Isang hagikgikan ang nagpagising kay Wommie. Nakita niya sa tabi si Aru na natatawa habang kalaro si Soldier na nasa ibabaw ng tiyan niya. “Where’s my son? Baaah!” isang malutong na tawa ang narinig nila mula kay Soldier dahilan kung bakit natatawa na rin si Aru. Sa ginagawa nila ay hindi nila namamalayan na gising na pala si Wommie. Tumagilid siya ng higa para tignan ang mag-ama niyang parang may sariling mundo. “Good morning,” sabi niya. Sabay na napatingin si Soldier at Aru sa kaniya. Natawa si Wommie nang makita ang senaryong yun. Parang mini version ni Aru si Soldier at minsan nagkakapareho sila ng galaw. “Good morning baby,” saad ni Aru at hinaIikan ang noo niya. Maraming tao sa barko kaya hindi sila masiyadong lumalabas sa cabin nila. Kahit si Serina at Ambross ay nanatili rin

