Nakatulog na si Rem katabi ang bote ng alak. Tumayo si Grey, nanginginig pa rin ang katawan niya. Matapos niyang umuwi no’ng pinuntahan niya si Wommie at tinulak siya paalis ni Wocre, ay naabutan niya si Rem sa bahay nila. Galit na galit si Grey at inaway si Rem, and at that moment, punong puno na rin si Rem sa kaniya. “ANO? GALIT KA DAHIL HINDI KAYO NAGKATULUYAN NI WOMMIE?” Rem tried to avoid her but Grey provoke him dahilan kung bakit siya napagbuhatan ni Rem ng kamay. Ang insidenteng iyon ay nasundan nang nasundan hanggang sa nagbago si Rem. Ang ilang ulit na pag-iwas ni Wommie sa kaniya ay si Grey ang pinaglalabasan niya ng galit niya. Sinisisi niya si Grey kung bakit nasira ang meron sa kanila ni Wommie noon. Umiiyak si Grey habang nakatingin sa asawa niya. Hindi niya lubos mais

