Tunaw na Ice Cream

1142 Words
TUNAW NA ICE CREAM Magmula nang araw na nag-usap kami ni Margareth at nakita ako ni Ayan na umiiyak dahil doon, tila naging maingat na si Ayan sa pakikitungo sa akin. O maari nating sabihin na tila bahagya na siyang umiiwas sa akin. Kagaya na lang ngayon... "A-ayan," tawag ko sa kaniya habang masaya siyang nakikipagkwentuhan sa iba naming kaklase. Natigilan silang lahat at sabay-sabay na napatingin sa akin. "Oh Beu! Sali ka sa usapan dali, maraming kwento itong si Ayan ngayon," masayang tugon ng isa sa aming mga kaklase. Napangiti naman ako dahil doon at masayang lumapit sa kanila. Tumabi ako kay Ayan at nginitian siya, ngunit umiwas siya ng tingin sa akin at bahagyang umurong para makalayo ng kaunti sa akin. Nawala ang ngiti sa aking labi at habang nag-uusap- usap na muli sila ay tila wala akong marinig. Naka pokus lang ako kay Ayan. Iniiwasan niya nga ako at hindi niya iyon tinatago. "Si Ayan ang nanalo n'un last year, hindi ba?" "Talaga?" masaya kong sagot sa ikinuwento nila tungkol sa sports fest nila last year. Malawak ang pagkakangiti na nilingon ko si Ayan sa aking tabi. Hinawakan ko siya sa braso para bahagya itong lumingon sa akin. "Ang galing mo naman A " "Naiihi ako. CR lang muna ako," mabilis niyang saad at mahinang iwinaksi ang kaniyang braso mula sa aking pagkakahawak. Sunggab ang kilay na tinanaw ko si Ayan. Nang nasa pinto na siya ay tsaka ko siya mabilis na sinundan. "Ayan! Ayan!" tawag ko sa kaniya, pero hindi siya lumilingon sa akin, dirediretso lang ang lakad. Tumakbo ako at mahigpit siyang hinawakan muli sa braso. Tumigil siya sa paglalakad para lingunin ako. "Ayan!" "Ano ba! Ano ba, Beu?" irita niyang sigaw na talaga namang kinabigla ko. Maging ang ibang estudyante na naglalakad hindi kalayuan ay napatigil at nagbulung bulungan habang nakatingin sa gawi namin. "M-may problema ba? Bakit umiiwas ka sa akin?" mahinahon kong tanong. I tried to compose myself and not to choke while I'm speaking. Tila may nakabara sa lalamunan ko habang pinipigilan kong maiyak. "Walang problema sa'yo, Beu. Sa akin. Ako ang problema," tila nahihirapan niyang sabi, kung kaya naguguluhan ko siyang tinignan. "Mas mabuti na huwag ka nang lumapit sa akin." Nang sinabi niya ang mga katagang iyon, tila tumigil ang ikot ng mundo para sa akin. I was frozen where I stood. Nawala ang ingay sa paligid. I tried to reach out for him habang unti-unti na siyang lumalayo sa akin, ngunit hindi ko pa rin siya maabot. He feels so far, eventhough our distance is not even centimeters apart. Hindi ko alam kung bakit at kung ano ang problema n'ya. Then naisip ko si Margareth at sa nangyari kahapon. Somehow, naisip ko na baka nga si Margareth lang talaga ang nagmamay-ari sa kaniya. Sa simula't sapul, isa lang akong sampid dito sa lugar na ito. Si Ayan, malapit sa lahat, mahal ng lahat. Ako, pinagtutuunan niya lang ng pansin dahil kaawa-awa ako. Ako lang ba ang nag-isip na magkaibigan kaming dalawa? "Beu, nag-away ba kayo ni Ayan?" sabi ng babae kong kaklase pagkatapos nitong tumabi sa akin. Napaaga ang uwian namin ngayon dahil nagkaroon ng Faculty Meeting ang mga guro namin, kung kaya nagka-ayayaan ang lahat na mamasyal sa parke na malapit sa paaralan para makapagbonding naman daw kami. Dalawang araw na lang, tapos na ang Summer Class. Sila, magkikita pang muli sa pagbubukas ng bagong school year, samantalang ako, balik na sa dati kong buhay. Kapag naiisip ko iyon, mas bumibigat ang dinadala ko sa aking dibdib. Lalo na at ganitong nagkakalayo na kami ni Ayan. "Hindi ko alam," pino kong sagot sa aking kaklase habang tinititigan ang hawak kong ice cream na noon ay mukhang matutunaw na. "Hindi kami nag-away, pero parang nagkalayo na lang kami bigla," pagod akong lumingon dito sabay mapait na ngumiti. Bumuntong hininga ito at ngumiti din ng pilit sa akin. She patted my back to console me maybe. Sabay kaming lumingon sa aming harapan, parehong tahimik. Makikita sa aming harapan ang aming mga kaklase na masayang naglalaro ng tumbang preso kung tawagin nila. Isa na doon si Ayan. "Masaya ako na nakilala kita Beu," biglang sambit ng aking babaeng kaklase, kung kaya napalingon ako dito. She's smiling while still looking at the front. "Sana hindi mo kami makalimutan." Noong naka-alis na s'ya at nakisali sa paglalaro ng iba naming kaklase, doon ko naramdaman na kahit nandito lang ako at nakatanaw sa kanila, tila ba kabilang pa rin ako sa kanilang mundo. Na tila walang linya na nakaharang sa pagitan ko at sa kanila. Kaso... sa amin ni Ayan, bakit parang may malaking pader na nakaharang? Masaya ako at masaya sila na nakilala nila ako dahil ganoon din ako sa kanila, kaso si Ayan kaya... masaya din na nakilala ako? Mas sasaya ako kung gan'un din ang nadarama niya. Dahil ako? Masaya ako na dumating s'ya sa buhay ko. "CR lang ako!" Nagpaalam ako sa sa kanila sabay kaway. Sabay sabay naman silang nag thumbs up sa akin. Nasa daan na ako n'un patungong palikuran ng may isang kamay ang malakas na humatak sa aking braso. Naging mabilis ang lahat na natameme na lamang ako sa gulat. Nanlalaki ang mga mata na napatingin ako sa kawalan habang damang-dama ko ang kapwa naming hininga sa malapitan. Isang mainit at malambot na labi ang dumampi sa sarili kong labi at hindi ko napaghandaan iyon. Isang matamis na halik. Kasingtamis ng tunaw na ice cream na nahulog na sa lupa dahil nabitawan ko mula sa aking pagkakahawak. Everything in my sight became blurry at kahit pinakawalan na n'ya ako mula sa pagkakahigit n'ya sa akin ay walang namutawing salita mula sa aking bibig. "Paalam, Beu." Tinignan ko lang ng tahimik ang papalayong pigura ni Ayan. Hindi ako nakapagsalita habang inaabot ng aking mga daliri ang aking labi. Hinalikan ako ni Ayan. At hindi ko alam kung bakit lumulundag sa labis na tuwa ang aking puso dahil doon. Kapwa ko s'ya lalaki pero hindi ako nakaramdam ng ilang o disgusto bagkus, tila ay kinikiliti pa ang aking tiyan. "Gusto ko pang halikan n'ya ako ulit," bulong ko sa aking sarili pagkatapos ay naitakip ko din ang dalawa kong kamay sa aking mukha dahil sa labis na hiya. T'yak na namumula na rin ang aking mukha. Pinaglandas ko ang aking mga kamay mula sa aking ilong hanggang sa bibig. Bumuga ako ng hininga mula sa aking bibig. Mukhang hindi lang pagkakaibigan ang nararamdaman ko para kay Ayan. Isang matamis na halik. Kasingtamis ng tunaw na ice cream na nahulog na sa lupa dahil nabitawan ko mula sa aking pagkakahawak. Everything in my sight became blurry at kahit pinakawalan na n'ya ako mula sa pagkakahigit n'ya sa akin ay walang namutawing salita mula sa aking bibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD