"Grabe! Pagod na pagod talaga ako! Hoo!" Bulyaw ko at naupo sa sofa nitong napakagandang unit na ibinigay ni Ralph sa akin. Ang sama ng tingin ko sa bawat pasok ng mga gamit ko ng mga taohan ni Ralph. Ni isang bag ay wala akong binitbit papunta dito at tanging wallet at cellphone lang ang nasa aking kamay. Hindi ako pinahawak ni Ralph ng kahit isang gamit ko man lang at ini-utos lahat ng gamit ko sa kanyang mga taohan. Nag mukha tuloy akong disable. Hindi ako masipag na tao pero syempre gamit ko yun at kaya ko namang bumitbit ng kahit isang maleta man lang.
"You can check the kitchen and the room, ma'am." Sabi sa akin ng inutosan din ni Ralph na mag a-assist sa akin. E, hindi ko naman 'yon kailangan dahil kaya ko namang i-discover ang lahat ng bagay dito on my own.
"I can handle myself." Nakangisi kong sabi sa kanya na nagpayuko dito. "Pwede ka nang umalis. Ang over lang talaga ng boss nyo at inabala ka pa. Manager ka pa naman ng building na 'to at sigurado akong marami ka pang gagawin. Kaya ko na dito," nakangiti kong sabi at tumayo. Nakakainis talaga si Ralph! Pinadala ba naman ang manager ng condominium building na ito upang samahan lang ako dito. Anyway, sa kanila pala 'tong whole building. This building is named under his name but it's his Dad's friend who run this. I don't know that whole story pero sabi nya ayaw nya raw ng ganitong business and he needs to focus on Viex.
"No, ma'am. It's our job to accompany our guest, especially our King's girl." At ngumisi ito ng napakalapad. Kaagad naman'g gumapang ang hiya sa akin. Saan nya naman nakuha ang King's girl na 'yan? Kay Ralph ba?
"Uy, anong king's girl ka d'yan? Sige na. Kaya ko na dito. Naku naman talaga 'yang si Ralph, e."
"Sigurado po ba kayo, Ma'am? Baka pagalitan po ako ni sir Ralph..." At bakas sa mukha nya ang pag-aalinlangan. Ini-abot ko ang kanyang balikat at hinawakan ito upang ipahiwatig na okay lang talaga ako.
"Sige na." At ngumisi ako. Namaalam naman agad sya at unti-unting umalis. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa ganda ng aking nakikita. Napaka-elegante ng unit na'to. Hindi ko alam kung ganito ba kaganda ang lahat ng units dito pero ang ganda-ganda talaga. Ang unit na 'to ay nasa pinakatuktuk ng building at may sariling rooftop. Tumakbo ako paakyat sa hagdan upang tunguhin ang rooftop na sinasabi kanina ng manager na nag assist sa akin, at "OMG!" hiyaw ko nang makita ang swimming pool. May roof ito ngayon na sa tingin ko'y naaalis din kung kelan mo gusto. May mga upuan, tables, at lahat na nakikita sa isang swimming pool ay nandito. Nakakaiyak ito sa sobrang ganda.
Sa pagbalik ko sa ibaba ay tinungo ko naman ang kusina, balcony, ang kwarto at ang lahat na... Okay, I'm done.
"Alam mo, inii-spoil mo ako! Naku nalang talaga kung kakayanin mo pa kung spoiled na talaga ako." Wika ko kay Ralph sa telepono. Kakatapos lang ng checking of products nya na kakarating lang mula sa ibang bansa kaya free na sya ngayon. Papunta na sya ngayon dito.
"I can sense no problem about it. So what now kung spoiled ka sakin? I think that's good." At bakas sa boses nya ang pagkangisi.
"Talaga lang, ha! Naku! Mamumulubi ka sakin, Ralph!" Natatawa kong sambit.
"Name it." Wika nito sa nakakalokong boses na nag pa "Wow!" sa akin.
"I want a limousine!" Natatawa kong sabi. "Tomorrow." Sagot nito na nagpabalikwas sa akin sa pagkakahiga sa sofa.
"Seriously? Uy, joke lang!"
"What?"
"Joke lang! Putragis namern! Nagmumukha akong gold digger, e!" Bulyaw ko at nabalik ulit sa pagkakahiga. Ang lambot-lambot ng sofa. Hindi ko pa nache-check iyong kama ko sa kwarto kung malambot ba ito pero halata naman'g malambot talaga 'yon, ala-royal bed kaya 'yon.
"You should never think like that."
"Hindi naman! Pero ikaw kasi, sobrang generous mo sakin, e, hindi naman ako nanhihingi." I said while pouting.
"This is me. Ganito ako, e, and that's you—my girl. Nasa basement na ako, wait me there." Wika nito na nagpatayo sa akin sa pagkakahiga. Tumakbo ako papunta sa kusina na agad na nag-ilaw nang ma detect ako. Sobrang high tech ng mga gamit dito! Jusko!
"What do you want to eat?" I asked him on the phone while checking something on the fridge na pwedeng lutuin.
"Anything will do." Sabi nito at rinig ko ang mga yapak nya at ang pag tunog ng elevator. Malapit na nga sya.
"Ahh, okay." At inilabas ko ang ferrero chocolates at kisses. Nakapag-lunch na naman siguro sya.
Inilapag ko iyon sa center table dito sa living room. Naglagay na rin ako ng fresh milk.
"Ralphy!" Sigaw ko nang marinig ang tunog ng pintuan. Napangiti ako ng mas malapad nang makita sya. "Welcome to my home!" I said while spreading my arms on the air. Gusto kong ipakita sa kanya na sobrang na-appreciate ko 'tong ibinigay nya at sobrang saya ko.
"Thank you." Nakangisi nitong sambit at naupo sa isang couch. If there's one thing na sobrang nakakahanga kay Ralph ay iyong sobrang pag respeto nya sa akin. Even though, halos magkasama kami araw-araw ay hindi pa ako nakaka-experience ng ka manyakan at kagagohan mula sa kanya like other men do. He chose to sit meters away from me kahit na pwedeng-pwede nya akong pagsamantalahan dahil kaming dalawa lang ang nandito at pagmamay-ari nya itong lugar. He has the control of everything here.
Iyon rin siguro ang rason bakit sobrang komportable ko sa kanya, he gained so much trust.
"Pwede ko ba'ng dalhin ang mga kaibigan ko dito, Ralph?" I asked him. Naisipan ko kasing mas masaya mag swimming sa itaas at lantakan ang pagkain sa punong fridge kung may kasama ako.
"Sinong MGA kaibigan?" Tanong nito.
"Si Emy at Heluine." Nakangisi kong sagot.
"Heluine? Sino 'yan? Lalaki ba yan?"
"Of course, no! Babae sya. Sya iyong katabi ko nung soccer finals! Ang saya nyang kasama at batchmate mo kaya sya. Sabi pa nga nya ay naging magkaklase kayo sa iilang subjects."
"Really? I never heard that name." At inilagay nya pa ang kamay nya sa kanyang baba at ipinasingkit pa lalo ang singkit nyang mata na tila ba'y nag-iisip.
"Syempre, napaka-dalang mo kaya sa mga tao. Malamang hindi mo kilala," naiiling kong sabi. Ngumiti na lamang ito.
Masaya kaming nanuod ng cartoon habang kumakain ng chocolates. Okay okay! Ako lang ang masaya dahil hindi naman talaga kumakain ng chocolates si Ralph kaya isang ferrero lang ang nakain nya at puro gatas na iyong pinunterya, hindi nya rin trip ang cartoons na halata naman sa kanyang mukha pero pilit pa rin'g nakikitawa sa akin.
"Ano ba ang gusto mong panuorin?" Nakanguso kong tanong sa kanya. "Stop pouting." Mabilis na aniya.
"Pero ano nga? Mukhang hindi ka naman masaya kay Oggie, e."
"No, it's fine. I can manage." At ngumiti ito sa akin. Niloloko nya lang ako.
"What if let's try the pool upstairs?" Nagagalak kong wika at tumayo na. Kanina pa akong kating-kati maligo do'n, e.
"What? No. Pwede ka do'n maligo 'pag wala ako, and I made it sure na hindi sya gano'n kalalim at maaabot mo lang kaya safe 'yon." Sabi nito na makikita sa mukha nya ang hindi pag sang-ayun.
"Why not pag nandya'n ka? Mas masaya nga 'yon." And I pouted.
"I'm 21 and I hope you're mind is open about this... Please consider that I have urges, too." At umiwas ito ng tingin, napatawa naman ako.
"Ano ba! Hindi naman ako mag bi-bikini, 'no!" Natatawa kong sabi na nagpa-pula sa kanyang mukha.
"Kahit na," sambit nito habang nag-iiwas ng tingin pa rin.
"Sige na! H'wag ka nang mag-inarte!" At hinatak ko ang kanyang kamay. "I ordered our dinner, let's just wait for it." Wika nito pero inilingan ko, "Then let's have dinner do'n sa taas. I think it will be fun!" Sabi ko nang nakangiti. Nakita ko paano nya sinapo ang kanyang noo gamit ang kabila nyang kamay as a sign of defeat. "I'll just gonna change." Sabi ko at tumakbo sa kwarto.
"Halika na dito!" Sigaw ko kay Ralph na naka-upo lang habang pinapanuod ako sa pool. Naka-top less na ito ngunit hindi pa rin bumababa dito sa tubig, actually ako pa mismo ang naghubad sa long sleeves nya kanina dahil ayaw nya talagang maligo.
"Later." Sabi nito at humarap sa pagkain namin sa table.
"Konting-konti nalang talaga, Ralph, maiinis na ako sa'yo." Seryoso kong sabi na nagpabalik ng tingin nya sakin. "You really have your ways to make me as your pet in instant, Thea Mae." Wika nito bago tumayo. Napa-palakpak naman ako sa saya.
Dahan-dahan syang bumaba sa hagdan hanggang sa umabot sa dibdib nya ang tubig. Hanggang doon lang talaga ang lalim ng tubig dito at hanggag leeg ko naman, sakto na rin para makapag-enjoy ako.
Kaagad ko syang hinagisan ng tubig nang tuloyang syang makababa. Natawa ako nang hinagisan nya rin ako pero napakahina na halos walang epekto sa akin. Not so fair!
Mas nilakasan ko pa ang pagsaboy ng tubig sa kanya pero halos wala pa rin itong ganti.
"Ang KJ naman neto!" Reklamo ko at lumayo ng kaunti sa kanya nang bigla nya akong hinagisan ng napakalakas na tubig dahilan upang mapasigaw ako. Hindi ako prepared kaya andaming pumasok na tubig sa ilong at bunganga ko dahilan upang mapaubo ako. Naramdaman ko naman agad ang mga kamay ni Ralph sa pisngi ko. Hindi ko rin gaanong mamulat ang mata ko.
"Jesus Christ! This is my fault! f**k!" Bulyaw nya at kaagad akong kinarga at itinaas sa tubig. "Are you okay?" Tanong nya at ini-upo ako sa taas ng pool. Patuloy pa rin ang pag-ubo ko dahil sa aking nainom na tubig.
"s**t! Do you want me to call a doctor or what?" Taranta nitong sabi at umupo sa tabi ko. Naramdaman ko ang panginginig ng kanyang kamay habang nakahawak sa pisngi ko. Ramdam ko ang kanyang sobrang kaba, e, nakainom lang naman ako ng tubig. Ang cute-cute nya kaya pinagpatuloy ko ang pag-ubo kahit okay na ang pakiramdam ko.
"f**k! I'm gonna call the doct—" napahinto sya nang halikan ko ang kanyang kaliwang pisngi. Naiwang nakaawang ang bibig nya habang dahan-dahang ibinabaling ang tingin sa akin. Nagsimulang mamula ang kanyang taenga at leeg. Gusto ko sanang ngumiti upang mawala ang awkwardness pero ayaw... Hindi ako makangiti... Parang gusto ko na lamang lamunin ng tubig dahil sa hiyang aking nararamdaman.
Shet, Ayet!! Bakit mo 'yon ginawa?!
"W-what was that?" Nauutal nitong tanong habang unti-unting nilalamon ng pamumula ang buong mukha nya maging ang kanyang maputing dibdib. Ayoko sanang umiwas ng tingin pero hindi ko na naiwasan pa... Napaiwas nalang talaga ako ng tingin sa kanya.
"Para san 'yon?" Dugtong nya pa. Hindi ko mahagilap ang tamang sagot at ang tamang rason sa aking ginawa. Bakit ko ba kasi sya hinalikan? Ano ba ang pumasok sa isip ko? OMG. I am so doomed.
"Please explain, Thea Mae, kung ayaw mong mabaliw ako." Mariin nyang sabi na bakas ang pagkaseryoso. Can't he see? Nahihirapan din ako!
"That was a kiss--" "A thanksgiving kiss!" Putol ko sa kanya. I am running out of reason, so I have to spill it.
"What? A thanksgiving kiss? Para sa'n?" And he was looking at me intensely tapos mag i-expect sya na magiging okay ang pagdaloy ng dugo ko dahil sa mga tinging yan?! Sigurado akong hindi lang sya ang namumula ngayon, alam kong mukhang kamatis na rin ako.
"Can't you just appreciate it? Sige, mauuna na ako sa baba." At kaagad na akong tumayo. Hindi ko na talaga kaya ang awkwardness. It is driving me nuts.
"You seriously don't have any idea of what've you done, kid. You're not just invading my mankind anymore... But my soul is with you now." Rinig kong sabi nya habang pababa ako sa hagdan papunta sa unit. MABABALIW NA AKO! AHHH!