Nanatili akong tahimik habang nilalapag ni Ralph ang mga pagkaing ni-order ni Marcos para sa amin. Hindi ko man lang magawang taponan sya ng tingin gaya ng kanina... "Enjoy your meal." Wika nya at kaagad na pumanhik palayo. Napabuntong hininga ako at itinaas ang tingin kay Marcos. "Alis na tayo, please..." I pleaded and held his hand. Nakita ko paano sumilay ang awa sa mga mata nya sa akin... Siguro ay nakakaawa nga talaga ako ngayon. Kailanman ay hindi ko ginustong kaawaan pero ngayon... Natural syang makikita sa akin. I am that hopeless. "Ayet..." Tawag nya sa pangalan ko at hinawakan ang aking kamay. "Hindi ko na kaya... Tara na..." Bakas sa boses ko ang panginginig at pagmamakaawa. Ayokong umabot sa punto na umiyak na ako dito dahil sa bigat na aking nadarama... Ayokong gumawa ng ek

