"You need to be responsible of what you've done to me." Halos takpan ko na ang aking taenga dahil sa paulit-ulit na sinasabi ni Ralph mula noong nakaraang araw pa. Wala naman akong maisagot na tama dahil hindi ko rin alam bakit ko nga ba sya hinalikan. I am just 16 and I just kissed a guy! That thought lost his mind. Hindi ko ma-explain ng mabuti ang side ko kasi napaka-big deal sa kanya iyon. Hindi naman pwedeng sabihin ko na 'Ano ka ba, natural lang 'yon sakin' at baka iba-iba naman ang maisip nun. Sensitibo pa naman 'yan sa pinaka-sensitibo.
"What do you want me to do? Nangyari na, e." Sa wakas ay may naisagot rin ako. Naglalakad kami ngayon papunta sa classroom ko. Another day at another hatid. Mamayang 10 pa 'yong klase nya, e, kaso dahil sobrang pa-boyfriend material 'tong si Ralphy ko ay sobrang consistent pa rin sa paghahatid-sundo sa prinsesa ng buhay nya.
"What am trying to say is, you should know the consequences of it. You're aware that I am crazy over you so you should know, too, that I am capable of assuming something because of that kiss. You know what I mean?" He is explaining so hard na halos hindi ko na sya malingon sa sobrang pagmamadali ko dahil hindi ko talaga alam anong isasagot sa mga sinasabi nya.
"So, what is it?" Ang tanging lumabas sa bibig ko. Ba't ba kasi nasa 8th floor ang classroom ko!
"So, do you like me now?" Sabi nya na nagpahintu talaga sa akin sa paglalakad. "Seriously, Ralphy?" Taas kilay kong sabi sa kanya. Kumunot naman ang noo nito.
"Just say it, Thea Mae. Say it." Nakangiti nitong wika na para bang excited na excited sya sa sasabihin ko.
"Isn't it obvious? I am hugging you every time, and even get possessive, though hindi ko talaga aaminin na selosa ako pero like duh Ralph, halos buong campus nahahalatang crush kita pero ikaw? Just wow." At nagpatuloy ulit ako sa paglalakad, napahintu sya ng iilang minuto doon at hinabol din kaaagad ako.
"I just want to hear it straight from you. Thanks for saying it. My life makes sense now." He is smiling genuinely while saying it. Naka-shabu ba si Ralph o ano?
"Like as if I am your life," suhestyon ko at mas binilisan ang paglalakad.
"You're not my life," sabi nya na nagpahintu na naman sa akin sa paglalakad. "O-okay..." "You are the love of my life." At ngumiti ito ng napakatamis sa akin. Hindi ko alam kung ngi-ngiti ba ako o ano, basta ang tanging alam ko lang ay hindi ko na ma-wari kung gaano ka bilis ang t***k ng puso ko ngayon. Mabilis na nagsi-akyatan ang dugo ko sa aking mukha at ngayo'y ramdam ko na kung gaano ito kainit. Hindi ko rin mapigil-pigilan ang pag-ngisi ng aking bibig na tila ba'y may sariling utak ang mukha ko ngayon at ginagawa na lamang ang gusto nito without asking permission from its owner.
"You're blushing." Tila'y inosenteng sambit ni Ralph habang turo-turo ang mukha ko. Dali-dali kong kinuha ang scarf na nasa kamay nya't isinuot iyon sa ulo ko. "You can go now, kaya ko na ang sarili ko, dalawang floor nalang naman." I managed to say. Hindi ko mabaling-baling ang tingin ko sa kanya.
"I know that you know that I would never let that." Mariing sabi nya na nagpanguso sa akin. "Tara na nga," at hinatak ko ang kamay nya. Di bale nang magmukhang islam, maitago lang ang sobrang pula kong pisngi ngayon.
"Naiinis na talaga ako sa mga tumitingin pa rin sa'yo, palagi ka naman nilang nakikita dito pero bakit parang artista ka pa rin sa mata nila? May extra scarf ka pa ba d'yan?" Tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan ang mga babaeng studyante na napasilip sa bintana nila at sa iilang lumabas pa. Nasa palapag na kami ng room ko kung saan may napakaraming Ralphnatics.
"You're wearing my scarf and it feels good to see you wearing my stuff, living in my property, riding in my car. It is just the perfect sight." Wika nya habang nakatingin na naman sa akin. "Pwede ba, h'wag mo muna akong pakiligin. Papasok na ako sa classroom baka ano naman'g sabihin nila ba't pulang-pula ako." I admitted at hinawakan ang door knob ng classroom namin.
"Pwede ba, don't be so bluntly. You're driving me crazy." And he messed up his hair again. Napakunot naman ang noo ko sa kanya. "Ha?" Nagugulohang tanong ko.
"Kung kinikilig ka, keep it. Hindi mo kailangang sabihin sa akin, pinapaasa mo ako, e." He seriously said that made me burst in laughter. Ang cute pakinggang no'ng Kilig at Paasa mula sa kanya. Napaka-unusual at not very him.
"Pumasok ka na nga." At sya na mismo ang bumukas ng pinto ng classroom namin habang ako'y tawang-tawa pa rin.
"Just text me later, I'll get going now." Sabi nito na halatang medyo naiilang dahil na rin siguro sa sinabi nya kanina. "Hep! Hep! Wear this." At hinubad ko ang scarf nya at ibinigay iyon sa kanya. "You're still into this?"
"Of course. Alam ko ang pakiramdam ng mga high school gals sa t'wing nakakakita ng hot mensu, so... Wear this." At ipinatong ko iyon sa ulo nya. Tumawa sya ng kaonti and patted my head.
"Sige. Alis ka na. Papasok na din ako." Nakangiti kong sabi sa kanya. "You go first. I'll watch you." He replied and pumasok nalang din ako dahil alam ko naman'g hindi ako mananalo sa kanya. Nang makaupo ako sa aking upuan ay nilingon ko ulit sya sa pinto pero wala na s'ya. Baka may importanteng gagawin na naman iyon at hindi pinaalam sa akin para maihatid lamang ako. Hays, hindi ko na alam ano'ng gagawin kay Ralphy.
'I'm in an important meeting rn. Just get a meal at Viex. I'm sorry. Just gonna fetch you up later. Take care xoxo'
Message ni Ralph sa akin dahilan upang maglakad ako ngayon ng mag-isa papuntang cafeteria. May violin practice kasi si Emy kaya wala sya ngayon sa klase. Napahinto ako sa paglalakad nang mapansin ko si Marcos sa hindi kalayuan na... sinampal ni Zarrah? Nag-aaway na naman sila. Hindi gaanong matao ang parteng lugar na ito sa Era since sinadya ko talaga na dito dumaan dahil hindi ako masyadong napupunta dito at gusto kong ma-memorize ang bawat dulo ng campus.
Gusto ko man'g magpatuloy sa paglalakad ngunit hindi ko magawa dahil naaapektohan ako sa aking nakikita. Hinayaan lang ni Marcos si Zarrah habang sinusuntok sya nito sa dibdib, sinisipa at lahat na. Galit na galit si Zarrah and this is really not her. Ayun sa pagkakakilala ko sa kanya, mabait syang babae to the point na napaisip akong napaka-swerte ni Marcos para magkaro'n ng katulad nyang gf. Pero ano itong nakikita ko ngayon? I know she has her reasons.
Gusto kong tumakbo papunta sa kanila upang pigilan si Zarrah because I really don't like seeing Marcos being beaten up like that. I know I'm off limits here dahil it's there relationship, baka may nagawang kasalanan si Marcos but ayokong nakikitang sinasaktan si Marcos... After all I once liked him above anyone else.
Zarrah yelled at him at tumakbo papalayo sa kanya. She is crying hysterically. I can see it in her posture. Hindi gumalaw si Marcos, nanatili syang nakatayo habang pinagmamasdan ang babaeng mahal nyang tumatakbo papalayo sa kanya. "Run after her!" I shouted. Napalingon naman si Marcos sa akin. He looks like a mess.
"You shouldn't let her ran away just like that, Marcos!" Sigaw ko pa. Imbis na sundin ang sinabi ko ay naglakad ito papalapit sa akin. "Marcos! Papalayo na talaga sya!" At tinuro ko si Zarrah na patuloy lang sa pagtakbo papalayo. I can see the crowd looking at her while she's running, of course, she is crying her heart out there.
"I won't run after her anymore. I am so tired of reaching her and always ending up losing the marathon." He said when he's finally in front of me. "But you love her. They say love conquers it all." I said.
"That's what I thought, too, before." and he bitterly smiled at me. "Bakit pa kayo nagkabalikan for another heartache lang naman din?" Nakangiwi kong wika.
"Because I thought it will fix everything, it'll fix myself, but it turns out... She's not the solution... She is just my temporary bulletproof. Funny, right?" He sarcastically said and tapped my shoulders. "Why the heck am I spilling it out to a minor? Crazy." Yeah, mukha ka na ngang baliw dahil wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi mo, Marcos.
"Zarrah is your girlfrien—" "No. Not anymore." At mawa-wari ko ang pait sa kanyang pagkakasabi. "You're just not in the mood today. I know you weren't serious and you still love her but this is just stupidi--"
"I am serious, Ayet. I'm done with her." He said while looking straight in my eyes. He is dead serious.
"Ano ba'ng nangyari? Why so sudden?" I managed to ask kahit sobrang nai-intimidate na ako sa lalim ng tingin nya sa mga mata ko.
"Change of heart." Diretsong sagot nya na nagpaawang sa bibig ko. Ganun-ganun nalang 'yon? Masasayang lang kaagad ang apat na taon dahil sa change of heart?
"Sino?" I asked. "Me. Just please, I don't wanna talk about it right now. Papunta kang cafeteria?" Then he pushed a smile. Gulong-gulo na ang isip ko, hindi maalis-alis ang kunot sa noo ko.
"Y-yeah." Iyon na lamang ang nasabi ko at naramdaman ko na lamang ang kamay nya sa likod ko, senyales upang magsimula na ulit ako sa paglalakad.
Walang umimik sa amin habang naglalakad papunta sa cafeteria. Pansin ko ang mga tingin na ipinupukol sa amin ng mga estudyanteng nadadaanan namin. Mukhang ako na naman ang mag mu-mukhang 2nd party dito... Sikat kasing couple sa social media si Marcos at Zarrah. Last break up nila ay ako ang sinisi ng iilang fans nila, and I ended up deactivating my f*******: account for a week. Marcos explained everything to their fans, and doon ko nalang nai-balik ang account ko. Nagalit pa nga si Ralphy at pinagmura ang iilang nag bash sa akin no'n dahil hindi kami nakapag-usap that time for one week. It was the 2nd week simula no'ng umalis sya papuntang Europa, at hindi ko pa nabibigay iyong Skype ID ko sa kanya that's why he's really furious about it.
Napayuko ako nang pumasok kami sa cafeteria. Nang mapansin nya iyon ay kaagad syang lumayo ng kaonti sa akin. "I will effin kick cockroaches this time if they'll send hates on you again." Seryosong wika ni Marcos bago pumila sa counter. He gestured me to find a table. Kaagad naman akong naghanap ng available table.
"Akala ko ba't girlfriend 'yan ng King? Ba't kasama nya na naman si Marcos? Landi, ah." Rinig ko sa table na aking naraanan. Bigla na lamang umakyat ang kumukulong dugo papunta sa ulo ko. Inis na inis ako. They don't want to see me in fury...
Napahinto ako sa paglalakad. "Ralph is perfect, ano pa ba'ng hinahanap nya? Masaya na si Marcos kay Zarrah, ki-bata-bata pa nga ang galing nang manira ng relasyon—" and I just found myself punching the girl's face. Hingal na hingal ako nang mai-alis ko ang kamay ko sa kanyang pisngi. She yelled in pain and tears began to fell down on her painfully blushing face right now. Napansin ko ang pagdayo ng mga estudyante sa paligid namin. Ang iilan ay sumigaw pa, which is really overreacting.
"s**t!" Malutong na mura ni Marcos na hawak-hawak na ngayon ang aking braso.
"Ano ba'ng problema mo, high school girl?!" Sigaw ng babaeng sinuntok ko habang umiiyak. Alam kong napakalakas nang pagkaka-suntok ko sa pisngi nya kaya magang-maga ito, putok rin ang gilid ng labi nya. You deserve that.
"Hindi ba't ako dapat ang mag ta-tanong sa'yo n'yan? Ano bang problema mo sa'kin at bakit mo ako pinagsasalitaan ng masama? I expect so much from college girls like you." At tinaas ko ang kaliwang kilay ko sa kanya. Kung nakaya kong mag-timpi sa mga paninira nila the last time, ngayon hindi na. She involved my king and insulted my being. Hindi ako sanay na tinatapak-tapakan nang hindi lumalaban. I used to be in the top and I so don't like what she said.
"Totoo naman talaga 'yon, ah! You're just a minor pero maka-lingkis ka sina Marcos at Ralp--" napahinto sya sa pagsasalita when Marcos slammed her table. Nakita ko paano sya natakot sa ginawa ni Marcos. Mas bumilis ang pagpatak ng luha nya. Oh, what an emotional scene for her.
I can see how Marcos' eyes burn in anger while looking at the girl. Can't blame him, his name was dropped, too.
"I'll gonna make sure you'll regret touching me, Castillo! I'll do everything just to kick you out here in Era. You don't know me." Mariin nitong sabi bago tumakbo palabas ng cafeteria. Wala akong maramdaman ngayon kundi ang inis at puot sa babaeng 'yon. Ni minsan ay wala akong nilanding lalaki. Nagkakagusto ako sa lalaki pero kailanman ay hindi ako humahabol, after knowing I like them, they always end up making the first moves.
Nakakainis! I am trying to live normal here in Manila and then people like her just won't let me!
"Babalik na ako sa room, Marcos. Wala na ako sa mood upang kumain." At hindi ko na inantay sumagot pa sya at nauna nang lumabas sa cafeteria. Wala akong maisip na tama dahil sa nangyari, wala na rin akong gana bumalik pa sa klase dahil alam kong wala rin akong matututunan doon dahil sa init ng ulo ko.
Wala sa sarili kong sinagot ang tawag sa aking cellphone. "What." Bigkaz ko habang tinatahak ang daan papalabas ng campus. Kinuha ko lang ang bag ko sa classroom at umalis din kaagad.
"What happened? I'm on my way." It's Ralph. Hindi ko alam pero parang gusto ko na lamang sumigaw at umiyak the moment I heard his voice. Kung sana ay nandya'n lang sya kanina...
"Sa Viex Cafe ka na dumiretso. Papunta na ako do'n," matamlay kong sabi. I heard him sigh.
"Everything will be fine, Mae. I'll be right there." He said that made me feel a li'l bit better. "Thanks, Ralphy."