"Just give me the usual," sagot ko sa lumapit na crew ng Viex Cafe sa akin. Nakahawak na ako sa aking sintido. I feel so stressed. Nararamdaman ko na ngayon ang hapdi sa kamay ko na kanina ay hindi ko napapansin. Masyadong malakas iyong pagkakasuntok ko sa babaeng 'yon at alam kong kailangan n'yang ipa-doctor iyon to see if there's fracture or what. As I can see her kanina, sobrang maarte sya na sa tingin ko'y richkid. Halata naman 'yon sa suot nyang jewelries. Paano ko sasagutin ang mga aligasyon? Ma ki-kick out ako sa school, ipapatawag si Papa at uuwi na ulit ako sa Bacolod. Hindi ko na maitutuloy ang plano ko'ng pagbabagong buhay dito, e, iilang b'wan pa lang ay may nagawa na akong gulo. Baka Thea Mae GULO Castillo talaga ang middle name ko.
Itinaas ko ang aking ulo nang makita ko ang sports car ni Ralph na pumarada sa labas. Sya iyon dahil halos lahat ng crews ay lumabas upang i-assist sya sa daan, ganyan naman palagi, e. Lumabas sya ng sasakyan at hinubad ang suot nyang shades, gusto ko man'g kiligin ay wala akong ibang magawa ngayon kundi ang manlumo at manlambot na halos gusto ko na lamang umiyak sa kanya. Hindi ko alam pero parang kailangan ko talagang umiyak ngayon, sa kanya... Sa kanya lang.
Sinalampak ko ang ulo ko sa harap kong table nang maramdamang patulo na talaga ang luha ko. I can't stand looking at him without tearing up at this moment of my life. I just think... I only have him right now. Sya lang 'yong makakaintindi at makakatulong sa akin.
Mas napaiyak na lamang ako nang maramdaman ang paghugot sa upuang nasa harap ko. "It will be fixed. I promise." Rinig kong sabi nya na nagpalakas sa hikbi ko. He touched my back at rubbed it. His touch felt so warm.
Ayoko man'g umahon pero kailangan kong harapin ang problema ko ngayon'g araw. Ayoko nang lumaki 'to, no matter what it takes, I should face it right now. Pagod na akong takbohan ang bawat problema at pagtaguan ito.
"Ghad, you look like a mess." His eyes are full of concern while saying it. Hindi ko sya masyadong makita dahil sa mga luhang naipon sa mata ko. Mabilis kong pinunasan ang luha ko at humugot ng napakalakas na hininga.
"I need to fix this. Right now." I said while my voice's cracking. "No. I'll fix this." Mariin nyang sabi at inilapit nya ang kanyang kamay sa aking pisngi't pinunasan ang kumawalang bagong luha sa mata ko.
"No, Ralph. Kaya ko ito."
"Okay. We'll face it together." He said and held my hand. Mas napapaiyak lang ako dahil sa kanya, e.
"Baka naiparating na nila kay Papa..." Emosyonal kong sambit habang nakatingin sa kamay nyang nakahawak sa akin.
"No. Don't cry. Everything will be fine." Sabi nya't mas hinigpitan ang pagkakahawak nya sa kamay ko.
"Pagsisisihan mo 'to, Castillo." Mariing sambit ng babaeng sinuntok ko na ngayo'y may band aid na ang pisngi. We are in front of the headmistress and I chose not to speak habang kung ano-ano ang sinasabi nya sa akin.
Hinihintay namin ngayon ang pagdating ng mga magulang nya. "Miss Lucky Yap, please calm down." Halos ika-limang wika na ito ng headmistress sa kanya. "I'll make sure that you'll be kicked out, Castillo." Bagkus ay wika nito.
Mabilis na gumapang ang kaba sa katawan ko nang bumukas ang pinto. May pumasok na dalawang eleganteng tao, maybe her parents. Sumugod kaagad sila sa kanilang anak na may band aid sa pisngi. I can see how worry attacked their faces the moment they saw their daughter. Umiyak si Lucky and hugged her mother. Tinapunan naman ako ng tingin ng ina nya't sinamaan ng tingin. Her dad remained standing while looking at the headmistress. "Good afternoon, Mister and Mrs. Yap," bati sa kanila ng headmistress, tinanguan lamang sya ni Mr. Yap at na kay Lucky naman ang atensyon ni Mrs. Yap.
I can sense that they're really rich.
"So, what happened?" Tanong ng headmistress at tiningnan kami ni Lucky.
"I don't know! She just suddenly attacked me! She's crazy!" She hysterically said while crying. Her mother hugged her tighter. "She's our only child, Miss." Wika ni Mr. Yap while looking at me.
"I'm very sorry, Mister. But please hear my side," I said. Tumingin naman silang lahat sa akin.
"Walang tamang rasun upang suntokin ang anak ko." Mariing sambit ni Mrs. Yap while looking fiercely at me.
"I know, Ma'am. That's why I'm very sorry." I said. I am almost begging. Rinig ko na ang pagbasag ng boses ko.
"Anong magagawa ng sorry mo 'pag may masamang nangyari sa anak ko? I won't let this pass, headmistress. Let her be kicked out here or else," at ibinaling nya ang tingin sa headmistress.
"I'll make sure this issue will invade the media." Sabi nito while gritting her teeth. Napahawak naman sa kamay ni Mrs. Yap ang kanyang asawa. Habang ako, nanlalamig na ang buong katawan. Nanlalambot na ang mga mata ko... Any moment from now, I know, lalabas na ang luha ko.
Bumukas ang pinto ng silid at pumasok sya... Si Ralph. Halos gusto ko na lamang tumakbo at yumakap sa kanya ngayon. Ramdam ko na ang panginginig ng katawan ko.
"Mr. Jimenez," at kaagad na lumapit sa kanya si Mr. Yap at kinamayan si Ralph. Maging si Mrs. Yap ay napatayo't nakipag-beso kay Ralph. Hinayaan kong lamunin ako ng nerbyos at takot kaya nanatili akong nakaupo habang nanlalamig.
Mababakas ang gulat sa mukha nina Mister and Mrs Yap nang lumapit si Ralph sa akin at hinawakan ang likod ko. Hindi ko sya matapunan ng tingin dahil sa panlalamig kong nararamdaman.
"Mr. Jimenez, what's your concern here?" Batid ng headmistress kay Ralph na ngayo'y nakatayo sa tabi ko.
"I am here for her." Kalmadong sagot ni Ralph.
"Mr. Jimenez, that girl punched Lucky! She is crazy. We need to get her kicked out from here, for Era is a great school and known for its great students. A student like her is a trash here." Mahabang sabi ni Mrs. Yap na nagpaluha sa akin. Ang sakit-sakit pakinggan ang mga salitang iyon laban sa akin nang hindi man lang ako makalaban. I feel so small right now. Akala ko'y immune na immune na ako sa ganito pero hindi pa rin pala...
"You're not going to look down on this young lady beside me, Mrs. Yap." Mariing sambit ni Ralph. Ramdam ko kung gaano iyon ka seryoso. Wala akong ibang maramdaman ngayon kundi ang panlalambot. Nanhihina ang buong pagkatao ko.
Natahimik si Mrs. Yap sa sinabi ni Ralph. Maging ang kanyang asawa ay hindi na rin naka-imik. Bakas ang takot at nerbyos sa mukha ni Lucky, halos hindi sya makatingin ng diretso kay Ralph.
"M-mister Jimenez?" Nagugulohang sambit ni Mrs. Yap
"She's my girlfriend and that is why I am here. And please be aware that no one is allowed to call her a trash. She's mine and I'll risk everything for her. Hope you'll consider my participation in this conference." Wika ni Ralph na sobrang nagpahina sa akin. Mas bumilis ang pagpatak ng luha ko. Napaawang ang bibig ni Mrs. Yap, at napatikim-bagang si Mister Yap. Napayuko naman si Lucky na wari ay hindi matanggap ang nangyayari.
"I am very sorry for this, Mr. Jimenez. We can just settle this right now." Seryosong sabi ni Mister Yap. I can see the disappointment in Lucky's eyes pero wari ay wala itong magagawa. Natahimik nalang din ang kanyang ina.
I felt his hand in my hair. Ini-ayos nya iyon mula sa pagkakagulo sa mukha ko't isinabit sa aking taenga. Hinang-hina na ang sistema ko. Gusto ko na lamang magpahinga ngayon.
"So, anong gusto nyong mangyari ngayon?" Sa wakas ay nagsalita na rin muli ang headmistress.
"Just arrange this. Lucky will be fine." Wika ni Mister Yap and smiled at me.
"Your name will be listed at the guidance office for the first warning, Ms. Castillo," sambit ng headmistress na syang nagpangiti sa akin.
"Thank you, Ma'am." I sincerely said and smiled at Mister and Misis Yap. Masama pa rin ang tingin ni Lucky sa akin.
"So, this meeting's dismissed. Thank you for coming Mister and Mrs. Yap, and Mr. Ralph Jimenez." Nakangiting sabi ng headmistress at tumayo. Tumayo na rin kami kaagad.
Pinauna naming lumabas ang Yap Family bago ako inalalayan ni Ralph maglakad palabas ng silid. Sa paglabas namin ay kaagad na lumapit si Mr. Yap kay Ralph at kinamayan ulit ito.
"I'm very sorry for this, Mr. Jimenez and to you Miss," at kinamayan nya rin ako. Nauna nang maglakad ang mag-inang Yap.
"It is settled. Thank you for your consideration," kalmadong sabi ni Ralph ang ngumiti ng maliit. "We'll talk to Lucky kung ano talaga ang nangyari. We're very sorry again." At yumuko-yuko pa ito. Maybe he's really chinese, mababakas iyon sa tono ng boses nya.
"No, it's fine. You should get going now." Wika ni Ralph na kaagad naman'g sinunod ni Mr Yap at nagpaalam na sa amin.
"Thanks..." Sambit ko nang hindi man lang makatingin sa kanya. Hiyang-hiya na ako sa dinulot kong hassle sa kanya. Anrami nya na nga'ng naibigay sa akin tapos ganito pa iyong maisusukli ko sa kanya. He's not in the place to defend me, but he still did. Hindi ko na alam kung paano ko sya mapapasalamatan.
"Isn't it natural for a king to defend his queen?" Wika nito na nagpanguso nalang talaga sa akin. Nagawa nya pa talagang magpa-kilig sa sitwasyong ito.
"Tyler told me what exactly happened. He called me right after the incident on the cafeteria. That Lucky deserves that. No, hindi lang dapat sapak, e, dapat sinipa mo pa." He said that made me smile. "Napaka-konsintedor mo," mahina kong kumento. Tumawa naman sya.
"No one dared touching that brat, Mae. I am so proud of you, you're such a strong woman." At hinimas nya na naman ang ulo ko. "Kung alam ko lang na anak pala 'yan ng may-ari ng napakalaking hospital d'yan ay hindi ko na sya pinatulan." Sagot ko.
"So what? Still don't have the right to say something bad to my girl." At napahinto na talaga ako sa paglalakad. Sa tingin ko ay sobrang pula ko na, hindi dahil sa iyak kundi dahil sa kilig. Hindi ko rin mapigil-pigilan ang ngiti ko. "H'wag mo nga kasi akong pakiligin!" Nanginginig bagang kong wika. Tumawa naman sya. Nice.
"Ano'ng connection mo naman sa Yap Family?" Tanong ko kay Ralph nang makarating kami sa unit ko. "Mr. Lian Yap is our former family doctor when my whole family was here. Dad gave him the opportunity to build his own hospital and it clicked. We still have 35% shares on their hospital." Wika ni Ralph na nagpa-palakpak sa akin. Sya na talaga ang maraming connections. Hindi ko na ma-explain kung gaano sya ka-yaman. Ngumisi naman sya sa akin.
"Feeling better now?" He asked me. Tumango naman ako sa kanya. Pakiramdam ko'y nabunotan ako ng napakalaking tinik sa puso pagkatapos ng nangyari.
"I want a pizza for today..." I said and pouted in front of him. "You don't need to pout. You deserve a pizza for being a strong woman today." And then inabot nya ang teleponong nasa tabi ng sofa at nagpadeliver nga ng pizza. Hindi naman maalis-alis ang ngiti sa bibig ko habang bumibihis.
I have never been in this kind of relief in my whole life. I used to just pretend that everything's fine and under my control, when in fact I was hurting so bad. Nasanay akong pagkatapos ng bawat gulong aking napapasukan ay ako lang mag-isang umaayos ng lahat and I always end up being the loser of every game. Ang akala ng lahat ay ang saya ko, napakatapang upang harapin ang lahat and to proceed my life without thinking to end it like most of the teens in my age do. Without them knowing I tried so many times to commit suicide but I always end up failing. I am depressed and nobody knows. I am so stressed without anyone offering a hand for me. I am emotionally and mentally hurt but I chose to live.
But now... I just found a reason to live and it is to be with someone who's ready to risk everything for me because I deserve that, not because he sees me pretty but because I am me. I am his girl.