HOPE THE REASON OF MY SMILES RIGHT NOW IS AS HAPPY AS ME. GIVE HER ALL THE BEST AND WILL REACH HER GOALS!" Sigaw nya dahilan upang mapatahimik ako. Unti-unting bumuo ang ngiti sa bibig ko habang binababa ko ang aking kamay at ipinatong sa balikat nya. Ngayon lang ako nagkapanahong i-appreciate ang amoy nya. Ganoon pa rin ang amoy nya, napaka-manly and at the same time very sweet amoyin. Napangiti ako. I can clearly differentiate my then and now. Kung dati ay mahawakan lang sya ay halos kumawala ang puso ko sa aking dibdib. Ngayon ay sobrang nagbago na. Wala na ang mabilis na t***k ng puso ko and what remains is the joy, there's nothing special in what I'm feeling right now. It feels different but it feels right. "Let's have a dinner first," wika nya nang makarating kami sa City. "H'wag na, I need to skip dinners muna since babalik na ako sa gymnastics. Ang laki ng dapat kong i-lose na weight. 7/11 na lang..." "You sure?" He asked. "Yeah." Inihinto nya ang motor sa harap ng 7/11, kaagad naman akong bumaba at pumasok sa loob ng store. I was about to go roam around to find something to eat nang may mahagip ang mata kong pamilyar na babae. Naka-hood sya pero I still identified her. "Heluine?" Batid ko at mas lumapit sa table nya. Dahan-dahan nyang itinaas ang kanyang ulo at ini-alis ang kanyang hood. "Thea!" Masaya nyang wika at tumayo't niyakap ako. "It's been a long time! Hindi kita mahagilap sa campus!" Masaya kong wika nang humiwalay kami sa yakap. "Oh, yes. I've been so busy din kasi kaya hindi na ako nakakapaglibot pa sa campus." She explained. Tumango naman ako. "It's good to see you, again." I said while smiling at her. "You, too! Mas gumanda ka!" At hinawakan nya ang buhok ko. "Or should I say blooming?" At ngumisi pa sya sakin ng nakakaloko, hinampas ko naman sya ng mahina sa braso. "Maybe I should ask for your number para next time ay h'wag na ulit tayo umasa sa tadhana and we can meet another time." I gladly said at inilabas ang phone ko. "Oh, sure!" And ni-dial nya ang number nya sa phone ko. I immediately saved it. "Hey." Napalingon naman agad ako sa lalaking nagsalita sa likod ko. "This is Marcos, Heluine. Marcos, Heluine; my friend." Pagpapakilala ko kaagad sa kanila. Kaagad naman ini-abot ni Marcos ang kamay nya kay Heluine. Tinanggap naman Heluine ang kamay nya. "Nice meeting you, Marcos!" She gladly said. "Ikaw din," wika ni Marcos at ibinalik ulit ang kamay nya sa kanyang bulsa. "So... I need to go now, Thea. Someone's waiting for me sa bahay. Nice seeing you again, and Marcos." She said at nakipag-beso sa akin and tapped Marcos' shoulder. "Oh, sure. Sige sige, see you around next time, then." Nagagalak kong wika and waved at her. Lumabas na rin kaagad sya ng 7/11 at pumasok sa puting sasakyan sa labas. Kumuha na lamang ako ng yogurt at iyon lang ang kinain habang si Marcos naman ay siopao ang kinain. Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na agad kami sa unit ko. "Nag-enjoy ako, Marcs. Salamat." Nakangiting batid ko nang makarating kami sa condominium building ko at bumaba sa motor. "It's good to hear. Rest well, Ayet. Goodnight." He said while smiling. I waved at him as he started the engine at mabilis na pinaharurut ang motor. Haharap na sana ako sa entrance nang makita ang isa sa mga sasakyan ni Ralph na naka-parada sa harap lang ng building. Mabilis akong tumakbo paakyat ng unit ko, nagbabakasakaling nandito si Ralph. I placed my thumb on the pad at kaagad na bumukas ang pinto. Kaagad kong inikot ang unit ngunit walang Ralph akong nakita. Umakyat ako sa rooftop and then I saw him. He is on the railings with a champagne on his hand. Unti-unti akong lumapit sa tabi nya. "I thought you'll spend the night with him," kalmado nyang wika dahilan upang mabilis na magsitayuan ang mga balahibo ko. "Akala ko nga rin, e..." I honestly said. Unti-unti nyang ibinaling ang tingin nya sa akin mula sa pagkakatingin sa ibaba. Napasulyap ako sa ibaba, kitang-kita dito ang entrance kung saan ako inihatid ni Marcos. Oh, shet. "Believe me Ralphy, wala lang 'yo—" "Did I ask?" Putol nya sa akin at ibinalik ulit ang tingin sa harap. Napahinga ako ng malalim. Ayoko ng ganito, ayokong masama ang loob nya sa akin. It doesn't feel right. "Come on! I know you're on this sensitive state again." And I touched his shoulders. Hindi sya umalma ngunit humarap ito sa akin. "I'm not." Deffensive nyang sagot. Nginisihan ko naman sya. "Stop smiling, we're not okay." At ibinalik nya ulit ang tingin sa harap. Napatawa nalang talaga ako. "Listen to me, my King..." At hinawakan ko ang pisngi nya't iniharap sa akin. Nakita ko paano nanlambot ang tingin nya sa akin. He's still the Ralph na crush na crush ako hehe "You should only listen and believe on what I say. Just me, your only girl. Ako lang naman, 'di ba?" "Mayb—" "Ako lang!" At tinakpan ko ang bibig nya. "Trust me, Ralph. I won't fail you, kung may isa man'g loyal sa'tin ay ako 'yon." I said na nagpakunot sa noo nya. "So, you mean, ako hindi?" At tinuro nya pa ang sarili nya. "Aba malay ko sa'yo basta ako, isa lang ang hari ko... At si Ralphy ko 'yon. Kilala mo si Ralphy ko?" And I smiled at him. Kahit anong pigil nya ay sumilip pa rin ang ngiti sa mga labi nya. "Hindi? Sayang naman. He is the man of every girl's dream, napaka-yaman nya, super rich kid, maraming pera, maraming sasakyan, maraming pagmamay-ari, maram--" "Why is it all about money?" Nakataas kilay nyang tanong. Ngumisi lang ako sa kanya. "Hindi ko masabi kung gwapo ba sya basta maputi sya..." At tumingin ako sa itaas na wari ay nag-iisip. Nang maramdaman kong haharap ulit sya sa harap ay... "Joke! Syempre, gwapo sya! Crush na crush ko 'yon, e. Perfect sya! Mabait sakin, konsentidor sakin, supportive sakin, mapagbigay sakin, basta lahat ng magagandang bagay na ginagawa nya ay sa akin lang." And I pinched his cheeks. Nagsisimula na naman syang mamula. Gustong-gusto ko talaga ang mukha nya 'pag kinikilig. Sobrang cute! "Hindi ko talaga alam kung kakayanin kong mawala sya sa akin." Wika ko at bigla nya na lamang akong hinatak palapit sa kanya, his hands are on my back. "Tama na." Mariin nyang sabi. "Bakit?" And I pouted. "Bakit ba ang hilig mong pakiligin ako? Didn't you know I'm on my weakest state sa t'wing ganyan ka? I can't use my senses properly and it's very dangerous for us. I can't sense snipers and guns..." He said while looking straight in my eyes. "Pwede tayong mamatay without our consciousness, Mae." Napaawag ang bibig ko sa kanyang sinasabi. Why is he talking about guns all of the sudden? "But you know, I love those words from you other than my life. So I will still choose being weak and vulnerable just to hear those." And he finally smiled. Unti-unti nyang inilapit ang mukha nya sa akin... Halos hindi ako makahinga at sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko ay palagay ko ay konti-konti nalang ay makakawala na ito sa dibdib ko. I can feel the whole zoo in my stomach. "In 5 seconds, you need to run as fast as you can downstairs." Pasimple nyang bulong sa akin at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Halos hindi ako makagalaw sa kabang aking biglang naramdaman. "In 5..." He held me tighter. "4..." Unti-unti nyang niluwagan ang pagkakahawak sa akin "3..." Nakita ko ang pasimpleng paghawak nya sa kanyang bulsa. Halos gusto ko nang tadtadin sya ng mura dahil sa nerbyos na aking nadrama. "2..." Pasimple nyang inilabas ang baril galing sa bulsa nya. Napalunok ako ng aking sikmura, halos hindi na ako makahinga. "1!" At mabilis akong tumakbo papunta sa hagdan. Sunod-sunod akong nakarinig ng putok. Gustong-gusto ko mang lumingon ay hindi ko magawa dahil sa sobrang takot. Nanginginig akong pumasok sa loob ng CR at ini-lock iyon. Napaupo ako sa sulok habang nanginginig, tuloy-tuloy na umagos ang luha ko, wala akong ibang marinig kundi ang malalakas na t***k ng puso ko. What happened? Bakit may baril? Bakit may mga putok? Ano nang nangyari kay Ralph? Napakagat ako sa aking kamay dahil sa sobrang takot na aking nararamdaman. Wala akong maisip na tama... Napasigaw ako nang biglang bumukas ang pinto ng CR sa harap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD