Kasama ni Peres ngayon si Wommie kaya nakabusangot ang mukha ni Aru. “Don’t touch her hand, Peres. Dapat may social distancing ka sa kaniya.” Bilin ni Aru habang sina Hut sa likuran ay panay ang tawa at niloloko si Aru. Kanina pa nag-aalburuto ang mood ni Warrius buhat sa hindi niya masamahan si Wommie sa pagpunta kay Rem. Bawal silang makita na magkasama in public. Iyon ang iniiwasan nila. Kaya walang choice si Aru kun’di makiusap sa mga taong available na pwedeng sasama kay Wommie. Nataong si Peres ang available. “Para kang sira diyan. Kinakawawa niyo si Peres,” nakasimangot na sabi ni Wommie habang si Peres naman ay napapailing, hindi naman siya nasasaktan sa mga pagbabanta ni Ambross at Aru sa buhay niya. Sa awa ng Diyos, buhay pa siya. “Baby, stop defending him. You’re pushing

