FINGERS and PROMISE

3345 Words
ANTONIO ARZAGA DAPAT nga ba akong matuwa na nakatulog si Alexis habang may nangyayari sa amin o dapat akong magalit dahil kahit magaling ako ay tinulugan niya ako? "Dapat kasi ay pinatay mo na lang siya! Tingnan mo nga't binibigyan ka na niya ng problema ngayon! Napakakitid talaga ng utak mo!" Umiling-iling ako. "Hindi! Hindi na muna ngayon! Wala rin akong dahilan para patayin siya kagabi dahil wala siyang karea-reaksyon! Tama na! Huwag mo akong minamaliit dahil sa ating dalawa ay ako pa rin ang masusunod!" "Mahina ka talaga, Antonio, kaya hindi mo siya kayang patayin! Ginagamit niya lang ang pera mo!!! Pinaglalaruan ka lang ni Alexis!!!" "Tumigil ka na! Tama na! Huwag mo akong manduan dahil alam ko ang ginagawa ko! Tumigil ka na!!! Tumigil ka na!!!" Ibinato ko ang tasang hawak ko sa salamin kaya nagkapira-piraso ang salamin at ang tasa. Hinihingal na naman ako kaya kinuha ko ang gamot ko! I took 10 tablets to keep me calm bago lumabas ng kwarto. Pinasadahan ko ng tingin ang kulay pulang pinto bago nagpunta sa komedor. Naabutan ko si Alexis na nakasimangot at masama ang tingin sa bago niyang bodyguard. What's new? Ganyan naman si Alexis kapag may itinatalaga ako sa kanyang bodyguard. Pero pabor sa akin dahil kung tutuusin ay may hitsura itong Mitchell Mondragon at hindi mapapagkamalang babae. I investigated Mitchell's origin yesterday. Lahat ng files and documents na ipinasa niya sa akin ay legit kaya alam kong wala siyang alam tungkol sa Prestige na kinabibilangan ko. At iyon ang una sa listahan ko bago kumuha ng pwede kong maging tauhan. May background din siya sa pagiging martial arts expert kaya mapapangalagaan niya si Alexis sa kahit na sinong kalaban ng Prestige. Wala naman akong pakialam sa kalagayan ni Alexis kapag literal na pangangalaga ang pag-uusapan. I just want her to be around hanggang maisipan ko nang palitan ang laruan ko.  I don't love her also. Love? The word doesn't belong to my vocabulary. I'm just too obsessed with her dahil mukha siyang manika na walang kalaban-laban. Makinis, maganda at maliit. Natutuwa pa ako sa kanya kaya hindi na muna kailangan na idispatsa. "Good morning, Sweetheart!" bati sa akin ni Alexis sabay halik sa labi ko. Mukhang masaya ang higad... "How are you feeling, Beautiful?" kaswal na tanong ko at dumulog na sa lamesa. "I'm—" Ngumiwi ang dalaga sa akin. "Well..." Tumingin siya kay Mitchell at pinandilatan ito ng mga mata kaya lumabas muna ang bagong bodyguard niya. "What now?" "I'm aching all over, is it normal? I mean, para akong binugbog ng isang batalyong katao." Nagpakawala ako ng pekeng tawa. Nagsasawa na ako sa mukha mo, Alexis. Magpasalamat ka at natutuwa pa ako sa iyong higad ka kaya mabubuhay ka pa nang mas matagal... "I don't know, Beautiful. I'm a man kaya wala akong idea tungkol sa bagay na iyan." Sinapo ko ang pwet niya at hinila palapit sa akin at inupo sa mismong kargada ko. Humarap siya sa akin nang nakalabi. "Don't tell me, we're going to have fun in this area?" "Why not?" Yumuko ako para kagat-kagatin ang dibdib niya. Tumayo siya at umalis sa pagkakaupo sa harapan ko. "Next time na lang, Sweetheart, please? I'm still aching down there, eh." "Dalhin mo na siya sa silid na pula! Doon mo gawin ang binabalak mo sa makating babaeng iyan! She's just a w***e and a gold digger kaya kapag tapos ka na niyang mapakinabangan ay aalis din iyan sa buhay mo katulad ng ginawa ng malandi mong ina sa daddy mo! Patayin mo na si Alexis bago ka pa niya iwan!" Napahawak ako sa ulo ko dahil sa boses na sumisigaw sa loob ng utak ko! "Tumigil ka!" mahinang saad ko. "Mahina ka, Antonio! Mahina ka!!!" "Hindi totoo iyan!" Tumayo ako at marahas na hinila ang kamay ni Alexis papalapit sa akin. Binuhat ko siya at inihiga sa lamesa. "W-what are you d-doing, Sweetheart?" Halata ang takot sa maganda niyang mukha kaya mas lalong uminit ang pakiramdam ko. Mas lalong gumanda sa paningin ko si Alexis! Ngumisi ako sa kanya. "Kapag sinabi kong magse-s*x tayo, iyon ang masusunod, naiintindihan mo?!" nanlilisik ang mga matang sigaw ko sa kanya. Sinakal ko siya sa leeg kaya napangiwi siya! Pinunit ko ang damit niya at pwersahang hinubad ang shorts niya kasama ang panty niya. I forcefully inserted three fingers into her womanhood kaya napasigaw siya. "P-please, stop—doing t-this—n-nasasaktan ako, Antonio..." paputol-putol niyang pakiusap dahil sakal-sakal ko siya. "Senior?" Biglang sumulpot si Gardo. Narinig niya siguro ang komusyon dahil sa mga nabasag na baso at pinggan na ginamit lang namin kanina na nasa sahig na ngayon. Lumapit siya sa aming dalawa ni Alexis. "Huminahon ka, Senior, baka mapatay mo ang girlfriend mo." Kalmado ang boses ng tauhan ko dahil sanay na siya sa akin pero tinabig ko lang siya at dinuro. "'Wag kang makikialam!" "Lo Siento, Senior..." sabi sa akin ni Gardo bago tuluyan na lumapit sa akin at iturok ang syringe sa braso ko. ALEXIS JAVIER I'M still shaking dahil sa ginawa sa akin ni Antonio. Wala pang dalawang minuto ang lumipas kaya masakit pa rin sa akin ang ginawa niya lalo na sa putetay ko. Shit lang talaga! Kapupunit niya pa lang sa akin kagabi, eh! s**t na s**t talaga! Ikaw kaya ang ma-hard core ng tatlong daliri, ewan ko lang kung kumaringking ka pa! Letse! Lumalabas talaga ang pagiging iskwater ko kapag nasa masamang sitwasyon... Huhuhuhuhubels... "Here, ma'am. Use this one." Gardo handed me his jacket. Hindi siya makatingin sa akin nang diretso. "S-salamat..." Agad ko ring na-realize na halos hubo't-hubad na rin pala ako kaya hindi siya makatingin sa akin. Tiningnan ko si Antonio. "B-bakit parang s-sinapian siya kanina?" "Don't mind him, ma'am. Makakalimutan niya rin ang nangyari sa inyong dalawa ngayon." Kalmado pa siya kaysa sa walang alon na dagat kung magsalita.  Tang-ina lang talaga! "Ahh, ganoon ba? Mabuti naman at makakalimutan niya ang nangyari sa amin. Great! Just great!" sarkastiko kong sabi sa kausap ko. Umiyak na naman ako. "M-makikipaghiwalay na lang ako sa kanya..." sabi ko sa pagitan ng pag-iyak. Napaupo ako dahil sa pagod. "I'm advising you not to do that, ma'am." Nanatili siyang kalmado sa kabila ng pag-iyak ko at pagsigaw sa kanya  "At bakit?!" Tinarayan ko nga siya dahil sa sinabi niya. "Hoy, mamang bodyguard na matangkad at gwapo! Baka you're forgetting that your boss almost raped me! He—he—he." Ayokong sabihin sa kanya dahil nakakahiya ang ginawa sa akin ng hinayupak niyang boss. "He inserted his—damn fingers inside me! Dinaig ko pa ang na-brutality na character sa laro, eh!" I bursted out! Ayan! Nasabi ko tuloy!  Fuck lang! Yumuko ako sa mga palad ko at umiyak nang umiyak. "What's happening here? What happened to Senior?" Hindi ko nilingon ang bagong dating pero alam kong papalapit sa akin ang taong iyon dahil naririnig ko ang footsteps niya. "Alexis, what happened to you? Are you okay?" Nag-angat ako ng mukha at sinalubong siya ng masamang tingin! Ang sarap mag-super sayan dahil sa tanong niya, eh! Nakita niyang umiiyak ako tapos ay tatanungin kung okay lang ako?! Okay lang ba siya?! Tumayo ako at dinuro siya! Nang tumingin siya sa akin—mali—nang tumingin siya sa putetay ko ay kinuha ko ang throw pillow at itinakip sa aking pagkakababaeng masyadong niyurakan! Hindi man lang nagawang takpan ng jacket ang kabuuan ko. Stay calm ka lang, putetay! Letse ka, Alexis! Ang arte mo pa rin! Dinunggab ka na sa lahat-lahat ay nag-iinarte ka pa rin! "I'M NOT OKAYYYY!!!" malakas kong sigaw sa mismong mukha ni Mitchell! "Ikaw kaya ang fingerin ko, ewan ko lang kung maging okay ka! Saan ka ba kasi galing, ha? You're supposed to protect me pero tingnan mo, saan ka galing, ha? SAAN KA GALING?!!!" "What did you say?" Malamig ang boses niya kaysa sa normal voice niya nang magtanong siya sa akin. Bakit ganoon? Kalmado lang ang boses niya pero parang... Galit na galit at gustong manakit?! "Ha! Galit-galitan?!" Aba! May balak pa yatang sapawan ang galit ko! Walang may karapatang magalit dito kundi ako lang! Only me! Me only! Hinubad niya ang trench coat niya at tahimik na sinuot sa akin. Tiningnan niya ako diretso sa mga mata ko na para bang nagso-sorry siya dahil iniwan niya ako. Huwag kang feeling nasa Telenovela! Ka-imbyerna to! "Sorry..." mahinang saad niya pero parang nabingi ako. Ano raw? So—sorry daw? Whaaaaaat?! Ayiiih! Nag-sorry nga! Akala ko ay tapos na siya pero hindi ko inaasahan nang... Waaaaaaahhhhhh! What's happening, Mamen?! Yinakap niya ako nang mahigpit. "I'm sorry dahil hindi kita nagawang protektahan. But I promise you, simula sa oras na ito ay wala nang sinumang makakapanakit uli sa iyo dahil kapag may nagtangkang saktan ka ay ibabaon ko sila hukay!" "M-mitchell..." sabi ko na lang dahil tuluyan na na namalisbis ang luha ko dahil sa sinabi niya. Lumayo siya sa akin at pinunasan ang pisngi kong basa na sa luha. "Umakyat ka na para makapagbihis ka." May takot na tiningnan ko si Antonio. "Don't worry, I'll make sure na hindi ka na niya masasaktan. Trust me, okay? Dahil kapag nangako ako ay tinutupad ko kahit pa kapalit niyon ang buhay ko." Ang bigat ng sinabi niya at punong-puno ang puso ko.  Tumango ako sa kanya at nagmamadaling umakyat sa kwarto ko. MITCHELL MONDRAGON "ANO'NG nangyari?" matalim ang mga mata kong tinitigan si Gardo. "Ikaw dapat ang tanungin ko sa bagay na iyan, Mondragon!" asik niya sa akin. Kampante kami dahil wala nang ibang tauhan si Arzaga na nandito ngayon at walang malay pa itong si saltik. "Ano ang nangyari, Mondragon?" sarkastikong balik tanong niya sa akin. "Ano ang nangyari bakit kamuntikan nang mamatay ang dalagang Zodiac? She was right! You are here to protect her! It's your obligation to protect Alexis!" Hindi ako nakasagot dahil ako ang may kasalanan. Naging pabaya ako at inilagay ko sa panganib ang buhay ng anak ni Athena. Kinuha ko ang swiss knife ko at lumapit sa nakabulagtang si Arzaga. Demonyo ka talaga, Arzaga! I'm about to draw a knife to Antonio's chest when Gardo talked. "Go on. I'm not gonna prevent you from killing him as long as you already knew the consequences. Sabagay, matagal nang may alitan ang dalawang organisasyon kaya sige, patayin mo na si Arzaga," sarkastikong sabi niya sa mismong mukha ko. Napahinto ako sa gagawin ko sana. "What do you mean?" "Wala ba kayong Intel sa sarili niyong organisasyon? Mukha si Ventura at ang pinuno niyo lang ang matalino sa inyo." Ngumisi siya sa akin. "Are you insulting me?" "Kailangan pa ba kitang insultuhin o dapat kang mainsulto dahil wala kang alam kung sino ba talaga si Arzaga? That man is not just a member of Prestige, Mondragon. He's also one of the successor of the throne." "Pero patay na si Hajiro kaya malabong magpatuloy pa ang Prestige lalo pa at tinutugis sila ni Red!" "Ilang buwan ka bang wala sa sirkulasyon, Mondragon?" nang-uuyam na tanong niya. "Lahat na lang ba ay iaasa niyo kay Ventura? Lugmok na nga ang dalagang iyon, ibabaon niyo pa lalo?" Umiling-iling pa siya na parang hindi makapaniwala. Hindi na naman ako nakasagot sa tanong niya. May punto si Grado sa bawat salitang binibitawan niya. Sumabak ako sa trabahong ito na walang alam kundi and protektahan si Alexis. Kahit maliit na impormasyon ay wala ako dahil hindi na ako nag-abalang kalkalin ang pagkatao ni Arzaga dahil walang rules na ibinigay si Athena.  "Puntahan mo ang dalagang Zodiac at ipaliwanag mo sa kanya ang nangyari na hindi mabubuko ang pagkatao nating lahat dahil mas manganganib siya kapag may nalaman pa siya tungkol sa atin. Advice her to stay calm. Hindi niya kailangan na makipaghiwalay kay Arzaga dahil tutugisin din siya ng bagong boss mo. Besides, Arzaga has important matters to deal with kaya hindi sila magkakasama ng isang buwan." "Paano ako makakasigurado na hindi na malalagay sa panganib si Alexis habang wala si Arzaga sa bansa?" "Bantayan mo siya at huwag mong aalisin ang paningin mo sa kanya. At sa tingin ko ay kung mayroon mang mananakit kay Alexis ay si Arzaga iyon mismo." Kilala na niya si saltik dahil isang taon na rin niyang sinusubaybayan ito. "Unti-untiin mong ipakilala ang tunay na magulang ni Alexis sa kanya dahil kung may kayang protektahan ang dalaga sa kamay ni Arzaga ay ang mga magulang niya at si Jax mismo iyon." Lumapit siya sa akin at tinapik ako sa balikat. "When the time comes that you're ready to face all the consequences without seeking help from the Domina est in nigrum, that's the time you can kill Arzaga. Mag-iingat ka." Tinalikuran ko na siya at nagpunta sa silid ni Alexis. ALEXIS JAVIER NAPAIGTAD ako nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko rito sa slaughter house ni Antonio. Damn him talaga! "S-sino iyan?" Hinawakan ko nang mahigpit ang kutsilyong kinuha ko kanina sa kusina bago ako pumunta rito sa room ko. Aba! Mahirap na ngayon ang tatanga-tanga! "Si Mitchell 'to, Alexis. Pwedeng pumasok?" Sure na sure—ay, ahem, kumikiringking ka na naman, Alexis! "Shut up, self!" Tumikhim ako. "Sige. Pasok lang." Ngumiti si Mitchell sa akin nang makapasok siya. "Nag-e-empake ka na pala?" "Hmm, para makaalis na agad ako rito bago pa magising si Antonio." "Are you breaking up with him? Paupo, ha?" "Sure. Upo ka lang kahit saan." Umupo siya sa kabilang gilid ng kama. "Sa tanong mo, oo ang sagot ko. May sapi pala iyong taong iyon. Gosh! Kamuntikan niya na akong patayin! Grrrr! I hate him!" Tumayo siya at umikot sa kama kung nasaan ako. "Can you trust me?" "Huh?" Shock ako, syempre. Trust daw, eh. Eh, ang alam kong Trust ay condom lang. Char! "What the hell are you saying?" Kunwari ay galit ako dahil ayokong titigan ang may tattoo niyang mukha. Gwapo si ate mong girl kasi. As in! GWAPO! "Huwag ka na munang makipaghiwalay sa kanya, Alexis." Tumayo ako at pinamaywangan siya. "At bakit naman kita susundin, ha?" "Because that's the best thing to do—well, for now." Hinawakan niya ako sa kamay at kulang na lang ay maihi ako dahil may sumusundot sa puson ko. "Nangako akong hindi ka na niya masasaktan, hindi ba?" Tumango naman si gagang Alexis. Ay! Ako pala iyong gagang iyon. Hinila niya ako at iginiyang umupo kalapit niya kaya magkatabi na kami at nakatingin sa mga mata ng bawat isa. "Ahh, hmm... Yes, you said that. Pero bakit kailangan na hindi ako makipag-break sa kanya? Baka kasi kapag hindi ko ginawang makipag-break sa kanya ay ang leeg ko ang i-break niya. See this?" Tumingala ako para ipakita sa kanya na naging pasa na ang kaninang bakas lang ng kamay ni Antonio. I heard her gritted her teeth! Galit ba talaga siya? Haba ng hair, nag-Rejoice ka ba, girl? She touched my neck featherweight. "Masakit?" Mesherep... Moooore... Kagat-labi pa ako na napapikit dahil sa nakakakiliting sensasyon dahil lang sa hinihimas niya ang leeg ko gamit ang thumb finger niya. Ugh... "Alexis?" "Hmmmm?" super duper mega amazing na sagot ko sa pagtawag ni Mitchell sa pangalan ko. "Masakit ba?" "Masarap..." "Ano'ng masarap?" Hinamplaks naman, oo! Nagmulat ako ng mga mata para magtino ang daloy ng dugo sa katawan ko. "Ahh? Masarap iyong kape kanina. Tama, oo. Iyon nga. Masarap talaga ang kape kanina." "Nagugutom ka ba?" "Ahh, eh." Nagkamot ako ng ulo. "I understand you. Traumatic ang naging karanasan mo kanina kaya siguro nagkakaganyan ka. If you want to cry, gawin mo lang para maging magaan ang pakiramdam mo. You don't need to hide. Nandito lang ako." "Sige. Ahh, ano pala iyong pinag-uusapan kanina? Tungkol iyon sa hindi ko dapat pakikipag-break kay Antonio, right? Why?" pag-iiba ko na lang ng usapan baka mahalata niyang pinapantasya ko na siya.  "Mayaman si Arzaga at malawak ang koneksyon. Hindi natin alam ang takbo ng isipan niya. Baka kasi kapag nakipaghiwalay ka sa kanya ay guluhin ka niya and worst ay gawan ka ng masama." "s**t! Oo nga, no? Paano sina lola at lolo? Baka sila ay idamay rin ni Antonio!" "Kaya nga dapat 'wag ka na munang makipaghiwalay sa kanya. His bodyguard told me that Arzaga is leaving the country for one month kaya hindi kayo magkakasama. Bago pa naman siguro siya makabalik ay nakapag-isip na tayo kung ano ang dapat nating gawin. At isa pa ay kapag may koneksyon ka pa sa kanya ay madali na lang nating malalaman kung ano ang gagawin niya, hindi ba?" "Well, honestly, I agree with you. Basta, huwag mo akong pababayaan, huh?" Itinaas niya ang kanang kamay na parang nanunumpa. "Ayusin mo lang! Bayad ka na ba?" "Yeah." Kaya pala concern, dahil bayad na... May kumatok uli. "Alexis?" Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin kay Mitchell nang mapagtanto kung sino ang masa labas ng kwarto ko. Mitchell mouthed, "Calm down." Tumayo siya at siya na mismo ang nagbukas ng pinto. "Senior..." Humarap kay Mitchell si Arzaga na salubong ang kilay. "What are you doing here in my girlfriend's room?" Girlfriend my ass! Matapos mo akong tusukin ng mga daliri mo may gana ka pang tawagin akong girlfriend?! Kapal ng face ng tang-ina! "I'm just making sure that she's fine, Senior..." "Making sure that she'll be fine? Why?" "Gumulong ako sa hagdan kanina at nasabit pa ang leeg ko sa railings. Mabuti ma nga lang at buhay pa ako, eh. Punyeta kasing hagdan na iyan, eh! Sarap barilin!!!" nanggigigil kong sagot kay Hudas Barabas! Nag-aalala si Antonio na lumapit sa akin. "May I see?" Hinawakan niya ang leeg ko kaya kinilabutan ako pero kailangan kong magtiis dahil baka idamay niya nga ang grandparents ko. "Damn! Are you okay now?" "Yes. Awa ng Dios ay buhay pa rin naman ako sa kamay ng mga hagdan," matabang kong sagot sa kanya. Tumingin siya sa wristwatch niya. "I have a flight to catch, Beautiful. Kailangan kong lumipad papuntang Toronto dahil may importante akong gagawin." Hindi ako sumagot sa kanya. Bahala siyang mamaos. "Huwag ka nang magtampo." Tang ina! Hindi ako nagtatampo! Lol! Ulol! "Mitchell is here. Alam niya na ang dapat gawin. She'll be staying with you in your unit, okay lang ba sa iyo?" "Do I have a choice?" kunwari ay ayokong makasama si Mitchell pero sa totoo lang ay tuwang-tuwa ako. Kulang na lang ay magta-tumbling ako sa sobrang saya. "Please, I need your cooperation. Maaasahan naman si Mitchell. And I promised you yesterday about your dream car, right? In two weeks time ay masasakyan mo na rin iyon kaya huwag ka nang magalit kung hindi kita maisasama ngayon." Sapak you want? Ako? Magagalit dahil hindi mo isasama ngayon? f**k you ka! Magpapa-party pa ako mamaya dahil iniwan mo ako rito sa 'Pinas! Huminga ako nang malalim at tumingin sa likuran niya kaya nahagip ng tingin ko si Mitchell. Tumango siya sa akin. "Mag-ingat ka, huh?" Binigyan ko ng lambing ang sinabi ko. "Mahal mo talaga ako, noh?" Oo at dahil sobrang mahal kita ay ang sarap mong murahin!  Fuck you! Tarantado! Engkanto! Ngumiti na lang ako—iyong ngiti na parang nakita ko si Santa Claus na may dalang isang bag na regalo para sa akin. "Senior..." Sumungaw ang ulo ng bodyguard niya na nagbigay sa akin ng jacket kanina. "We have to go, Senior." "We have to go, Beautiful. Just wait for your car. Si Mitchell na lang ang bahala sa iyo dahil may sarili rin naman siyang sasakyan. Kahit mura lang ang sasakyan niya ay magiging safe ka roon." Ang dami mo palang masamang ugali, bakit ngayon ko lang nakita?! Nabulag nga pala ako sa pera mong, letse ka! "May mga tauhan na ako sa ibaba kaya sila na ang bahala sa mansyon ko na ito. Mauuna na kami." Tumalikod na siya at tuloy-tuloy na umalis kaya nakahinga na rin ako nang maayos. "He's f*****g insane!" bulalas ko na lang. "f**k lang!" "Are you done?" tanong ni Mitchell. Tumango ako. "Aalis na rin tayo." Kinuha ko lang ang mga gamit ko at umalis na rin kami sa mansyon ni Arzaga gamit ang murang sasakyan ni Mitchell. "Magkano pala itong sasakyan mo?" "It's not for sale, Little Missy." "Duh! As if I have a lot of money to buy this car of yours, noh? Nakakapikon lang talaga si Antonio. Masyadong maliit!" "Masyadong maliit?" Nang tingnan ko siya ay nakangisi na siya. "Maliit ang?" "Utak! Duh!" "I'm glad you're okay now, Baby girl," sinserong sabi niya. Kaya ayaw na naman paawat ng puso kong parang tipaklong na tatalon-talon. Hayst! How to be loved by you po? "May girlfriend ka ba?" Ayooot! Nadulas lang naman sa bibig ko ang tanong. "Nope." "Bakit hindi ka maghanap?" Sige lang, Alexis, push your luck! "Sa ngayon? Nah. Mas importante ang kaligtasan mo kaysa sa love life ko. Ayaw mo ba noon?" Lumingon siya sa akin at kumindat. "A-ano'ng a-ayaw ko ba?" Nagkandautal-utal na naman ako dahil sa kahaliparutan. "Sa akin. Ayaw mo ba sa akin? Dahil ako, gusto kita. Six months ago pa." Waaaahhh!  Kill me now!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD