Kaagad kong binagsak ang aking katawan sa passenger's seat ng sasakyan ni Marcos nang makapasok ako. Napatakip ako sa aking mukha gamit ang aking panyo nang maramdaman ang pagbadya ng aking mga luha. "Okay ka lang? Kumusta 'yong grades mo?" Rinig kong tanong ni Marcos na ngayon ay nasa driver's seat na. Nang marinig iyon ay naramdaman ko na ang tuloyang pagbagsak ng mga luha ko... "Come on, cry it out." Wika nya nang mapansin ang panginginig ng likod ko at ang pagpigil ko sa aking paghikbi. "Marcos..." Bigkas ko at ini-alis ang panyong nakaharang sa aking mukha. Unti-unting lumakas ang pag-iyak ko at pagdalusdos ng luha ko. "Bagsak ako sa trigo..." Wika ko sa pagitan ng pag-iyak, mas lumakas lamang ito nang hinatak ako ni Marcos papalapit sa kanya upang yakapin ako. "It's okay." Bulong

