“Kakain ka o hindi?” ang tanong ni Ambross kay Serina nang makitang hindi ito naglakad papalapit sa kinaroroonan niya. Nakatayo lang ito sa harapan at nakatingin. “Hindi ako kakain!” Umirap siya at naglakad papuntang sala. Kumakalam na ang sikmura niya at gutom na gutom na siya pero ayaw niyang makasabay si Ambross sa pagkain. “Yaya, matapos kong kumain dito, ibigay niyo lahat sa aso ang natitirang pagkain.” Napahinto siya sa paglalakad ng marinig yun kay Ambross. Labis ang inis ni Serina na para bang wala siyang control sa buhay niya sa bahay. Kaya kahit ayaw niya ay napipilitan siyang bumalik kay Ambross. “Gaano ba kakapal ang mukha mo? Ano? Magpapanggap akong happy fiancée mo tapos nakikipag-usap ka gabi-gabi kay Elora?” Narinig ni Serina kagabi na nakikipag-usap pa si Ambross sa g

