"H'wag na. Okay lang ako, pahinga ka nalang d'yan, babs." Wika ko sa telepono at muling inayos ang sarili sa harap ng salamin dito sa loob ng restroom. "Sigurado ka? Pwedeng pwede akong gumora d'yan kung feeling uncomfortable ka." Sabi nya na nagpatawa sa akin. "I can handle myself, Emy. Ang over mo, ah." "Naninigurado lang, baka himatayin ka ulit d'yan at walang sumalo sa'yo, 'di ba? Kawawa ka naman 'pag gano'n." Giit nya at tunog seryoso pa talaga. Napangiwi naman ako at padabog na lumabas ng restroom. "Okay nga lang ako! Para naman'g sobrang dalas kong himat—" "Hep hep hep! Apat na beses ka na po palang hinimatay at baka nakakalimutan mo." I can imagine her faking a smile right now while giving me death stares. "Hindi naman na ako naiyak ng ilang araw, ah. Feeling ko ubos na ang mga

