"Wrong idea." Mahinang kumento ko habang pinapanood ang basketball team especially si Marcos na pinagkakagulohan ngayon sa labas ng SM. Bakit ba kasi dito pa kami pumunta? Sabing sa paborito kong manokan nalang kami mag haponan, e. Napailing ako nang nakawan ng halik sa pisngi si Marcos ng isang babae. Tumili naman ang mga kasama nya. Bakas sa expression ni Marcos ang pagkagulat at hindi pag sang-ayon ngunit ngumiti rin naman sya kalaunan. Public figure person na ba talaga sya? The last time I checked ayaw nyang may nagpapalitrato sa kanya, ni humawak nga lang ay nagagalit sya... So, ano 'to ngayon? Halos 30 minutes na akong nakatunganga sa kanila sa isang gilid. Hindi ako na update na may fan gathering pala sila ngayon. "Kumalat na ata dito sa inyo na nandito si Marcos," wika ni Gino s

