Mabilis lumipas ang dalawang buwan para kay Wommie. Buong akala niya ay si Aru lang ang susundo sa kaniya sa Cyprus, hindi niya aakalain na makikita niya rin si Jed, Hut, Fero, kasama pa si Peres. “Bakit busangot mukha mo?” tanong ni Wommie nang makasalubong niya si Aru na salubong ang kilay na hinahaIikan siya habang kinukuha si Soldier sa kaniya. Agad na itinuro ni Fero si Peres kaya agad na naintindihan ni Wommie bakit busangot ang mukha ni Aru. “Para ka namang timang diyan,” natatawang aniya matapos besohan ang mga kaibigan ni Aru. “Peres is just a friend.” Kumunot lang ang noo ni Aru doon at hindi nagsalita. “Bad shot lagi sila ni Ambross sa’kin.” Sumbong ni Peres kay Wommie. Napatanga lang si Wommie sa harapan ni Peres at napatitig sa mukha ng binata. ‘s**t! Ang gwapo pa rin ni

