AMOY NG DAMO
"So as long as men can breathe, or eyes can see,
So long lives this, and this give life to thee."
Napangiti ako ng matamis sa lahat nang magsimula silang magpalakpakan pagkatapos kong banggitin ang mga huling kataga sa Sonneto na pinasaulo sa amin ng aming guro. Ngayon na ang huling araw ko dito, ang huling araw ng aming Summer Class. Kailangan ko nang magpaalam sa kanila. Kaso... Ayan is not here.
Malungkot akong napatingin sa bakanteng upuan ni Ayan. Dalawang araw na siyang wala at ang huli naming pagkikita ay noon pang araw na hinalikan niya ako. Sabi ng mga kaklase ko ay sinubukan nila na puntahan ang bahay ni Ayan, kaso tila wala daw tao doon. Wala nga daw lumalabas sa pagtatawag nila. Maging si Margareth ay tikom din ang bibig.
Malungkot din na napatingin ang mga kaklase ko sa tinitignan ko at nag-aalala na nagbalik ng tingin sa akin. Nginitian ko sila isa-isa.
"Nagpapasalamat ako sa isang linggo na nakasama ko kayo. Sobrang saya. Kahit kailan ay hinding hindi ko kayo makakalimutan," madamdamin kong saad na ang iba ay naiyak pa at nag-iwas ng tingin sa akin.
I tried so hard to just keep smiling. "Salamat."
"Beu..." ani ng isa kong kaklaseng babae. "Hinding hindi ka rin namin makakalimutan. Balik ka next summer, ha?"
Natawa ang ilan sa amin sa sinabi nito. Nagpasalamat at nagpaalam din ako sa aming guro na maluha luha habang nag-uusap kami. Tanging hiling lang daw niya ay lagi akong nasa maayos na lagay at umaasa din daw siya na makikita nila ako ulit. Kahit ako man... ayaw ko rin umalis, kaso hindi ako maaring magtagal sa ganitong mundo. Hindi makakayanan ng baga ko.
Kita ang madilim na kalangitan hanggang ngayon at ang lupa ay mamasa-masa pa dala ng isang gabing pag-ulan. Tapos na nga talaga ang tag-araw. Wala na ang maaliwalas na paligid. Napuno ang malungot na paligid ng amoy ng d**o na naghahatid ng pangungulila dala ng pag-iisa.
Nasaan ka na ba, Ayan? Nasa ayos ka lang ba?
Nanatili akong tahimik habang nakamasid sa paligid, habang kinakausap at nakikipag-paalaman pa ang mga magulang ko sa prinsipal ng paaralan. Dito din pala nag-aral noon si Papa.
Nasa ganoong lagay nang maramdaman kong may nakatayo sa aking gilid. Nilingon ko kung sino iyon — nagbabakasakali din na si Ayan. Kaso, si Margareth lang ang nakita ko na bakas man ang inis sa mukha ay nakitaan ko naman ng pag-aalinlangan sa mga mata. Napatingin ako sa likuran niya, kaso wala din doon si Ayan. Nang binalik ko ang tingin sa kaniya ay umiiyak na siya na kinagulat ko.
"Aalis ka na?" pinalis ni Margareth ang mga luha sa mga mata niya. "Okay, umalis ka na! Huwag ka nang babalik! Hindi ka kailangan ni Ayan!"
Pagkasabi niya noon ay tinalikuran niya ako at nagtatakbo paalis. Susubukan ko sanang habulin siya, kaso dumating na ang mga magulang ko.
Ilang paalaman at yakapan pa muli ang nangyari bago kami umalis ng aking mga magulang.
"Hindi mo ba hihintayin si Ayan, Beu? B-baka dumating pa iyon?" alinlangang sabi ng isa sa mga kaklase namin na kaibigan din ni Ayan.
"Paalam, Beu."
Naalala ko ang mga katagang iyon na sinabi ni Ayan, pagkatapos niya akong halikan. Napangiti ako nang mapakla at nakita pa si Margareth sa hindi kalayuan na nakasilip sa gawi namin.
"Hindi na. Nakapagpaalam na rin naman siya sa akin, gulo silang lahat na nagkatinginan nang sinabi ko iyon. "Isa pa, hindi na rin naman siguro niya ako kailangan."
Hindi na nila ako pinilit pa at kumaway na ako sa kanila habang papaalis na ang aming sasakyan sa lugar na iyon. Binilin ko sa kanila na iparating na lang kay Ayan ang pagpapaalam ko sa kaniya dahil hindi ako nakasagot sa paalam niya sa akin. Kahit naguguluhan man sila, masaya pa rin silang nagpa-OO. Kahit pa man pinilit pa nila ako na manatili ng kaunti at hintayin muna si Ayan.
Habang nasa sasakyan, sinalpak ko ang earphones sa aking tenga na nakakonekta sa aking MP4 at pinlay ang isang awitin.
I see trees of green,
Red roses too
I see them bloom,
For me and you.
Napangiti ako nang mapait habang inaalala ang araw na naging paborito ko ang awitin na ito dahil sabay namin itong pinakinggan ni Ayan. Napakaganda ang araw na iyon, gaya nang unang araw na umapak ako sa lugar na ito. Naalala ko pa ang labis na saya na aking nadama habang papasok kami sa lugar na hindi ko aakalaing mapapamahal sa akin. Ngayon, lilisanin ko ang lugar na ito na kasinglungkot ng panahon. Makulimlim at walang saya.
And I think to myself,
What a wonderful world.
Naalala kong muli ang araw na nakilala ko si Ayan. Marahil ay dahil sa kaniya kung kaya minahal ko ang lugar na ito. Meeting Ayan was the best part sa pananatili ko sa lugar na ito. At hindi ko iyon itatanggi.
I see skies of blue,
And cloud of white
The bright blessed day,
The dark sacred night
And I think to myself,
What a wonderful world
Every moment with Ayan ay hinding hindi ko makakalimutan. Bukod sa mga nakangiting mukha ng aking mga kaklase na masaya akong binabati ng magandang umaga tuwing papasok, o sa medyo istriktong boses ng aming guro kapag nahuhuli kaming hindi nakikinig dito.
The colors of the rainbow,
So pretty in the sky
Are also on the faces
Of people going by
I see friends shaking hands,
Saying "how do you do."
Napatingin ako sa malawak na karagatan nang dumaan na kami doon. At doon, nakakita ako ng isang pigura na nakatayo sa mabuhangin na dalampasigan. Kahit malayo ito at nakatanaw sa amin mula doon, kilalang kilala ko ito.
Lumapit ako sa bintana ng aming kotse at inilapat ang aking kamay doon. I can't see his gaze, pero alam ko na nakikita niya kami. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagpatak ng aking mga luha na kanina ay hindi manlang lumabas nang nagpapaalam ako sa lahat. Kagaya ng makulimlim na langit na tila naghihintay din sa momento na ito.
They're really saying
"I love you," sabay kong bigkas kasabay ng awitin habang nakatanaw sa noon ay papalayo nang pigura ni Ayan. "Paalam Ayan. Mahal na mahal kita."
Alam ko at sigurado ako na hindi lang pagkakaibigan ang naramdaman ko kay Ayan. Higit pa roon. At kung hindi man niya maibabalik ang kaparehong nararamdaman para sa akin, mas mainam nang hindi niya alam. Ibabaon ko na lamang sa aking pag-uwi ang pag-ibig na kailanman ay hindi na masusuklian. Kung darating man ang araw na babalik ako dito, sa ilalim ng maaliwalas na panahon, sa gitna ng tag-araw, ipapaalam ko sa kaniya. Tanging kaming dalawa lang ang makaka-alam.
Sa ngayon, paalam muna sa aking nararamdaman na hindi nasuklian. Hanggang sa muli, mahal kong Ayan.
Kita ang madilim na kalangitan hanggang ngayon at ang lupa ay mamasa masa pa dala ng isang gabing pag-ulan. Tapos na nga talaga ang tag-araw. Wala na ang maaliwalas na paligid. Napuno ang malungot na paligid ng amoy ng d**o na naghahatid ng pangungulila dala ng pag-iisa.