Hindi na bumalik pa si Rey sa bahay ng mga Wundt. Matapos ang dalawang linggo na preparasyon para sa kasal ni Woreign at Angelica ay natuloy na rin. Sumusulyap si Aru kay Wommie na nasa left pew samantalang katabi naman niya si Woxis at Wocre sa kanan. Napangiti siya ng maalala na ganito rin ang sitwasyon nila noon ni Wommie. He was invited by Wommie na sumama sa wedding ni Rem at Grey. Hindi nagsabi si Aru na darating siya dahil ayaw niyang makita na ang babaeng nagugustuhan niya ay nakatingin sa kasal ng lalaking gusto nito habang nasasaktan. Buhat sa si Wommie ang maid of honor ng kasal, nasa unahan ito nakaupo habang siya ay nasa pinakahulihan dahil salimpusa lang naman siya. That time, doon niya naiwan ang ticket ng ship of temptation na nakita ni Wommie. Habang nasa hulihan siya

