Napatawa ako nang bahagya nang bigla nalang may sumabog na confetti the moment I entered the school's gym. Kumanta sila ng Happy Birthday nang napakalakas habang napapalakpak. May hawak si Emy na cake at si Papa't Tita naman ay mahahabang ballons ang hawak. It was supposed to be a surprise party pero dahil napakaburara ni Marcos kahapon ay nasabi n'yang may celebration ngayon. Paano kaya sila pinayagan ng school na gamitin itong gym sa kaartehan nila? Sumabay ako sa pagkanta at pagpapalakpak habang sila naman ay halos magsigawan na sa kaka-kanta. Kumpleto ang basketball team at... soccer team. Agad akong napalinga, nagbabakasakaling nandyan din sya pero wala. Si Tyler ay nasa tabi ni Emy at may bitbit na regalo. Natawa naman ako sa ngisi nya sa akin habang kumakanta. "Happy Birthday, Th

