BULLETS and KISS

3340 Words
ALEXIS JAVIER "Sa akin. Ayaw mo ba sa akin? Dahil ako, gusto kita. Six months ago pa." Isa pa nga! "Sa akin. Ayaw mo ba sa akin? Dahil ako, gusto kita. Six months ago pa." Waaaaahhhh! Heaven! Nasa heaven ako! I'm gonna faint! I'm gonna fa— "I'm just kidding, Baby girl. Huwag kang magalit." Humarap siya sa akin nang nakangisi kaya halos lumuwag ang garter ng panty ko. Ang gwapo niyang tingnan sa ngising iyon! I swear! Kamukha niya kasi talaga si Austin Post kaya mukha talaga siyang lalaki. Hay! What's really happening to me? Hindi naman ako ganito kakalog before pero nag-change ako. As in changed. Real quick! I'm a serious type of person before. Dala marahil ng kahirapan kaya kailangan kong magseryoso before. Nitong huling dalawang buwan naman ay naging classy ako lalo na kapag kaharap ang nasa circle ni Antonio. I need to act like a real rich girl dahil ayoko namang ipahiya siya sa mga kakilala niya. Ito naman ako ngayon! Dinaig ko pa ang may sapi pero feel ko talaga ay nakakawala ako sa hawlang ginto na pinagkulungan sa akin ni Antonio. Kahit kagabi ko lang kasi nakilala si Mitchell ay wala akong doubt na huhusgahan niya ako kapag nagkamali ako kaya I'm being true to myself. Masaya pala kapag nagpakatotoo ka sa sarili mo! Promise! Kasi I don't need to please anyone. Just like now. Tiningnan ko ang sarili ko sa mirror. Wala akong kahit anong kolorete sa mukha. Medyo magulo pa ang buhok dahil sa ginawa sa akin kanina ni Arzaga pero ang ganda ko pa rin talaga! Ayooot! "Hey? Are you mad? I'm just kidding, Baby girl." Kidding raw? Saan? "Saan ka nagbibiro?" Medyo naguluhan ako kasi biro raw, eh. Hindi naman siya nag-joke sa akin, hindi ba? "Doon sa sinabi ko sa iyong gusto na kita, six months ago pa." Whatttt? "So, ibig sabihin nagbibiro ka lang? Hindi mo talaga ako gusto?" "Yeah. Pero kung gusto mo, gawin na lang nating totohanan." Lumingon siya sa akin at kinindatan niya uli ako. "Kapag gusto mo." Kinibit niya ang mga balikat niya pero may naglalarong ngiti sa mga labi niya. "Ano ba ang gusto mo? Kasi ako, ikaw lang talaga ang gusto ko." 'Wag kang magpadala, Alexis! Kukurutin ko ang singit mo! Joke lang daw iyon! Hinampas ko siya sa balikat kasi kinikilig ako. "Ikaw, ha? Namumuro ka na. You're making fun of me." Sumimangot ako. "Pinapatawa lang kita. I just want you to forget what happened earlier." Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Why?" nakangusong tanong. Nagpapa-cute lang. "Alam mo bang sinisisi ko ang sarili ko?" Nilingon niya uli ako sandali. Nagda-drive nga kasi siya, ano ba. "If I didn't leave you with him, hindi mo sana naranasan ang katarantaduhan ni Arzaga." Agoooy! Guilty rin kaya ako! Pinaalis ko siya, hindi ba? Kaya it's all my fault talaga! "Ahhh..." What to say ba? "I know it's traumatizing on your part because of what he did lalo pa at hindi ka naman pakawalang babae." Pakiramdam ko ay may humahaplos na mainit na palad sa dibdib ko at nagbibigay ng masarap na pakiramdam sa buong pagkatao ko. Tingnan mo nga kasi, alam naman ni Mitchell na nagtatrabaho ako bilang dancer dati pero hindi niya ako hinuhusgahan dahil lang sa dating trabaho na mayroon ako. Sana lahat ng tao, ganito ang mindset, hindi ba? Hindi iyong kung humusga ay wagas. Akala mo naman walang pagkakamaling ginawa sa buong buhay niya. "Payakap nga, isa lang..." wala sa sariling sabi ko. Nang mapagtanto ko ang kagagahan ko ay natutop ko na lang ang bibig ko. "What?" "I'm just kidding pero kung gusto mo ay gawin nating totohanan?" panggagaya ko pa sa sinabi niya kanina. Binuntutan ko pa ng tawang maharot para pagtakpan ang kahihiyang ginawa ko. My gosh! Nakakahiya pero kere lang. Maganda pa rin naman ako. "Siguro maganda parents mo, no?" Nilingon ko siya kasi out of nowhere ang sinabi niya. Ano iyon? Para may mapag-usapan lang kami? Ganoon? Pero, sige. Gusto ko ring may mapag-usapan kami. Getting to know each other ba. "I don't know. I never had the chance to met them. Wala ring pictures nila sa bahay. Ang weird, no?" "Bakit naman?" "Syempre naman..." Ano nga ba ang sasabihin ko? All my life kasi is hindi naman ako naghanap sa parents ko. Kuntento na kasi kung ano ang mayroon sa akin. "Ohh? Bakit hindi ka na makasagot?" "Honestly, I don't know what to say dahil ito ang unang beses na may nagtanong sa akin tungkol sa parents ko." Sumandal ako at pumikit. I'm not comfortable with the topic. Pero gusto kong mapag-usapan ang tungkol sa part ng buhay ko na No Parents Since Birth. First time may magtanong kaya okay na rin na ilabas ko ang saloobin ko tungkol sa bagay na ito, hindi ba? May makikinig, eh, kaya may makakaramay. "Saan pala tayo ngayon?" pag-iiba niya ng topic. "Sa unit mo na muna kaya tayo? Then, let's go somewhere else after nating mahatid 'tong gamit mo." "Javier ang surname ko," pagsisimula ko kahit pa iba na ang topic niya. "Si lolo ang Javier, so, ibig sabihin ay lalaki ang anak nila at iyon ang tatay ko. Madali lang naman isipin iyon, hindi ba?" Nilingon ko siya at tumango naman siya. "Pero kasi, bakit walang pictures ni nanay at tatay roon sa bahay?" "Tinanong mo ba naman sila kung bakit wala kang makitang pictures ng mga magulang mo sa inyo?" "Nope. I was contentedly happy with my life, well, not until at this moment when you asked about my parents. I'm not blaming you, I swear. Ngayon lang kasi biglang pumasok ang mga questions sa isipan ko. Like, bakit nga ba walang pictures ng parents ko sa bahay namin? Bakit nila ako iniwan? Isa lang naman ang alam ko, eh, kung hindi nila kami pinabayaan nila lola at lolo ay hindi sana ako bumagsak sa pagiging dancer at kahit papaano ay nakatapos ako kahit high school lang." "I am—" Hinawakan niya ako sa balikat at hinimas-himas iyon. Huwag kang dirty minded! Inaalo niya lang ako. "Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil hindi ko naman alam ang mga pinagdaanan mo. Kung sasabihan naman kita ng mga words of wisdom ay wala na rin naman iyong magagawa dahil nasa chapter ka na ng buhay mo na ito. Pero tingnan mo, ang tatag mo ngayon. You remained standing after all the typhoon that you've been through." "Iyon naman dapat ang gawin ko, hindi ba? Kasi kung hindi ako magiging matatag ay sino na lang ang sasandalan nila lolo at lola? Hikashos na nga kami sa buhay, papahirapan ko pa ba lalo ang buhay namin. Syempre, kailangan na gumalaw-galaw rin dahil baka ma-stroke." Tumawa ako. "Akala ko talaga ay hindi ka matinong kausap." "Bakit naman?" "Duh? Limot-limutan? Partial amnesia lang? Kung makatukso ka sa akin kagabi akala mo naman ay close tayo." Inirapan ko nga siya nang bongga. "Kumain na muna tayo." Nagutom ako sa storytelling na ginawa ko. Mabuti na lang din at malapit lang ang karinderya na alam ko na may pinakamasarap na sisig at bulalo sa buong lugar. "Iliko mo tapos ay kumanan ka." "I think you're good in giving direction." Nagtaka naman ang beauty ko sa sinabi niya. "Why?" "Because I found love when I found you." Howly! Mowly! I rolled my eyes at hinampas ko siya nang very very hard. "Tse! How many hearts have you captivated by your sweet words, ha? Huwag mo na akong isali sa kanila, okay?" Lumapit ako sa kanya at pinisil siya sa pisngi. Waaaahhh! Ang lambot ng pisngi, mas malambot pa sa pwet ko. "Itabi mo na riyan," utos ko nang makita ko na ang very familiar na karinderya ni Aling Nena. MITCHELL MONDRAGON MABUTI naman at nakalimutan na ni Alexis ang naranasan niya sa kamay ni Saltik. In a very short time ay parang alam ko na rin ang ugali niya; masayahin at mabuting sign iyon dahil kung ang ugali niya ay parang pasan niya ang buong mundo ay mahihirapan sila Bossing na mahuli ang ugali ni Alexis. "Let's have an outside dinner later tonight." Naglalakad na kami sa loob ng karinderya. "Saan?" Nilibot niya ang paningin niya; naghahanap ng mauupuan. "Parating puno naman dito," pagmamaktol pa ni Alexis. "You said that this place serves the best dishes in town kaya huwag ka nang magtaka." Itinuro ko ang bakanteng lamesa katabi ng maiingay na costumers na mga lalaki. "There—" Hinila niya na kaagad ako at nagmamadaling pumunta sa bakanteng mesa—nag-iisang mesa sa loob nitong karinderya. "Opsie wopsie! Kami ang nauna," nakangising sabi ni Alexis na sinabayan pa ng pagtaas ng kilay. Tiningnan ko kung sino ang sinabihan ni Alexis. Isang lalaki at isang babaeng kaedaran niya lang. Must be a couple. Sa tingin ko ay kilala niya kaya ganito na lang kung umasta ang anak ni Bossing. "Psh! Same pathetic b***h!" "Excuse me? Are you talking to me?" Hinawakan ni Alexis ang kamay ko at hinila paupo. I gave her a questioning look. What are you up to, young lady? "Of course! Kanino ko pa ba i-a-address ang itinawag ko sa iyo?" Tumayo nang tuwid ang kaaway ni Alexis at himalukipkip. Away babae. Tsk! "Ow?" Alexis exaggeratedly widened her eyes as if her nemesis said something horrible. "I thought you were talking to your self. Have you forgotten? Between the two of us, you're the queen of b***h, b***h!" "Aba't sumasagot na ngayon ang apo ng labandera! Akala ko kasi ay nawalan ka na ng dila dahil sa gutom, you know, baka kasi nakain mo na dahil mga patay gutom naman kayo." Nagkatinginan kami ng lalaking kasama ng babaeng kasagutan ni Alexis at sabay na napangiwi at napailing. Hinila niya na ang babae pero pumiksi naman ang huli. "What? Hindi pa ako tapos!" "Precy, please. Stop it." "Stop na raw sabi ng boyfriend mo kaya makinig ka! Hmp!" Humirit pa talaga si Alexis. Inakbayan ko na lang siya at binulangan. "Huwag ka nang sumagot dahil lalaki lang lalo ang gulo sa pagitan niyo." Tumayo si Alexis at namaywang. "No! After what she said about us?" Itinuro niya ang babae na halos matamaan na sa mukha. "Ano ba, b***h! Watch your dirty hand!" "Sorry," sabi ng lalaki at tuluyan nang hinila ang babae palabas nitong karinderya. Nang tingnan ko ang dalaga ay halos malukot ang mukha sa sobrang simangot. "Siguro, trip mo ang babaeng iyon, no?!" mataray na saad niya. Naku naman! Gigisahin din yata ako. "I thought you're hung—" Nahinto ako dahil malakas na nagtawanan ang mga lalaki sa kabilang lamesa. "Mayroon din akong joke. Makinig kayo, ha!" Maging si Alexis at ang ibang costumers ay nakuha na rin ang atensyon nila dahil kanina pa sila tawanan nang tawanan. "May batang parating nangunguha ng bunga ng mangga tuwing gabi habang kumakanta ng: Mahal kita, Mahal kita, hindi 'to bola. Paulit-ulit niyang kinakanta ang kantang iyon habang nanunungkit ng bunga pero isang gabi habang nanunungkit siya at kumakanta ay may narinig siya mula sa taas ng puno na may kumakanta rin. Alam niyo kung ano ang kinakanta ng nasa puno?" Tumayo pa siya at inilibot ang tingin sa kabuuan ng karinderya at nahinto sa akin habang natatawa kaya natawa rin ako dahil alam ko ang joke niya. Kaya naman pakanta kong sinagot ang tanong niya ng, "Bayag ko iyan, bayag ko iyan at hindi iyan bunga." Lumapit sa akin ang lalaki at nakipag-apir. "Nakuha mo , 'tol!" Malakas ang naging tawanan sa loob ng karinderya ni Aling Nena. "Tsk! Tsk! Tsk!" Napalingon ako dahil sa kalatik ng dila na naririnig ko. "Ang galing... Ang galing sa kalokohan. The best! Tsk! Ano kakainin natin ngayon? Bayag o ang bunga?" "What?" Natawa ako dahil sa hitsura niya. Hindi ko tuloy mawari kung nakangisi siya o nakangiwi. "Okay, Your Highness. What do you want to have?" "Anything, basta iyong nakakabusog." Tumayo ako at sumaludo pa sa kanya. "Isang serve ng nakakabusog na pagkain right away, Your Highness." ALEXIS JAVIER "BAKIT ang dami?!" Halos lumuwa ang eyeballs ko dahil sa dami ng pagkain na in-order ni Mitchell. "I thought you said that you are hungry?" May naglalaro na namang ngisi sa labi ni ate mong gwapo. "Yes, I said that pero hindi ko naman sinabi na ubusin mo ang nasa menu nila." Mapakamot na lang ako sa ulo. "Upo ka na para mabawasan na 'tong sandamakmak na in-order mo." "Kapag hindi maubos ay huwag nang pilitin." "What? No! Hindi tayo aalis dito hangga't hindi nauubos itong in-order mo. Alam mo bang kailangan pa na maglabada ng lola ko noon para lang makapag-ulam kami kahit na tuyo? Kayo talagang mayayaman, ano, balewala ang pera." Inabot ko ang isang bowl ng umuusok na bulalo at pinigilan na umiyak. "I-itong ulam na ito ay p-paborito ni lolo k-kaya iyong tira-tira na ulam na galing sa pamilya ng matapobreng babaeng iyon ay inuwi isang beses ni lola noong naglalabada pa siya sa bahay ng mga walang hiyang iyon!" s**t! Ayokong umiyak pero naiiyak talaga ako, eh! "Pero p-peste lang dahil sinabihan na nilang magnanakaw si lola dahil lang sa tira-tira nila! Peste lang! H-hindi pa nakuntento ay p-pinakulong pa talaga nila si Lola! Ano'ng laban namin sa kanila noon, eh, mayaman sila s-samantalang kami ay ni hindi makumpleto ang tatlong beses na kain sa isang araw! K-kaya nga sinagot ko si Antonio dahil sa pera niya, eh. Call me gold digger o kahit anong masasama basta maging maayos lang ang buhay nila Lolo at Lola!" Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon kaya para tuloy akong nakuryente. Ano ba 'tong kalandian ko, sumisingit sa kadramahan ko sa buhay. "Let's take out this foods at sa bahay niyo tayo kakain para makasalo natin ang grandparents mo, gusto mo ba?" Mula sa pagyuko ay umangat ang paningin ko sa kanya. "H-ha?" "Hindi ka pa naman nagugutom, hindi ba?" Tumango ako. Kinawayan niya ang serbidor. "We'll take this out. Pakidagdagan na rin nitong bulalo. Here's the money and keep the change." Napamaang na lang ako kay Mitchell dahil sa ginawa niya. Totoo ba talagang mabait siya o dahil lang sa sahod ni Antonio sa kanya kaya mabait siya sa akin? Pero, mayaman na siya kaya hindi dahil sa sahod ni Antonio kaya ganyan siya sa akin. Ako na rin mismo ng kumontra sa una kong naisip. Likas yata talagang mabait si Mitchell. Oo, ayon ang sagot at nagagandahan siya sa akin kaya—basta! Wala nang ibang dahilan. Maganda ako. Period! "Bakit hiwalay ka sa grandparents mo?" tanong niya nang nasa byahe na kami. "Gusto ni Antonio. Binili niya sa akin ang unit na titirahan natin two months ago. I already told you the reason kung bakit kailangan ko na mag-stick sa kanya. Besides, he's a gentleman. I mean was, he was a gentleman and an almost perfect knight in shining armor. Kaya nga nagtataka ako sa behavior niya kanina. Ano iyon, after naming magtsuktsakan ay nag-iba na ang ugali niya? What a shame!" Naitakip ko na lang ang kamay ko sa bibig ko dahil sa katabilan ng bunganga ko. "You already gave yourself to him?" Gusto ko na tuloy hilain ang dila ko para iprito at kainin. "Don't mind me. May talong ka ba?" tanong ko para maiba ang usapan. Sinilip ko ang binili naming gulay at prutas para dalhin din sa grandparents ko. "Wala akong talong, mani lang ang mayroon ako." Ano raw? "What? Talong ang sinasabi ko at hindi mani." "Ano ba ang gagawin mo sa talong?" "Torta, syempre. Duh?" "Mayroon diyan." "Marunong ka bang magluto?" Umupo na uli ako matapos kalkalin ang mga pinamili namin. Actually, ginawa ko lang ang pangangalkal churva para maiwasan ang hot seat dahil na rin sa katabilan ng bunganga ko. Hindi siya sumagot at tila may sinisilip sa side mirror habang nakakunot ang noo. "Hindi ka marunong maglu—Ahhhhhh! f*****g die s**t naman! Ano ba iyon?!" Napatili uli ako nang may bumundol na naman sa sasakyan namin. "Mag-seatbelt ka, Alexis! Bilis!" Dahil sa pagkataranta ay hindi tuloy ako magkandaugaga sa pagkabit ng seatbelt. "Okay na ba?" tanong niya sa akin nang hindi lumilingon. "Oo! Tapos na! Ano ba kasi—Waaaaahhhhhhhhh!" Pakiramdam ko parang nagkabuhol-buhol ang bituka ko sa loob ng tiyan sa biglaang pagbilis nitong sasakyan ni Mitchell. "Ano'ng nangyayari, Mitchell?!" Hindi siya sumagot kasi focus nga lang siya sa pagmamaneho. Sinilip ko ang likuran namin at halos lumuwa ang eyeballs ko dahil sa nakita! Shitttt!!! May tatlong magkapares na nakasakay sa motor ang sumusunod sa amin! And take note! May mga baril na nakatutok sa amin! Umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril nang paulanan nila kami ng bala! Yumuko ako nang very very hard at kulang na lang na idausdos ko ang katawan ko para hindi ako matamaan ng bala "Mitchell, a-ayoko pang m-mamatay! Paano na l-lang ang g-grandparents ko? Ayoko p-pang mamatay!!!" Sumisigaw na ako habang umiiyak. Sobrang bilis ng takbo namin na himala namang walang traffic! Tangina! Nasaan ang mga sasakyan?! At... Pinapaulanan pa kami ng mga bala! Shit! Kung hindi kami mamamatay sa bala ay mamamatay naman kami kapag naaksidente kami sa bilis ng patakbo ni Mitchell! Akala ko ay nailabas ko na lahat ng kilabot ko pero hindi pa pala! Kasi naman itong bodyguard kong babae na gwapo ay biglang prumeno! That was the purpose of f*****g seatbelt! Kamuntikan ko nang humagis dahil sa ginawa niya kung hindi ako naka-seatbelt! "W-where are you going, Mitchell?" "My car is bulletproof, so, just stay here because you're safe here." "W-where did you get that gun? Bakit may baril ka?" Nagulat na lang ako dahil ikinasa niya ang baril niya na hindi ko alam kung saan galing pero mas magugulat pa pala ako dahil... Shit naman! Bigla kasing lumabas itong si Mitchell at parang action star na hinarap ang mga nakamotor at walang takot na nakipagpalitan ng putok! Nanlalaki ang mga mata ko at parang sasabog na ang puso ko sa magkahalong emosyon! Natatakot ako pero sa kabilang banda ay hindi ko maiwasang humanga kay Mitchell dahil sa bawat putok niya ng baril ay nahuhulog ang sakay ng motor hanggang sa wala nang natira sa mga humahabol sa amin. Nanginginig akong tiningnan ang paligid dahil baka mayroon pang ibang taong humahabol sa amin. Hindi ako makakampante hanggang hindi ko nakikitang nandito na sa loob si Mitchell! "Pumasok ka na rito, Mitchell!" sigaw ko kasi baka hindi niya marinig ang boses ko. Luminga rin muna siya sa paligid bago lumingon sa akin at tuluyan nang pumasok dito sa loob. "What was that?!" Agad kong salubong sa kanya. "I don't know. Hindi ko rin alam kung bakit may humahabol sa atin. Hindi ko sila kilala." "No! I'm not pertaining to those bastards! Wala akong pakialam sa kanila! My only concern ay kung bakit ka lumabas at inilagay sa peligro ang buhay mo! Mitchell, naman! What if, napahamak ka?! Hindi kakayanin ng kunsensya ko iyon! Hindi mo na dapat sila hinarap dahil magaling kang mag-drive! Maililigaw mo sila! May tama ka ba ng bala, ha?" Tiningnan ko siya nang maigi pero duda ako na natamaan siya. "Ano ka? Si John Wick? O baka tingin mo sa sarili mo na ikaw si Batman na hindi tinatablan?! Mitchell naman! You're just a human—" And there goes my katinuan! Parang bird na binugaw at nagliparan! Keshe nemen! Itong si ate mong gwapo ay kinabig ako sa batok at sinibasib ako ng halik! Shit! This is what I'm dreaming of! Her kiss is so electrifying dahil halos lahat ng buhok ko sa katawan ay nagtayuan! Her lips is soft as feather! Halos habulin ko pa ang labi niya nang tumigil siya sa paghalik sa akin pero magkadikit pa rin naman ang foreheads namin habang magkahinang ang aming magagandang mga mata. Hawak niya pa rin ang batok at hindi niya pa binibitawan. "Hindi ba nangako ako sa iyo na hindi ka na masasaktan ng kahit na sino?" Tumango ako. "Kailangan ko silang harapin dahil ayokong masaktan, Alexis. Nangako ako sa iyo kaya gagawin ko ang lahat para matupad iyon." Nangungusap ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. At dahil gabuhok lang ang pagitan ng mukha namin ay naaamoy ko ang mabango niyang hininga na nagbibigay ng kiliti sa puson ko—puso pala. "Then, seal your promise with a kiss." Huwaaaat? Ano ba iyong nasabi ko?! Dios Mio, Soldado! Pero gusto ko talaga ang halik niya, eh, kaya naman I'll push my luck. "Kiss me, Mitchell Mondragon. I want you to kiss me in order for me to believe your promise." Haaaaay... Ang sarap! Hinalikan niya uli ako and this time ay mukhang magtatagal ang kiss namin kaua wala na akong masabi pa. I'll tell you how does it feel in the next chapter. Wink!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD